CHAPTER 2: Forcefully Kiss And Drag
|Herlinda Parker|
"Mom, dad, may hinihintay pa po ba tayo? I thought it's a family dinner?" hindi ko mapigilang magtanong dahil sa kabagutan. Ilang minuto na akong nakaupo rito at hindi pa kami nagsisimulang kumain.
Maaga akong umalis sa kompanya kanina dahil sa family dinner namin. It's been a month since the last time I meet my parents. Tapos ngayong nakauwi na ako sa Pilipinas ay nawalan din agad ako ng oras dahil sa sobrang busy namin ngayon sa event na darating before the year end.
"Andito na pala sila anak kaya wag ka ng mabagot d'yan," they greeted the new comers as I sit still on my seat.
Ewan ko ba habang tumatagal ay mas madali na akong mabagot sa mga bagay-bagay. Ito na nga yata ang sinasabi nila na tumatanda na.
Hindi ko na nakita pa kung sino ang mga dumating dahil naging busy ako sa pagtetext kay Lina. My bestfriend slash secretary, para sa upcoming event ng company.
"Eri, anak bumati ka muna sa tito't tita mo mamaya na yang work work na yan, okay," napatunghay ako dahil sa boses ni mommy at ang pagkuha nito sa cellphone ko only to see the Delos Santos family in front of me.
Bigla ay parang gusto ko nang umuwi. I'm shocked and nervous meeting his family again for how many years passed.
"Good evening po tita Tracey and tito Erico," pagbati ko matapos kong makipag beso. Binalingan ko naman agad ang dalawang lalaking nakatingin lang sakin.
"Hi, Eman," ngiti ko sa bunsong kapatid ni Stanley.
"Hi, Stanley," a small smile crept from my lips as I wave my hand to them but before I take my seat.
A beautiful little girl just popped on my sight face to face before she kiss me on the lips.
I blink because it caught me off guard. Narinig ko ang paghagikhik nito dahil sa pagkurap-kurap ko. Sabay-sabay na nagtawanan ang parents ko pati na sina tito't tita habang may ngiti namang nakapaskil sa mukha ni Emmanuel.
Still on my shocked face, I asked a stupid question that I regretted.
"Is she your daughter?" tanong ko kay Stanley dahil sa kanya agad nagpakarga ang batang humalik sakin.
Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa pag-ngiwi niya sa tanong ko o masasaktan dahil sa patuloy na pagpalakpak ng bata habang sinasabi ang katagang 'daddy' ng paulit-ulit habang humahalik din ito sa labi ni Stanley.
"Magsi-upo na muna kayo mga hijo," sabi ni mommy na may ngiting nakapaskil sa labi.
Tahimik akong nakikinig at kumakain habang pasulyap-sulyap sa batang nagpapasubo at nakakunyapit ang mga braso sa leeg ni Stanley.
Kay gandang bata nito. Masyado itong malambing at napakabibo dahil kahit sa pagkain ay panay pa rin ang salita at bungisngis nito sa bawat bulong sa kanya ni Stanley. Gusto ko mang mainis sa bata ay hindi ko kayang magawa dahil mas lamang dito ang nararamdaman kong pagkaaliw sa bawat galaw at bungisngis nito.
Hindi ko namalayaang napapangiti na pala ako habang nakatingin sa kanila. Pero mabilis ding nawala ang ngiti ko nang bumaling sa direksyon ko ang tingin ni Stanley.
Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa sandaling pagtagpo ng mga mata namin.
Hindi ko mapigilang mapakagat labi dahil sa kilig habang nakatingin sakin si Stanley.
"We decided to announce your engagement at Stanley's birthday party so, it's a double celebration."
Matapos naming kumain ay nag-uusap na sila para sa isang engranding engagement party na magaganap kasabay sa araw ng birthday ni Stanley habang ako'y nakikinig at ngumingiti sa batang bumubungisngis habang panay ang sulyap sakin tapos bubulong at bubungisngis ulit matapos niyang makinig sa mga bulong sa kanya ni Stanley.
BINABASA MO ANG
LADY
RomanceWARNING: MATURE CONTENT SPG | R18 | | COMPLETED | "I was born for you, but you're not born for me. Keeping everything that reminds me of you means keeping you even though you're not for me. I just wanted to always remember you, missing you for how...