EPILOGUE
{HER ACCIDENT}|Herlinda Parker|
I started the engine and drive fast to get away from this place. Ang malas yata ng condo'ng nabili ko dahil lahat ng sakit na nararanasan ko ay lagi nalang nangyayari sa loob nito.
Natatakpan na ng mga luha ang paningin ko dahil hindi ko manlang magawang patigilin ang sarili kong mga luha at sa patuloy na pagbuhos nito.
My phone ring and I glimpse to see who's calling. Mas lalo pa akong naiyak nang makita ko ang pangalan niyang nakalagay sa screen na tumatawag.
Mabilis akong napaharap ng tingin sa daan nang marinig ko ang nakakabinging tunog ng pagsalpukan sa harap.
The last thing I remembered, something hit my head. And darkness is all I see.
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa mga boses. My head and body are aching. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Malalabong imahe ang una kong nakita at mga boses na matitinis ngunit may kahinaan.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. I tried to move my body but I can't. I move my head from the side to see what's happening.
"Tumawag na kayo ng ambulansya dahil may babae pa sa loob ng isang sasakyan!"
"Jusko, buhay pa ang babae! Gumagalaw pa siya!"
Malinaw ko ng naririnig at nakikita ang mga tao sa labas. Everyone is in panic.
"'Yong babae sa nakatagilid na kotse buhay pa daw, asan na ba yung ambulansya? Ba't ang tagal?"
"Kunin niyo na lang kaya ang babae sa loob?"
"Hindi yan pwede kasi baka biglang sumabog iyang kotse dilikado. Hintayin nalang nating may dumating na rescuers."
Naiiyak kong tinignan ang impis kong t'yan dahil sa pagkirot nito.
'My baby. Stanley our baby. Help!'
Gusto kong sumigaw dahil sa sakit at sa pag-aalala, hindi para sa sarili kundi para sa isang anghel na nasa sinapupunan ko.
Ginalaw ko ang isa kong brasong hindi naipit hanggang sa may masanggi ito. Ginalaw ko ang ulo ko para makita kung ano iyon.
'My phone!' sigaw ko sa isip at nabuhayan ng loob dahil sa nakita kong pag-asa.
Sinubukan kong abutin ang cellphone ko, "Arrgh!" I grunted when my head hurts dahil sa paggalaw ko.
My breaths becomes uneven and I suddenly felt dizzy as I finally get my phone.
Napahinga ako ng malalim at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko. Dahan-dahan kong inangat ito at nagpapasalamat akong hindi manlang ito nasira o nagasgasan.
I opened it with my trembling hand.
Gusto kong mapamura nang walang signal akong makita kahit isang bar manlang. Ngayon ko lang naalala na mahirap pala makasagap ng signal sa lugar na ito.
"Stanley," mahina kong bulong nang pumasok sa isip ko ang nakangiti niyang imahe suot ang kanyang uniporme.
Flashbacks started to flow. The moments we shares–the memories of us together.
Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita ang lalaking mahal ko. Dahil ramdam ko.
Ramdam kong huli na...
Sa nanginginig na kamay ay pinilit kong mabuksan ang nag-iisang pag-asa ko para masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Mariing pagpikit ang ginawa ko dahil sa sakit na sumigid sa buong katawan ko.
I open the recorder app. Huminga ako ng malalim at malalim na humugot ng lakas bago nagsalita.
"Ich, Herlinda Parker wird dich für immer lieben Stanley Delos Santos. My last promise and vow for you," malakas na pagsabog ang gumulat sa akin dahilan ng pagpindot ko at natapos ang pagrerecord ko dahil sa gulat at kaba. Iba't ibang sigaw at mga boses ang takot na nagsasabing may tao pa sa isang kotse.
Wala na akong halos maintindihan sa paligid ko. Lalong nag-ingay ang buong paligid dahil sa pag-sabog at iba't ibang sigaw ng pag-aalala at pag-papanic sa buong paligid.
I felt my body becomes weaker.
Inaantok akong tumingin sa hawak kong cellphone. Alam kong hindi ako pwedeng matulog, natatakot ako hindi para sa sarili ko. I'm afraid because of the baby inside my womb. My unborn child. Our baby.
Hindi ko alam kong ilang minuto akong naghintay bago ko naramdaman ang katawan kong pilit na nilalabas sa loob ng sasakyan.
Sa paglabas ng katawan ko ay ang unti-unting mas paglabo ng paningin ko at ang pagmanhid ng katawan ko. Natatakot akong tumingin sa lalaking naglagay sa akin sa stretcher habang nagsasalita sakin.
I can't hear anything.
Para lang akong nanunuod ng isang video na walang tunog. Everyone's moving around me, everyone's trying to talk to me and I can't hear anything even just a whisper.
Hindi ko na alam kong ano ang nangyayari, basta't ang alam ko lang ay gising ako hanggang sa dumating kami sa hospital hawak ang bagay na nagpapanatili sa aking gising. My cellphone.
"Stanley," I uttered his name faintly. I know I uttered his name dahil mas lalo pang nagkagulo ang mga doctors na nakapalibot sa akin at matamaang nakatitig sakin ang isang babaeng doctor habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.
I can't clearly see her but I know she's crying because of her tears that's pouring on my cheeks. The heat of her tears is making me wake. And she looks very familiar to me.
The last thing I remembered, I slowly close my eyes remembering Stanley and our baby.
BINABASA MO ANG
LADY
RomanceWARNING: MATURE CONTENT SPG | R18 | | COMPLETED | "I was born for you, but you're not born for me. Keeping everything that reminds me of you means keeping you even though you're not for me. I just wanted to always remember you, missing you for how...