CHAPTER 7: Pregnant
|Herlinda Parker|
Nagising ako dahil sa boses ni Daniel na may kausap sa cellphone nito.
Marahan akong umupo para lang magulat dahil nasa ibang kwarto pala ako nahiga. Hindi lang isang normal na kwarto dahil sa tingin ko'y nasa hospital ako dahil sa amoy at kagamitan na nakikita ko.
"Yes... Thank you, Stevan. Bye," mabilis na tinapos ni Daniel ang tawag nang makitang gising na ako.
"Why am I here?" I asked confused. I didn't remember anything and I didn't even feel strange in my body.
Mapanuri akong tinignan ni Daniel bago ngumiti sakin ng hindi naman abot sa mga mata nito.
I think he'd been crying dahil bakas pa ang medyo pag-pula ng mga mata nito at pamumugto.
"You fainted," tipid nitong turan. Pilit nitong ngumiti sakin ngunit nagiging peke lamang ito.
"Huh?" pagtataka ko. "Ba't ako nahimatay? May sakit ba ako? But, I know I'm healthy," hindi ko maiwasang tanong.
Malalim na bumuntong hininga si Daniel bago umupo sa gilid ko at marahang hinawakan ang mga kamay ko.
"You're pregnant," tila isang bulong na lang ito dahil sa hina at nanlulumong boses ni Daniel.
Hindi ko magawang pakapagsalita dahil sa gulat at sa emosyong unti-unting lumulukob sakin.
I can feel the heat on the side of my eyes before tears started falling down with my faint sobs. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako dahil sa nalaman.
"I'm pregnant," pag-uulit ko sa sarili. My emotions is overwhelming me. Ang daming pumapasok sa isip ko dahil sa nalaman.
Parang biglang nagulo lahat ng plano ko sa isip dahil sa nalamang buntis ako.
"Hush now, babe. I will be here for you and for the baby," pag-aalo nito na mababakasan ng pag-aalala.
"Daniel," banggit ko sa pangalan niya habang lumuluha.
"Stop crying, it may affect to the baby. Hush, okay. Everything will be fine," Daniel patted my back while hugging me.
'Pa'no na to? Pa'no na to, Stanley? Bakit? Bakit kailangan ko pang mabuntis kung kailan lalayo na ako sayo?' hindi ko maiwasang matanong at maisisi.
Alam kong kasalanan ko, pero bakit ngayon pa? Ngayon pang alam kong malabo na at nakapagdisisyon na ako.
"I'm just here," dagdag ni Daniel habang patuloy parin ako sa pag-iyak.
"Stop crying now, I'm here, babe," paulit nitong pag-alo sakin.
Ilang minuto rin akong umiyak hanggang sa mapagod ako at napapatulala na lang.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong ako na mismo ang kusang lumayo sa ama ng batang dinadala ko.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakaling malaman 'to ng pamilya namin. Alam ko naman na kahit anong gawin kong pagtago sa batang dinadala ko ay malalaman din 'to nina mommy at daddy.
Agad din kaming nakalabas pagkatapos magbigay ng reseta ng doktor para sa mga dapat kong inuming gatas pati bitamina.
Para akong hindi makalakad dahil halos kargahin na ako ni Daniel sa pag-alalay niya sakin, dahil baka daw mapagod si baby sa kakalakad namin. As if.
"Stop it, Daniel," may diin kong banta sa kanya nang magtangka na naman itong alalayan ako.
"But, babe!" nagmamaktol ito sa gilid ko kaya hindi maiwasang mapatingin sa'min ang ibang mga taong nakakasalubong namin dahil sa pagmamaktol ni Daniel na may kasama pang mahinang pagtatadyak.
BINABASA MO ANG
LADY
RomanceWARNING: MATURE CONTENT SPG | R18 | | COMPLETED | "I was born for you, but you're not born for me. Keeping everything that reminds me of you means keeping you even though you're not for me. I just wanted to always remember you, missing you for how...