CHAPTER 5: He Is My First
|Herlinda Parker|
"Are you avoiding me, Herlinda?" Para akong binging walang narinig sa kanina pang mga palatak ni Stanley sakin.
Tutok na tutok akong nakatingin sa TV habang maganang sumusubo ng popcorn at hindi siya pinapansin na kanina pa patuloy na nagsasalita.
"What?!" hindi makapaniwalang tanong nito. "Really, hindi mo ba talaga ako papansinin o sasagutin man lang? You're being childish because of a kiss Herlinda," frustrated nitong pahayag.
I acted like I'm busy watching TV when in fact, I don't really understand what I'm watching right now.
"What the fuck!" sigaw ni Stanley dahil malakas kong hinampas sa kanya ang unan na yakap-yakap ko nang tinangka niyang iharap ako sa kanya dahilan para maihulog ko ang remote na hawak ko.
"I'm busy. Talk to you later," I waved my hand to him as a sign that I'm not interested of what he's going to say. Pero sa loob-loob ko ay halos hindi na ako mapakali dahil magkadikit na ang mga braso namin sa kakausog niya at pilit akong hinaharap sa kanya.
"Seriously? Are you sure that you're going to talk to me later? What time? 2:00 am, 3:00 am or 7:00 am? You're not a teenager, Herlinda for you to act like this!" sigaw ni Stanley na siyang ikinagulat ko at ang paghampas niya ng unan sa gilid ko.
Kaninang 10 pm pa siya rito sa condo para kausapin ako. Pero ako itong patuloy lang na umiiwas at gumagawa ng paraan para hindi kami magkausap na dalawa.
Yes, I may act childish because of a kiss but the fact that it's my first kiss—First initiate kiss! And the truth that it's Stanley that I've kissed! Wala na yata akong mukhang maihaharap sa kanya lalo na't ako pa mismo ang humalik sa kanya.
Feeling ko isa akong kriminal na gumawa ng 'Kiss and Run' kay Stanley dahil sa nangyari.
'Bakit ka pa kasi biglang tumakbo Herlinda! Tapos ngayon, halos iwasan mo na si Stanley? Kung di ka ba naman kasi malandi!' inis kong palatak sa sarili.
Halos mag-iisang linggo ko na rin siyang iniiwasan at ngayon nga'y nandito siya sa condo ko para kausapin na naman ako. Hindi ko alam kung bakit mukhang bumaliktad na ang sitwasyon namin. Kung noon ay halos pagtaguan niya ako, ngayon naman ay ako na ang nagtatago mula sa kanya.
Simula nang mangyaring halikan ko siya ay halos magtago na ako hindi lang kami magkita.
"Matutulog na ako. Ikaw na lang ang mag-off ng TV tapos i-lock mo yung pintuan kung aalis ka na," kunwaring malamig kong utos sa kanya.
Hindi ko yata kakayanin kung siya na mismo ang kusang iiwas sakin. Mas mabuti pang ako ang umiwas at least I still have my pride intact.
Ayoko ng magpakabaliw na habulin siya lalo na ngayong nalaman kong nililigawan niya pala ang anak ng may-ari ng hospital na pinagtatrabahuhan niya.
Masakit man para sakin na may iba siyang gusto mas masakit pa rin ang magmukha akong tanga sa harap niya kung patuloy akong magpapakabaliw para sa kanya.
"Pwede ba! Wag mo akong tinatalikuran, Herlinda!" malakas na sigaw ni Stanley nang nagmamadali akong umalis.
Halos takbuhin ko na ang kwarto ko nang maramdamang nakasunod siya sakin gamit ang mabibigat niyang mga yabag.
"Ano? Tutulugan mo naman ako ngayon?" I gasped when he slammed the door when I tried to close it.
Halos mapangiwi pa ako dahil sa lakas ng ginawa nitong tunog.
BINABASA MO ANG
LADY
RomanceWARNING: MATURE CONTENT SPG | R18 | | COMPLETED | "I was born for you, but you're not born for me. Keeping everything that reminds me of you means keeping you even though you're not for me. I just wanted to always remember you, missing you for how...