Untold Story: Special Chapter 3

53 19 67
                                    

Untold Story Chapter 3: First Kiss



Summer na naman at masaya si Stanley sa bawat pagdating ng summer dahil ibig sabihin ay mas madalas niya pang makakasama si Herlinda. Ayaw niyang isipin pa ang pasukan dahil nalulungkot siya at natatakot na baka mas lalo lang mapalayo ang paaralan nilang dalawa. G-ra-duate na ng elementarya si Herlinda sa susunod na taon at natatakot siyang baka sa isang prestigious school ito ipasok ng mga Parker dahil mayaman naman ang pamilya nito.

Natatakot siyang baka may ibang magkagusto at mabaliw kagaya niya kay Herlinda. He may sound selfish-possessive pero 'yon talaga ang nararamdaman niya at gusto niyang gawin. Kung sana'y may karapatan lang siya.

Gusto niyang bantayan at angkinin si Herlinda bilang pag-aari, mukha mang tanga pero gagawin niya ang lahat magsama at mag-aral lang silang dalawa sa iisang paaralan.

Kakatapos lang nilang mag-outing kasama ang mga Parker. Lagi naman itong ginagawa ng pamilyang Parker at Delos Santos pagdating ng summer kaya hindi na nakapagtatakang mas maging malapit pa sila sa isa't sa.

Days passed. Mas naging bugnutin pa si Herlinda sa bawat paglipas ng mga araw.

Sino ba naman ang gaganahang maglaro kung imbis na maglaro sila ni Stanley ay maghapon nalang siyang tinititigan nito. Herlinda always find him cutie-creepy because of his smiles. Stanley's oftenly gives her smile without a reason, it's cute yet creepy.

"You know what, Stanley you look like a crazy lost boy with his last smile on this world. Ikaw ba nag d-drugs kaya ikaw baliw-baliwan?" Stanley wanted to laugh hard because of her very hardcore tagalog.

Hindi pa rin talaga ito maayos magsalita ng filipino at may accent pa ang bawat bigkas nito ng mga salita.

He find it cute whenever Herlinda try to talked to him in filipino, mas lalo siyang nababaliw sa bawat pag-irap nito sa kanya na may pag-ikot pa ng mga mata sa tuwing nakikita siya nitong nginingitian ang pagsasalita nito ng tagalog.

Isang ngiti lang ang binigay niya kay Herlinda bago inayos ang pagkaka-upo at sinandal ang sarili sa puno na nasa likod niya.

Nasa bahay sila ngayon ng mga Delos Santos at nasa ibaba ng treehouse ng magkapatid na Delos Santos. Hapon na at nagpagdisisyunan nga ni Herlinda na mag picnic sa ilalim ng treehouse dahil nagsasawa na raw ito sa sarili nilang bahay pati na rin ang maganda nilang garden.

Sila lang dalawa ang nagpi-picnic dahil hindi na sumama si Emmanuel na nagtatantrums na naman.

"Hindi ako nagbabaliw-baliwan ah, sadyang baliw lang talaga ako sayo, my lady," simpleng banat niya rito at malakas na tumawa nang malukot ang maganda nitong mukha.

Lakas loob niyang sinabi ito dahil alam naman niyang hindi nito seseryosohin ang mga sinabi niya.

"Stupid, Stanley!" malakas nitong pinalo sa dibdib niya ang laruan nitong barbie doll at masama siyang tinignan.

"Ikaw baliw! Ako hindi baliw! You, crazy ugly creature!" paulit-ulit siya nitong pinalo sa dibdib.

"Ouch! Aww!" natatawa niyang daing.

Likas na talaga sa kanya ang asariin si Herlinda, pambawi man lang sa pagmamaldita nito sa kanya lagi. Aba, kahit mahal niya ito hinding-hindi niya pa rin palalagpasin ang bawat pagmamaldita nito sa kanya.

Namalayaan nalang niyang masaya silang nagtatawanan habang kalong niya si Herlinda at ginugulo na naman ang may kahabaan niyang buhok.

Sinanay ni Stanley ang sariling wag makaramdam ng kakaiba sa laging pagpapa-kalong nito sa kanya. Sanay kasi itong kinakalong ng ama kaya natural na rito ang kumalong sa kanya tanda ng paglalambing nito. Isa pa'y mukhang nadala ni Herlinda ang pagka-liberated nito.

LADYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon