Indigo

45.9K 1.4K 20
                                    

Chapter Five

"SIR, dumating na po ang bagong supplier ng alak."

Nakita ni Jeri ang takot sa mga mata ng assistant na si Mauro nang madatnan siya nitong nakaapak sa gilid ng ledge habang pinagmamasdan ang mga kaganapan sa ibaba ng kinatatayuang matayog na gusali--ang Elysian Hotel.

"I'll be with them in a moment."

"Ahm, s-sige ho. Siyanga ho pala, Sir--"

Hindi natapos ni Mauro ang sinasabi nito at sumingit ang tinig ng isang babae.

"Jeremiah del Prado, pinagtataguan mo ba ako?"

Tinanguan ni Jeri ang empleyado bilang pagdi-dismiss dito. Ang babae'y walang iba kundi si Zoe. Mula nang i-anunsyo nitong nobya niya ito ay hindi na siya muling nakipagkita pa sa babae. Akala yata ay tototohanin niya ito komo ini-appoint na nito ang sarili bilang nobya niya. Hindi pa nito lubusang nakikilala si Jeremiah del Prado kung ganoon. Dahil kung meron man siyang labis na kinamumuhiang uri ng mga babae, iyon ay ang mga katulad nito. Oportunista.

Tsk. Give them an inch and they'll take a mile.

"Well, wala ka bang sasabihin sa akin?" wika ni Zoe. Mababakas sa mukha ang iritasyon nang walang anuman niya itong lampasan matapos niyang bumaba mula sa ledge.

"I thought you already know the drill. After all, hindi ka na baguhan sa larangang ito, right?"

"What do you mean?"

"Spare me the act, will you? Kung sa palagay mo ay masisilo mo ako sa pag-aanunsyo sa lahat na nobya kita, think again."

"You son of a...!" mabilis na umigkas ang isang kamay ni Zoe.

Subalit bago pa man iyon lumapat sa pisngi ni Jeri ay dagli niya iyong nahagip sa pulsuhan

"Don't you dare. Wala pa akong babaing pinahintulutang gawin sa akin ang bagay na 'yan."

"You can't get rid of me that easily, Jeri."

"Wanna bet?" puno ng paghahamon niya itong tiningnan.

"I-I thought you said...you'd t-take good care of me, remember?" ang tapang nito kanina ay biglang naglaho, bahagya itong napangiwi nang mariin niya itong hawakan sa pulsuhan.

Napaismid siya. "I'd take good care of you--financially, that is. I kept my end of the bargain, Zoe. I'll take good care of you as long as you can satisfy me in bed; but I don't have a need for you, anymore."

Marahas na napasinghap si Zoe sa tinuran niya. Kung nasaktan man ito sa sinabi niya ay wala siyang pakialam. Padarag niyang binitiwan ang pulsuhan nito.

"May iba ka na ba? Sino siya? Si Ingrid Ferreira?" she scoffed. "I saw how you looked at her. Pero duda akong papatulan niya ang isang kaparis mo."

"Life is full of surprises, Zoe. You'll never know."

"Huwag kang umasa. Sa sandaling sabihin ko sa kanya--"

Hindi natapos ni Zoe ang anumang sasabihin nito nang mabilis na tawirin Jeri ang pagitang naghihiwalay sa kanila ng babae at sakmalin ito ng isang kamay sa leeg. Isang maling kataga mula sa mga labi nito at hindi siya mangingiming selyuhan nang tuluyan ang lagusan nito ng hininga.

"I hate the likes of you, you make me sick!"

"L-let go. Y-you're...hurting me."

"Huwag na huwag mo akong pagbabantaan. You have no idea the kind of things I can do to you."

"I...I'm s-sorry. I didn't r-really mean it."

Bigla niya itong binitiwan. Nasapo nito ang leeg at sunod-sunod na napaihit ng ubo.

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon