The Day After

43.4K 1.2K 25
                                    

Chapter Seven

WALA sa loob na nahipo ni Ingrid ang mga labi paggising kinabukasan. Nang bumangon siya at humarap sa salamin ay saka lamang niya napansin ang ngiting nakapagkit doon. Pinisil niya ang magkabilang pisngi. Paulit-ulit na kinuskos ang bibig na para bang sa pamamagitan niyon ay mabubura niya ang ngiting tila permanente ng nakapaskil doon.

Subalit sino ba ang niloloko niya? Hindi lang ang mga labi niya ang nakangiti. Maging ang puso niya ay pumipintig nang mas mabilis kaysa normal. May humihimig na musika sa kanyang pandinig na natitiyak niyang hindi nanggagaling sa radyo. At aaminin niya, magmula nang mangyari iyong insidente ng panloloko ni Terrence ay ngayon lamang siya nagising na napakagaan ng pakiramdam.

Napahinga siya nang malalim. Ang isip niya ay kaagad na lumipad sa taong kasama niya nang nagdaang araw. Ipinilig niya ang ulo upang itaboy ang guwapong imahe na gumuguhit sa kanyang alaala. Ngunit tulad ng nakapagkit na ngiti sa kanyang mga labi ay permanente na rin yatang nakaukit sa kanyang utak ang imahe nito.

Tinungo niya ang bintana at hinawi ang manipis na draperies upang papasukin ang liwanag ng pang-umagang araw.

Even the sunrise looks different this morning, bigla niyang naisip.

Binuksan niya ang bintana. Pumasok ang malamig na hangin. Nahapit niya sa katawan ang suot na roba nang makaramdam ng ginaw. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaang haplusin ng malamig na hangin ang kanyang mukha. Dumako ang mga kamay niya sa tapat ng kanyang tiyan.

"Good morning, baby. Napakaganda ng umaga. Nakita ko ang Daddy mo...we had dinner last night. Gusto ko sanang ipagtapat sa kanya ang tungkol sa'yo. Kaya lang...kaya lang hindi ko alam kung paano niyang tatanggapin ang balita. Matutuwa kaya siya o...lalayo?"

Hindi niya kayang hulaan ang tumatakbo sa isipan ni Jeremiah. Subalit kung pagbabasehan ang history ng mga past relationships nito ayon sa mga naririnig niya, walang puwang ang isang inosenteng sanggol sa buhay nito. O kahit ang isang permanenteng relasyon. At bagaman wala siyang planong ipakargo dito ang ipinagbubuntis niya, ay hindi siya sigurado kung tamang malaman nito ang tungkol sa sanggol.

"Anyway, hindi na siguro importante 'yon. Right, baby? Dahil for sure ay hindi ko na rin siya makikita...at hindi na natin siya dapat pang makita."

***

TAGAKTAK ang pawis na idinikit ni Jeri ang noo sa punching bag. Kailangan niyang pagurin ang sarili upang itaboy ang isang napakaamong mukha na pilit nagsusumiksik sa kanyang utak. Parang nararamdaman pa niya ang init at lambot ng mga labi nito. Ang hipo ng makinis at malasutla nitong balat, ang mabangong hininga, ang medyo malat nitong tinig habang binibigkas ang kanyang pangalan...ahh! Sa tuwing maiisip niya ito ay ibig niya itong puntahan. Make love to her until they both ran out of breath in exhaustion.

Subalit alam niyang ang paglapit dito ay katumbas ng isang pagpapatiwakal...

"Sir, kanino ko ho ipadadala ang ipina-order niyong bulaklak?" tinig iyon ng assistant niya mula sa intercom.

Saglit siyang nakipag-debate sa kanyang sarili.

Saglit siyang nakipag-debate sa kanyang sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Secret Fire (Chains of Passion Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon