Chapter Ten
"WHAT are you doing here?" malamig pa sa yelong bungad ni Jeri sa taong nadatnan niyang prenteng nakaupo sa swivel chair sa loob ng kanyang opisina. Kung hindi sa karakang tawag na natanggap niya mula kay Mauro ay wala pa sana siyang balak na iwanan si Ingrid.
"Hello to you, too...son. Aren't you gonna give your mother a hug? Napakatagal na panahon na rin mula nang huli tayong magkita."
"Who's counting? I'm not."
Matagal na napatitig sa kanya ang kausap. Na walang iba kundi ang babaing nagluwal sa kanya--ang kanyang ina. Si Seniora Merlita del Prado.
"So, its true. Cold and ruthless, indeed."
"I'm sure you didn't come here all the way from Barcelona just to assess me. What do you want?" nagtungo siya sa tabi ng bintana at lagusang ipinako ang mga mata sa makapal na glass wall panelling ng kanyang pribadong opisina.
"Okay, fine. Since you are all business and pragmatic, I'll get straight to the point. I want some money."
"Some. By some how many figures do you have in mind?"
"Eight. In US dollar."
Natawa siya. Mapakla.
"You've got nerves to ask me that after what you did to my father."
"Your father? How many times do I have to tell you--"
"Don't! If you still have some vestige of morality, you won't even go there. Trust me, or we will both regret what's gonna happen next."
May ilang saglit itong nakipagsukatan sa kanya ng tingin. Sa huli ay ito rin ang nagbawi. At gusto niyang isipin na pinaglalaruan lamang siya ng kanyang paningin nang may magdaang malambot na ekspresyon sa mga mata ni Merlita. Bagay na mabilis niyang isinantabi at saka ito muling tinalikuran.
There are certain things in life that you cannot change. And one of them is choosing your own mother.
"How soon can you deposit my money?"
"I am not giving you a dime."
"Very well, I'll talk to Bernardo and offer him my share," wika nitong ang tinukoy ay ang isa sa mga shareholders ng Elysian Hotel.
Halos bumuga ng apoy ang mga mata ni Jeri nang tudlain ng tingin si Merlita. Sa mga sandaling iyon, ang kakatiting na pagtingin niya rito bilang isang ina ay ganap na naglaho.
"If that's the only way I can be rid of you, fine. I will pay for it myself."
"Good. Have it ready the soonest possible time. Ciao."
Mariing kumuyom ang kanyang mga kamao nang sundan ito ng tingin palabas ng kanyang opisina. Gusto niyang magwala ng mga sandaling iyon upang maibsan ang poot sa kanyang dibdib. Ngunit hindi niya ginawa. Manapa'y itinikom niya ang mga labi at mariing nagtagis ang mga ngipin. Ilang malalalim na paghinga ang hinugot at pinawalan niya upang papagluwagin ang kanyang hininga.
Ilang ulit na niyang tinanong ang Dios kung bakit may mga taong kaparis ng kanyang ina. Subalit wala siyang masumpungang sagot. Sa tuwing makakausap niya ang kanyang ama ay parati nitong sinasabi na huwag siyang magtatanim ng sama ng loob sa kanyang ina. Lumaki ito sa salat na pamumuhay at halos literal itong ibinenta ng mga magulang sa kanyang ama upang ipakasal.
Gayunpaman, para sa kanya ay hindi sapat na dahilan iyon upang suklian nito ng kataksilan ang lahat ng kabutihang ginawa rito ng kanyang ama. Binihisan, binigyan ng magandang edukasyon at puwang sa lipunan. Ang mga iyon ba'y hindi man lang nito naisip ipagsaalang-alang?
BINABASA MO ANG
Secret Fire (Chains of Passion Book I)
RomanceSPG-18 Si Terrence Lam ang perpektong Prince Charming na pinapangarap ni Ingrid. At sapul sa kamusmusan ay lihim na niya itong inibig. Subalit isang sikreto ang natuklasan niya na sumira sa kanyang ilusyon. Hindi pala lahat ng nakikita sa panlabas n...
