River Flows In You

37.8K 1.2K 19
                                        

Chapter Sixteen

LUTANG pa ang diwa ni Ingrid nang sabihin ni Jeri ang dalawang katagang iyon. Marry me. Ang isip niya ay maraming katanungan. Subalit ang puso niya ay kaagad na sumang-ayon. 

"Yes."

Hindi importante kung ang rason lamang ng pag-aalok nito sa kanya ng kasal ay dahil sa bata. Ang mahalaga'y mahal niya ito. At sa wakas ay may magigisnang isang buong pamilya ang kanilang anak sa sandaling isilang niya ito.

"Let's get married as soon as possible."

"S-soon?"

"Yes. May kilala akong judge na puwedeng magkasal sa atin as soon as a day's notice."

Judge? Parang biglang nalaglag ang puso ni Ingrid. Every woman dreams of a grand wedding. O kung hindi man en grande at least ay isang church wedding. Subalit ano itong naririnig niya mula kay Jeri--sa huwes lamang sila magpapakasal?

"How about a church wedding? Ayaw mo bang sa simbahan tayo magpakasal?" aniya.

"Bukod sa matagal na preparasyon ay masyadong mahaba ang proseso. Gusto ko sanang kapag isinilang ang ating anak ay legal na niyang tataglayin ang apelyido ko."

So, that was his reason, naisip niya. Akala niya pa naman ay hindi na ito makapaghintay na makasal sa kanya. Pero kung para naman sa kapakanan ng anak nila ang iniisip nito ay masaya na rin siya.

"We can still have a church wedding after you give birth."

Umiling siya. Ang dating kasi ay tila pinagbibigyan lamang siya nito sa isang kapritso.

"A civil wedding is fine," just fine, sa isip ay malungkot niyang naidugtong.

"I'll ask my assistant to make the arrangement."

Tumango na lang si Ingrid. Kapag nagsalita pa siya ay baka ipagkanulo lang siya ng kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung malulungkot ba siya o matutuwa. Dahil sa wakas ay magiging asawa niya na ito.

Makuntento ka na lang muna, paalala niya sa sarili. For sure ay hindi rin naging madali para kay Jeri ang ginawa nitong desisyon upang pakasalan siya.

"We should buy a wedding ring."

Bigla siyang napalingon dito. Nakatingin ito sa mga kamay niya na tila may malalim na pinag-iisipan.

"Uh...like, n-now?"

"Yes. Kung ayos lang ang pakiramdam mo ay puwede na tayong umalis pagkatapos mong kumain."

"Yayayain mo akong lumabas na ganito lamang ang aking suot?"

"We can drop by at your house, grab your things and shop for a set of rings," tila amused nitong sagot.

Pinag-isipan niya pa kunwari ang suhestyon nito. "Hmn, okay."

"Good. Finish your food."

Ganoon lamang kasimple. Para siyang batang biglang na-excite nang mapangakuang ipapasyal sa mall.

"I'll hit the shower first while you eat, okay?"

"Uh-hmn."

Yumuko ito at mabilis siyang hinagkan sa noo bago pumasok ng kuwarto. Nangingiting ipinagpatuloy ni Ingrid ang pag-aalmusal. Kung ganito naman ito kalambing, kahit pa marahil sa sampung huwes siya nito yayaing magpakasal ay sasama siya.

***

TIFFANY & Co.

Hindi na nagulat si Ingrid nang doon siya dalhin ni Jeri. Metikuloso ito sa pagpili ng alahas. Nang papiliin siya nito ng disenyong ibig niya para sa kanyang engagement ring ay nagulat pa siya. Ang buong akala niya ay wedding ring lamang ang sinadya nila roon. 

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon