Memories Remain Forever In Two

50.8K 1.4K 46
                                    

Chapter Four

TWO weeks after ay lumipad si Ingrid patungong France. Doon nakabase ang Ninang Ophelia niya na matalik na kaibigan ng kanyang Mommy. Editor ito ng isang fashion magazine sa Paris. She stayed with her godmother habang bumibisita siya sa mga paborito niyang art museums.

Tapos siya ng Fine Arts, major in painting. Naka-set na ang first major painting exhibit niya sa taong iyon. But she put it on hold nang mag-propose ng kasal si Terrence sapagkat ibig niyang magkonsentra sa paghahanda ng nalalapit niyang kasal. Upang mauwi lamang pala sa wala...

Once in a while ay may nadarama pa rin siyang panghihinayang, lungkot, pait...at sakit. Kahit anong isip niya ay wala siyang maisip na malaking dahilan para gawin ni Terrence ang lahat ng ginawa nito sa kanya. Marahil kapag ambisyon at kasakiman na ang naghari sa isang tao ay nakakalimutan na ang lahat--pamilya, kaibigan...o kahit ang mabuting pinagsamahan.

Wala ng makapang galit si Ingrid para kay Terrence sa tuwing babalikan niya sa isip ang mga nangyari. Manapa'y lungkot ang nangingibabaw sa dibdib niya. At naiiyak na lamang siya. Upang libangin ang sarili ay ang pamamasyal at pagsa-shopping ang inatupag niya. Medyo may kakatwa lang na nangyari sa kanya. Pakiramdam niya ay may taong parating sumusubaybay sa bawat kilos niya.

At ewan kung paranoid lamang siya o sadyang napagod paglilibot. May isang pagkakataong nakita niya ang mukha ni Jeri sa pulutong ng mga estranghero.

Abut-abot ang kabog ng kanyang dibdib. Gayunpaman ay natitiyak ni Ingrid na namalikmata lamang siya. Sapagkat nang magpalinga-linga siya ay wala na ito sa lugar na kinakitaan niya. Imposible naman kasing mawala na lamang ito sa isang kisapmata.

Napailing siya. Naisip niyang marahil ay nagugutom lamang siya. O marahil ay paparating na ang kanyang buwanang-dalaw kaya parang balisa siya at hindi mapakali. Tuloy ay kung anu-ano ang nagma-manifest sa imagination niya.

Bigla siyang natigilan. Kasabay niyon ay mabilis na nagkuwenta ng araw ang utak niya. Five weeks...five weeks ng delayed ang period niya?

May kabang biglang dumagil sa dibdib ni Ingrid. Dama niya ang biglang pamamawis ng malamig. Awtomatikong dumako ang kamay niya sa tapat ng kanyang impis na tiyan.

Am I pregnant?

Halu-halo ang emosyong kanyang naramdaman. Gayunpaman ay mas nakalalamang ang kanyang tuwa.

Magiging Mommy na ako?

Para mas makatiyak ay nagpasuri siya sa isang OB-gyne. Hindi naman siya nagkamali ng sapantaha, kinumpirma ng doktor ang kanyang kalagayan.

"Ipapaalam mo ba ito kay Terrence?" tila bantulot at may pag-aalalang tanong ng kanyang Ninang Ophelia.

Mabilis siyang umiling. "Wala hong dahilan para malaman niya."

Wala siyang inilihim dito tungkol sa mga nangyari sa pagitan nila ni Terrence. Nagalit din ito noong una, sapagkat hindi lingid ditong bahagi na halos ng kanilang pamilya ang turing nila kay Terrence. Namatay lamang ang kanyang mga magulang ay nagmistula na itong lobo na sinamantala ang kanyang kahinaan.

"Anyway, you can stay here with me," mayamaya ay sabi nito. Matandang dalaga ito, at dahil masyadong lulong sa career ay nakalimutan na ang pag-aasawa.

"I'm afraid I can't, Ninang. Itutuloy ko ang mga naunang plano para sa exhibit."

"Oh, I almost forgot. Oo nga pala, ano? Pangarap 'yon ng Mommy mo. Pero hindi kaya makasama sa kondisyon mo?"

"I think it's going to be the opposite. I enjoy painting so much so I'm sure, hindi iyon magiging problema. Alam niyo namang stress reliever ko ang pagpipinta."

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon