Chapter Thirteen
CHILD Jesus Orphanage.
Minsan sa loob ng isang buwan ay naglalaan si Ingrid ng panahon upang dumalaw sa paboritong orphanage ng kanyang ina. Sapul nang mamatay ang Mommy niya ay siya na ang nagpatuloy sa mga charity works nito. Hindi lingid sa kaalaman niya na minsan ay binalak ng kanyang mga magulang ang mag-ampon mula sa orphanage. Subalit nagkataon namang nangyari ang aksidente sa mga parents ni Terrence. Kaya ang nangyari, si Terrence na lamang ang kinupkop ng kanyang mga magulang. Na kung hindi tumanggi si Terrence, legally adopted niya sana itong kapatid.
"We can't thank you enough sa lahat ng tulong na ginagawa niyo para sa orphanage, Ingrid," wika ng Mother Superior na siyang nangangasiwa sa orphange. "Kung hindi sa tulong na ginawa ng Mommy mo ay baka matagal ng nagiba ang tahanang ito."
"Alam niyo naman po si Mommy. Mahilig po talaga 'yon sa mga bata. Hindi lang po talaga sila napagkalooban ng maraming anak ni Daddy."
"Speaking of that, naririto nga pala si Terrence."
"Si...?" bago pa niya nakumpleto ang tanong ay nakita niya si Terrence na lumabas mula sa silid-aralan ng mga bata.
Ewan kung akting lamang o totoong nagulat ito pagkakita sa kanya.
"Hi, there. Hindi ko inaasahang magkakasabay tayo pagpunta dito. Kung alam ko lang ay dinaanan na lang sana kita sa inyo."
Isang tipid na ngiti lamang ang ibinigay niya rito.
"Alam kong ayaw mo itong ipabanggit, Terrence, pero dahil hindi naman iba sa iyo si Ingrid ay sasabihin ko na rin sa kanya."
Sa nagtatakang tingin ni Ingrid ay mabilis na nagpaliwanag ang Mother Superior.
"Terrence donated a three-storey building. Pasisimulan na namin ang konstruksyon sa Lunes."
Parang napapahiyang nagkamot sa ulo ang tinukoy na binata.
"Ahm, naisip ko kasing nagsisisiksikan na ang mga bata sa ginagamit nilang classroom. Mas makakaginhawa sa kanilang pag-aaral kung hindi sila magsisiksikan."
"That's...that's a good news," sa kawalan ng masasabi ay iyon na lang ang naitugon niya.
Nagpatuloy sa pagkukuwento ang tagapangasiwa ng orphanage, binigyan sila ng maikling tour ni Terrence. Nagbigay rin ito ng ditalye sa mga pagbabago at improvement na magaganap sa Child Jesus Orphanage sa mga susunod na araw.
Tango at ngiti lamang halos ang ginagawa niya. Nang magkaroon siya ng pagkakataong magpaalam ay hindi na siya nagtagal pa roon. Naidahilan na lamang niya ang mga painting na kailangan niyang tapusin.
"I'll walk you to your car," mabilis na sabi ni Terrence na kaagad nagpaalam sa Mother Superior.
Ibig man niyang tumanggi ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang makipagtalo rito sa harapan ng madre.
"Puwede ba tayong mag-usap sandali? Baka gutom ka na, may malapit ditong--"
"I'm in a hurry, Terrence," kaagad niyang sabi rito. "At kung magugutom man ako, hindi ako sasalo sa'yo."
"Ingrid."
"Please. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin huwag mong asahang pakikitunguhan kita na parang walang nangyari."
"Alam ko naman 'yon. Nagkamali ako. Huli man ay gusto ko pa ring ituwid ang pagkakamaling 'yon. Isang pagkakataon lang ang hinihiling ko."
Matagal siyang napatitig sa kausap.
"Ewan ko, Terrence...ewan ko."
"I'm relieved to hear that."
Napailing siya sa kausap. Marahil nasa kanya rin ang pagkakamali. Dapat yata ay sinabi niyang ayaw na niyang muli pang makipag-usap dito.
BINABASA MO ANG
Secret Fire (Chains of Passion Book I)
Roman d'amourSPG-18 Si Terrence Lam ang perpektong Prince Charming na pinapangarap ni Ingrid. At sapul sa kamusmusan ay lihim na niya itong inibig. Subalit isang sikreto ang natuklasan niya na sumira sa kanyang ilusyon. Hindi pala lahat ng nakikita sa panlabas n...