Maybe

35.8K 1K 13
                                        

Chapter Twenty Two

"GOOD morning, Sir."

"Good morning," may ngiti sa mga labi ni Jeri nang batiin siya ng kanyang mga empleyado pagpasok ng hotel. Hindi nakubli sa kanya ang tila gilalas na ekspresyon sa mukha ng mga ito.

Itinaas niya ang baba ng isang empleyado na bahagyang nakaawang ang bibig nang madaanan niya.

"Baka pasukin ka ng masamang hangin, magkalat ka pa ng polusyon dito sa hotel," nakangiting biro niya.

Sinalubong siya ng assistant na si Mauro at habang patungo sa lift ay nagsimula na itong mag-report sa kanya ng mga nangyari sa loob ng isang linggong wala siya.

"Mauro."

"Sir?"

"Why don't you have some breakfast first. I'm sure hindi ka pa nakakapag-agahan. Mamaya na tayo magtrabaho."

Parang gustong matawa ni Jeri sa ekspresyon ng assistant. Oh, well. Hindi naman niya ito masisisi. Sa halos sampung taon na nitong pagtatrabaho sa kanya ay noon lamang siya naging ganoon kaluwag dito. Masaya lang kasi siya. Sapul nang mangyari ang trahedyang iyon sa kanyang pamilya ay parang noon lang ulit niya naranasan ang totoong maging masaya. At hindi niya maitatangging malaking bahagi niyon ang pagdating ni Ingrid sa buhay niya. And a baby boy on the way was an added bonus to his happiness. Mukhang sa wakas ay kinaawaan din siya ng Maykapal, He decided to give him some break.

"Uh, bago ko nga ho pala makalimutan, Sir. May bisita po kayo."

"Bisita?"

"Si Sir Anthony ho. Naroroon na siya sa opisina niyo at naghihintay."

Wala sa loob siyang napatango. Sanay na ang kanyang mga empleyado na kapag dumarating doon sino man kina Anthony at Terrence ay pinatutuloy na lamang ng mga ito sa kanyang opisina.

"Kung wala ho kayong ipag-uutos ay mag-aagahan na muna ako sa baba," ani Mauro bago bumukas ang lift.

"Go ahead. Uh, send three dozen of red roses to my wife."

"Right away, Sir."

Wife, my wife. It really sounds nice. At hanggang sa mga oras na iyon na tinitingnan niya ang suot na wedding ring ay parang hindi pa rin siya makapaniwala.

Nakapagkit pa ang ngiti sa mga labi ni Jeri nang pumasok siya sa kanyang pribadong opisina.

"Hey, you're quite early for a drink," aniya sa kaibigan.

"I didn't come here for that," wika nito na inilapag ang hawak na picture frame sa ibabaw ng kanyang mesa.

Wedding photo nila iyon ni Ingrid. Ang asawa niya mismo ang naglagay niyon doon bago sila lumipad patungo sa kanilang honeymoon. Para raw mapaalalahanan ang lahat ng babaing magpapakita ng motibo sa kanya.

"You look serious," at kung bakit may kabang biglang gumiyagis sa dibdib niya ay hindi niya maunawaan. "Meron bang namatay?"

Matiim siyang tinitigan ni Anthony, tila higit na naging seryoso ang mukha nito.

"Tungkol kay Terrence ang ipinarito ko. Bilang kaibigan, I think you ought to know."

Hindi siya nagsalita at hinayaan lang si Anthony na magpatuloy. Subalit ang sumunod nitong sinabi ay nagpayanig sa buo niyang pagkatao. Para siyang biglang nanghina.

"Alam na ba ni Ingrid?" tanong niya rito pagdaka, mahigpit siyang napakapit sa gilid ng kanyang desk hanggang sa mamuti ang kanyang mga knuckles.

"She's your wife now. Ipinauubaya ko na sa'yo kung sasabihin mo sa kanya o hindi."

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon