Chapter Fourteen
"T-TEKA. I can't leave in the middle of my own exhibit," bagama't kumakabog ang dibdib ni Ingrid sa antisipasyon ay nanaig pa rin sa kanya ang katinuan.
"Uh, right."
"I also need to mingle."
Hindi nakaligtas sa kanya ang disimulado nitong pagbuga ng hangin. Sinupil niya ang paglawak ng ngiti sa kanyang mga labi. Kung maaari lamang talaga nilang lisanin ang event na iyon ay hindi siya magdadalawang-isip na sumama rito. Subalit isang pagtitipon iyon na dinaluhan pa ng mga kilala at abalang tao. Hindi naman niya maaaring ipaubaya kay Moochie ang lahat. Sa isang solo event na kaparis niyon ay hindi lamang ang kanyang mga obra ang kailangang ibenta kundi ang pintor din mismo.
"Fine. Hintayin na lamang nating matapos ang exhibit."
"O-okay," nang pumihit siya upang muling makihalubilo sa mga guests ay awtomatikong humawak sa pulsuhan niya ang kamay ni Jeri. And before she could utter another word, ipinaikot na nito sa sariling bisig ang kamay niya.
"Akala ko ba delikado sa mga buntis ang magsuot ng mga may takong na sapatos?" di-kawasa ay sabi nito, nakatingin sa kanyang mga paa.
Niyuko ni Ingrid ang suot na three-inch wedge sandals. Lihim siyang napangiwi.
"Hindi naman siguro. Sanay naman akong magsuot ng matataas na heels."
"Hindi ba mamimitig ang mga binti mo n'yan?"
Concern ba ang nahimigan niya sa tinig nito?
"Ahm, p-puwede naman akong maupo kapag napagod."
Hindi na ito sumagot. Bagaman nang sulyapan niya ito nakita niya ang pagnipis ng mga labi na parang kayrami nitong gustong sabihin. Nag-aalala ba ito sa kanya o sa batang dinadala niya?
Alinman sa dalawa ay masaya pa rin siya. Patunay lamang iyon na hindi pa ganap na nababalot ng yelo ang puso ni Jeri. And who knows? Eventually ay baka matutunan din nito ang muling magtiwala at magmahal. At kapag dumating ang araw na iyon, titiyakin niyang nasa tabi lamang siya nito.
Naghihintay.
"Looks like tonight is a huge success, my dear," komento ng isang bagong dating na lumapit sa kanila ni Jeri.
Kaagad siyang ngumiti at nakipagbeso-beso sa Mama ni Anthony.
"Hello, Tita Barbara. I'm glad you came."
"Magtatampo talaga ako kung hindi ako nakatanggap ng imbitasyon."
"Kayo pa ba naman ang mawawala sa aking listahan?"
"That's good to know because I've been a huge follower of your works, hija. Hello, Jeri."
"Hi, Tita. You look very stunning tonight."
"But not as stunning as the woman standing right next to you."
Nakikiming napangiti lang si Ingrid nang mag-init ang magkabilang pisngi. Hindi nalingid sa kanya ang padaplis na tinging ipinukol ng ginang sa kanyang tiyan.
"You want something to drink, Mom?" wari'y nakahalatang tanong ni Anthony upang ibaling ang atensyon ng ina sa ibang bagay.
"Go, help yourselves, Tony. We have some refreshments for the guests," aniya na lihim na nagpasalamat dito.
Parang wala sa loob na nagpagiya na lamang ang ginang sa anak nito.
Kahit sinasabing moderno na ang panahon ay marami pa rin ang tila hindi makapaniwala na bigla na lang siyang magdadalantao nang walang asawa. Ilan sa magkabilang partido ng kanyang mga magulang ang hindi makapaniwala sa kalagayan niya. Pero dahil hindi naman niya hinihingi ang opinyon ng mga ito ay wala siyang pakialam sa iisipin ng iba. Mali man ang mga sirkumstansya noong una para mabuo ang bata sa sinapupunan niya ay hindi niya kailanman naisip na itago iyon sa publiko.
BINABASA MO ANG
Secret Fire (Chains of Passion Book I)
RomanceSPG-18 Si Terrence Lam ang perpektong Prince Charming na pinapangarap ni Ingrid. At sapul sa kamusmusan ay lihim na niya itong inibig. Subalit isang sikreto ang natuklasan niya na sumira sa kanyang ilusyon. Hindi pala lahat ng nakikita sa panlabas n...