Chapter Twenty One
"WAKE up, sleepyhead."
Namimigat pa ang talukap ng mga mata ni Ingrid nang piliting idilat ang isa. Nasilaw siya sa liwanag na naglalagos sa salaming bintana. Nagisnan niya ang mukha ng asawa na nakatunghay sa kanya. Nakatukod ang isang kamay sa kama at ang isa'y tumaas sa mukha niya upang palisin ang mga hibla ng buhok na tumatabing doon.
"Ugh, I'm still sleepy. And I feel sore all over, hayaan mo muna akong matulog, please?"
Natatawa itong yumuko at hinagkan siya sa tongki ng ilong.
Napangiti siya. Gustong-gusto niya ang tunog ng tawa nito, kaysarap sa tenga.
"We should be on our way para ma-enjoy mo ang view ng lugar na pupuntahan natin."
"Bakit? Saan ba tayo pupunta?"
"Somewhere in Tanay Rizal."
"Tanay? Ano naman ang gagawin natin do'n?"
"Uhm, mamamasyal?"
"Mamamasyal? Puwede bang bukas na lang? I'm still sleepy," itinaas niya ang kumot at mabilis na nagtalukbong. Tinatamad pa talaga siyang bumangon.
"Silly. We're newlyweds so we're going on a honeymoon."
Honeymoon? Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot sa tapat ng kanyang dibdib.
"I asked your doctor if its safe for you to ride a chopper and she said, yes. So, we'll be flying today on our villa. Naghihintay na ang ating piloto."
"Villa?"
"I bought a property there a couple of years ago, I want to show it to you. Pagkapanganak mo na lang tayo bumiyahe nang malayo kung mas gusto mo sa Europe o kahit sa America."
"No. Sawa na akong mangibang-bansa. Tanay ba 'kamo ang pupuntahan natin?"
"Uh-hmn."
"Perfection. Help me up, magsa-shower na ako."
Higit pa roon ang ginawa ng kanyang asawa. Tinulungan siya nitong bumangon at pagkatapos ay pinangko na siya patungo sa banyo. Wala siya kahit na isang piraso ng saplot sa katawan. Gayunma'y wala siyang madamang hiya sa kanyang hitsura. Ikaw ba naman ang matitigan nang ubod ng init. Na para bang siya na ang pinakamagandang puffer fish sa buong karagatan. Napangiti siya sa isiping 'yon.
"What are you smiling at?"
"I look like a puffer fish without my clothes on."
"You think so?"
"I know so."
"Then you must be the most desirable puffer fish I have ever laid eyes on."
"Aww. And I'm married to the sweetest man in the planet."
Natawa ito sa sinabi niya. Hindi niya naawat ang sariling ikawit ang mga braso sa leeg nito. Saglit pa at magkahinang na ang kanilang mga labi.
"Kailangan mo ba ng tulong sa paliligo, Misis?" pagdaka'y tanong ni Jeri sa mababang tinig, his hands were now busy wandering over her soft curves down the indentation of her hips.
Napaungol siya. "May pakiramdam ako na kapag tinulungan mo ako sa paliligo ay lalo tayong matatagalan. Baka magreklamo ang iyong piloto."
"Nah. I'm paying his salary. And I am a very generous employer, he will let it slide."
"Kung ganoon, kailangan ko ng ekspertong tagahilod."
"A, eksperto ako d'yan."
Tumatawang hinila niya ang asawa sa kamay patungo sa ilalim ng shower. Ang suot nitong t-shirt at sweatpants ay kaagad na humakab sa katawan nito nang ito ay mabasa. Ngunit hindi nagtagal at magkatulong nila iyong tinanggal sa katawan nito, kapwa may ngiti sa mga labi. Pagkuwa'y ikinulong ni Jeri sa pagitan ng dalawang palad ang kanyang mukha at masuyo siyang hinagkan.
BINABASA MO ANG
Secret Fire (Chains of Passion Book I)
RomanceSPG-18 Si Terrence Lam ang perpektong Prince Charming na pinapangarap ni Ingrid. At sapul sa kamusmusan ay lihim na niya itong inibig. Subalit isang sikreto ang natuklasan niya na sumira sa kanyang ilusyon. Hindi pala lahat ng nakikita sa panlabas n...