The Yellow Room

44.3K 1.4K 43
                                        

Chapter Eight

"MAURO," tinawag ni Jeri ang assistant.

"Sir?"

"Reserve the Yellow Room for this evening."

"The Yellow Room, Sir?"

"Yes."

Ang Yellow Room ay isa sa ipinagmamalaking attraction ng Elysian Hotel. Madalas ay mga VIP's lamang ang gumagamit noon para sa mga espesyal na pagtitipon. Doon kadalasang ginaganap ang mga pribadong selebrasyon ng ilang mga prominenteng personalidad sa bansa, mula showbiz hanggang sa mga kilalang tao sa pulitika.

"Gusto kong punuin mo ang lugar ng mga sariwang bulaklak, preferably roses. And tell the chef to prepare a special menu."

"Special menu?"

"Yes. Is there something wrong with your hearing, Mauro?"

"No, Sir," mabilis na umiling ang kanyang assistant. "Ahm, anything else, Sir?"

"I want you to call Valentine de Rossi for a private performance."

"Valentine de Ros--" naudlot ang pag-uulit ng assistant sa kanyang sinasabi nang matiim niya itong tingnan. "Of course, Sir. I'll call him right away."

"I heard about his skyrocketing talent fee; but I can afford him. Hell, I can buy him if I want to."

Kilalang piyanista sa bansa si Valentine de Rossi at paborito itong pianist ng mga matataas na tao sa alta-sociedad. Hindi siya masyadong panatikong tao pagdating sa mga klasikong musika ngunit para sa gabing iyon ay titiyagain niyang makinig dito.

"Mauro," muling tinawag ni Jeri ang assistant nang ito'y patalikod na.

"Sir?"

"Do you think I need a haircut?"

Saglit na umawang ang mga labi ng kanyang assistant bago nito nagawang tumugon.

"No, Sir. You look absolutely perfect."

"Remind me to give you a raise on your next payday."

Ang lapad ng ngiti ni Mauro sa kanyang sinabi.

***

THIRTY minutes before seven ay nakahanda na si Ingrid. Ang huling beses na natatandaan niyang naging ganoon siya ka-excited ay noong yayain siya ni Terrence na mamasyal sa isang theme park. Subalit kaparis ng gabing iyon ay nauwi lamang sa isang matinding disappointment ang kanilang lakad sapagkat hindi sila natuloy.

Oh, snap out of it, Ingrid, saway niya sa sarili.

Nang kumatok ang maid sa silid niya at sabihing dumating na si Jeri ay tila may nagliparang paru-paro sa kanyang sikmura, nag-unahan ang pintig ng kanyang puso.

"Susunod na ako, Aileen," aniya sa kasambahay.

Muli niyang pinaraanan ng tingin ang sariling repleksyon sa salamin bago dinampot ang kanyang Prada hand purse sa ibabaw ng dresser. She was wearing a very simple but chic knee-length dress with a quarter sleeve and a V-neckline. Isa iyon sa mga nabili niya noong huling biyahe niya sa Paris. Iyon din ang kauna-unahang beses na isusuot niya iyon. At maliban sa simpleng diamond stud earrings ay wala siyang ibang alahas sa katawan.

Lumabas na siya sa kanyang silid. Nasa kalagitnaan na siya ng grand staircase nang makita niya ang kanyang panauhin. Nakatayo ito malapit sa bukas na french doors palabas sa side terrace. Naramdaman marahil nito ang kanyang presensya, lumingon ito sa dako niya at nagdaop ang kanilang mga mata.

Waring saglit na nanuyo ang lalamunan ni Ingrid. Jeremiah del Prado is definitely one of the most gorgeous male specie she ever laid eyes on in her lifetime.

Secret Fire (Chains of Passion Book I)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon