Chapter Twenty Seven
"BAKIT hindi ka muna magpahinga?" nilapitan ni Ingrid sa kinauupuan nito si Jeri. Halos mangilan-ngilan na lamang ang mga dumarating na nakikiramay.
Ang mga labi ni Saul ay nakaburol sa isang pribadong funeral homes. Sa unang gabi pa lamang ng burol ay bumuhos na ang dami ng mga taong nakiramay. Sabi nila, masusukat ang pagkatao ng isang indibidwal sa sandaling ito ay mamatay. At sa obserbasyon niya sa mga taong dumating ay masasabi niyang mataas ang pagtingin ng mga ito sa yumao. Sa kabila ng pagkakabilanggo ni Saul ng mahabang panahon ay pawang mabubuting bagay lamang ang naririnig niyang usapan tungkol dito.
"I'm okay. Ikaw ang dapat magpahinga. Hindi ka na dapat masyadong nagpupuyat, baka makasama sa bata."
"Ayos lang ang...bata," ayos lang ako, gusto niyang idugtong. Ngunit minabuting kimkimin na lamang iyon sa loob niya dahil alanganin sa sitwasyon.
Hindi iyon ang tamang pagkakataon upang pag-usapan nila ang tungkol sa kanilang pagsasama. Marahil sa sandaling matapos na iyon ay malaya na silang makapag-uusap nang walang interruptions. Or third party na sangkot. Hindi niya napigilan sa paglipad ang tingin patungo sa kinalalagyan ni Belinda. Mula sa ospital hanggang sa burol ay parati na lang itong naka-antabay sa tabi ng kanyang asawa. Hindi na siya magtataka kung aakalain ng maraming tao na ito ang asawa ni Jeri at hindi siya.
Nakakasakit ng damdamin dahil parang mas gusto pa ng asawa niya na si Belinda ang nasa tabi nito at hindi siya na dapat ay katuwang nito sa sandali ng pamimighati.
"I'll ask Tony to take you home," ani Jeri.
"Hindi ako uuwi kung hindi ka kasama," matigas niyang sabi rito.
Nakita niya ang pagguhit ng iritasyon sa mukha ng kanyang asawa. Ngunit sa halip na matigatig ay nakipagsukatan siya ng tingin dito. Sa huli ay ito rin ang sumuko.
"Fine. Hintayin mo ako rito, kakausapin ko lang si Belinda."
What for? ngunit bago pa niya naisatinig iyon ay nakatalikod na ito. May ilang sandali rin siyang naghintay bago siya binalikan ni Jeri.
She was seething inside by then.
"Watch your step," paalala ni Jeri nang magkasabay silang lumakad palabas ng funeral homes.
Walang kibong inabot niya ang kamay nito. Mahigpit niyang pinagbuhol ang mga daliri nila. Naramdaman niyang tumingin ito sa kanya.
"You're mine. And I want to show it to everyone in case they think otherwise," hindi nagtataas ng tinging wika niya. Kung hindi nito nakuha ang mensaheng nais niyang iparating ay sobrang manhid na lang ito.
Wala siyang narinig na sagot mula kay Jeri. Napaismid siya. Well, it suits her just fine. Kung inaakala ng kanyang asawa ay mananahimik lang siya sa isang sulok sa pambabalewala nito ay nagkakamali ito. At dahil medyo late na silang umuwi, maluwag na ang trapiko. Mabilis silang nakarating ng bahay.
"Magpapahanda ako ng pagkain," aniya sa asawa pag-ibis ng sasakyan.
"Hindi ako nagugutom."
"Nagugutom ka. At sasaluhan mo ako," matigas niyang sabi rito.
Nagbuntong-hininga lang ito sa sinabi niya. "Maliligo lang ako."
"Okay. Bilisan mo,ha? Nagugutom na kami ng anak mo."
Tumango lang ito bago tinungo ang hagdan. Lihim na nagbunyi ang kalooban ni Ingrid. Positibong senyales na iyon para sa kanya. Nami-missed niya na ang dati nilang samahan. Maaaring nagluluksa pa ito sa ngayon. Pero eventually, sana ay bumalik sila sa dati nilang relasyon. They were getting there. At halos natitiyak niyang may pagtingin na rin ito sa kanya. But along the way, something went wrong. Kailangan niya lang ituwid ang mali nitong akala na may pagtingin pa siya kay Terrence.
BINABASA MO ANG
Secret Fire (Chains of Passion Book I)
RomanceSPG-18 Si Terrence Lam ang perpektong Prince Charming na pinapangarap ni Ingrid. At sapul sa kamusmusan ay lihim na niya itong inibig. Subalit isang sikreto ang natuklasan niya na sumira sa kanyang ilusyon. Hindi pala lahat ng nakikita sa panlabas n...
