6 Tips Para Mag Move On

340 5 4
                                    

How to move on? -Karl O. Valdezco

1. Pray

- Kumunsulta ka kay Lord, wag mo siyang sisisihin sa mga nangyayari, wag mo siyang susumbatan sa mga nararanasan mo. Kasi sadyang may mga pagsubok siyang ibibigay sayo para matuto ka. Tsaka wala namang pagsubok ang Diyos na ibinigay sa atin na hindi natin malalampasan. Magdasal ka, magpasalamat ka sa kanya dahil may isang tao siyang ipinahiram sayo para matuto ka, para maging matatag ka. Basta mag pray ka lang, pero syempre dapat taos sa puso mo yung dalangin mo.

2. Let go

- Pakawalan mo na ang hindi para sayo, kasi kung kayo talaga para sa isa't - isa hindi kayo mag hihiwalay. Maghihiwalay kayo kasi hindi kayo para sa isa't - isa. Parang singsing lang na hindi akma para sayo, habang sinusuot mo siya, habang pinipilit mo siya lalo, mas lalong sumasakit. Wag mo nang ipagpilitan, lalo na kung nakakasakit nalang. Para lang din yan na damit na hindi kasya sayo (masikip/maluwag); kapag pinipilit mo parin yan magmumukha kang tanga, ok lang ba sayo mag mukha kang tanga? wag mo hayaang mag mukha kang tanga. So let go.

3. Make yourself busy

- Kasi pag wala kang ginagawa, lalo kang mapapaisip sa kanya, lalo na kung fresh palang yung hiwalayan niyo. Kaya libangin mo sarili mo, wag mo hayaang matulala ka, maglibang ka. Basta libang lang wag ka masyado mag isip.

4. You have friends and family

- Tanong ko sayo: ilang beses ka na ba nagpalit ng girlfriend/boyfriend? ilang beses ka na bang nawalan? ilang beses ka na bang ipinagpalit? ilang beses ka na bang nasaktan? pero eto tanong ko sayo; sino ang mga nanatili diyan sa tabi mo? edi yung mga kaibigan at pamilya mo. Nandiyan na sila nung in love ka palang, nasakalagitnaan na kayo ng relasyon ni ano, at nandiyan parin sila hanggang sa masaktan ka, at mananatili sila diyan para sayo hanggang sa maka move on ka. Suporta sila sayo kapag masaya ka, sila kakampi mo kapag malungkot ka, sila tagapakinig mo at tagapayo pag nasaktan ka. Wag mo hayaang ipagpalit yung maraming taong nagmamahal sayo sa isang taong sinaktan ka lang. That's a big NO!

5. Music

- Wag kang makikinig muna ng mga malulungkot na kanta lalo na pag broken hearted ka. Kasi pag broken hearted ka tapos yung soundtrip mo pa emotional, lalo mong madadama yun. Wag mo masyadong damdamin! Wag kang makikinig ng mga emotional na kanta tapos sasabayan mo ng mga lungkot lungkot drama drama moves mo, wag ka mag imagine na ikaw yung nasa music video. Wag ganun dre. Wag mo masyadong dibdibin. Gamitin mo yung pakikinig ng kanta sa positibong paraan.

6. Enjoy and move on

- Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Natural lang na reaksyon ng puso yan lalo na kapag nasaktan ka talaga. Pero habang umiiyak ka video mo sarili mo, tapos after mo umiyak punasan mo yang luha mo, yang sipon mo. Tapos palipas ka ng mga ilang araw, ilang buwan. Tapos panoorin mo yung video mo. Baka matawa ka sa mala mmk mong galawan hahaha. Baka matawa ka sa mga pinag gagagawa mo. Enjoy ka lang! Ang buhay tungkol sa pagmamahal at pagsasaya. Hindi ka isinilang sa mundong to para pag mukaing miserable ng isang tao lang! Sabihin man natin na para sayo na "Ikaw lang ang nagiisa" "Ikaw ang pinaka kakaiba sa lahat" HAHAHAHAHA! maging totoo ka naman sa sarili mo. Basta enjoy and move on!

- Kung puro masasayang alaala lang ang iisipin mo diba mas mahirap bumitaw? ang pagiging masaya sa isang relasyon part lang yan, pero kung masaya talaga kayo, eh bakit kayo naghiwalay?

- Maghiganti ka, pero sa mabuting paraan. Paano? Ipakita mo sa kanya na masaya ka kahit wala siya. Hahayaan mo bang ganito itsura mo :'( habang nag ppc ka? habang siya naman ganito :D eh kung ipakita mong masaya ka edi ganito itsura niya :o hahaha that's the sweetest revenge. Anong pipiliin mo? maging malungkot ka dahil kasama mo parin yung taong nananakit sayo o maging masaya ka dahil wala na yung nananakit sayo, yung nagiging dahilan ng pagkabigo mo. Habang nagsasaya siya, ikaw naman nagdudusa. Ikaw mamimili niyan, ikaw lang. Ganito kasi yan eh, paano ka makakamove on kung hindi mo tutulungan yung sarili mo. Oo sabihin na nating madali lang sabihin pero mahirap gawin. Oo natural lang yun kasi hindi naman isang click lang mawawala na yung sakit, yung feelings mo sa kanya. Natural lang yun, nagmahal ka eh kaya ka nasaktan. Pero gawin mong lesson yun. Sabihin mo sa sarili mo hindi na mauulit yun. Tsaka imbis na sabihin mo sa sarili mo na natalo ka, sabihin mo "Natuto Ako". Well pag inulit mo parin yan wala na akong magagawa hahahaha dikta ng puso mo yan eh. Pero tanungin mo yung sarili mo. "Handa ka bang masaktan ulit at dumaan sa proseso ng pagmomove on"

- Etong mga sinasabi ko eh, opinyon ko lang, eto yung mga ginawa ko nung ako pa yung nasa proseso ng pagmomove on. Hindi ko kayo obligasyon pasunurin. Just enjoy and move on ok? Minsan ka lang mabuhay sa mundo kaya sulitin mo na at maging maligaya ka na lang. Forgive, forget and move on.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to move on?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon