Chapter 27

5 4 0
                                    

Memories Of The Past

Franz Xenon's POV


"Good morning, Mr. Villacruz." Paunang bungad namin sa aming guro sa Mapeh.

Eto ang last period namin sa umaga. Pagkatapos nito ay uwian na. Nagmamadali akong matapos ngayon dahil hindi na ako makapaghintay na kumain ng tanghalian.

Magluluto kase si Mama ng paborito kong ulam na beef steak. Iniisip ko pa lang parang naglalaway na ako at kumukulo ang aking tiyan.

Ngayon na ang huling taon na magtatapos ang aming paglalakbay sa junior high school. Kumbaga'y nasa ika-sampung baitang na kami at hanggang ngayon ay nasa star section pa rin.

Lahat ay ginawa namin para makapasa kaya malaki ang aming pasasalamat sa Diyos na nalampasan namin ang mga paghihirap no'ng nasa ika-siyam na baitang pa lamang kami.

"Good morning to you too, my dear students. Take your seats."

Nagsi-upuan kami gaya ng sinabi niya. Walang mangahas na gumawa ng tunog o makipag-usap sa katabi. Kilala si sir Ford sa pagiging strikto pagdating sa katahimikan sa oras ng kaniyang klase. Gusto niya sa kaniya lang kami makikinig para ma pokus kami sa kaniyang tinuturo.

"Today's lesson is all about how to strengthen our cardio-respiratory endurance. We must strengthen it, in order for us to achive a healthy lifestyle." Panimula niya.

"Our health is more important than our wealth. Your money won't save you if your body is poor and weak. Well, maybe it can save you but we couldn't change that fact that we can't back to normal, the healthier us."

Sir Ford has a point there. Our health is more precious than our wealth. Even if you have a million amount of money in your bank, it cannot save you by the time you'll counter a severe condition.

"Now, please get your notebooks and take note what's written on the chalkboard." He strech his hands to the chalkboard

Agad naman kaming tumalima sa kaniyang sinabi at nagsimulang sumulat. Hindi maiwasan na gumawa ng kalokohan ang mga sutil na mga kalalakihan namin sa classroom na nagbigay ingay sa paligid.

Ilang sandali ay sinita sila ni sir pero kalauna'y bumalik sa sa pagawa ng mga kalokohan dahil ang sinabi lang ng guro sa kanila ay 'wag masyadong mag-ingay.

Minuto ang lumipas at natapos sa pagkopya ng mga susulatin sa pisara at nagpatuloy sa pagtuturo si sir. Hanggang sa naisipan niya na tuksuin kami at ipaliwanag kung ano ang mga ginagawa namin para mapabuti ang aming kalusugan.

Kaming tatlo naman ay nag-uusap-usap tungkol sa kung paano namin mapanatiling malusog ang aming katawan.

"Franz Xenon Alvarez. Stand up." Napabaling ako sa pwestong kinatatayuan ni sir Ford.

"Ang alam ko may asthma ka mula sa 'yong pagkabata at hanggang ngayon ay umaatake pa rin sa iyong sistema, tama?"

Tumango ako. "Opo, sir. Medyo nahihirapan ako minsan pero naagapan ko naman agad."

"Mabuti naman kung gano'n. Tatanungin kita ngayon kung ano ang mga paraan na ginagawa mo para mapalakas ang cardio-respiratory endurance mo? Can you share it to the class?"

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon