Xenon's POV
Medyo mabigat ang katawan ko ngayon dahil sa sparring namin kahapon ni Kuya Max. Hindi kase namin namalayan ang oras dahil napasarap kami sa kwentuhan at babad na rin sa pag-ensayo. Kaya eto ang nangyari, late akong pumasok.
Gaya ng inaasahan, malakas pa rin ang nagturo sa akin kung paano makipaglaban at protektahan ang sarili sa iba.
Mabagal akong lumakad papasok sa eskwelahan nang may umakbay sa akin.
"Good morning, Nyebe."
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya kaya tumigil din siya.
"Say that again."
"I said, good morning, Nyebe." Saka bahagyang tumawa.
"You... have a nickname for me?"
"Oo naman. Naisipan ko na gawan ko kayo ng mga palayaw o alyas. Para masaya."
"Kami? Ibig sabihin may palayaw ka sa dalawang tukmol?"
"Precisely. Reese's nickname is really hilarious. Cute but pretty witty."
Napaisip ako kung ano-ano ang mga palayaw ni Drew sa dalawa. Siguradong hindi magiging maganda ang araw nila tinawag ito sa kanila.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta sa aming silid-aralan. Bumilis ang aming paglakad nang marinig namin na tumunog ang kampana, hudyat na magsisimula na ang aming unang klase sa umaga.
Nang makita namin na nagsilabasan ang mga guro sa kanilang quarters na malapit sa aming gusali ay napatakbo na lang kami sa takot na baka mahuli kami at maparusahan.
Halos mawalan kami ng hininga nang makapasok kami sa aming silid. Paano kase, nasa ikatlong palapag pa matatagpuan ang aming silid. Ayan tuloy parang kaming mga aso kung huminga.
"Anong nangyari sa inyo? Parang hinabol kayo ng mga bakla sa kanto."
Napatingin ako sa nagtanong. "K-kung ikaw ba naman... makita mo na... papalapit a-ang guro natin sa... building ng ating strand... h-habang tumutunog ang kampana, siguradong m-matataranta ka at mapapatakbo ka na lang." Saad ko sa kaniya habang humihinga ng malalim.
"Kasalanan ko bang huli kayong pumasok sa klase? Come to think of it, this is the first time that you arrived late." Akira pointed out.
"It's our secomd time, Akira. Nahuli rin kami noong... unang araw ang a-ating pasukan." Humihingal na wika naman ni Drew saka uminon ng tubig.
Maya-maya pa ay dumating na si Ms. Tachibana na may ngiti sa mga labi. Araw-araw ay hindi siya mawawalan ng ngiti kada pasok niya. Ni isang araw o minuto ay hindi ko nakita na kumukupas ito. Tila walang dinadalang problema.
"Good morning everyone, please settle down because I have an annoucement to say." Saad niya habang nilalagay ang mga folders at bag sa kaniyang table.
Nang matapos siya sa paglagay nito ay humarap siya sa amin at lumibot ang paningin sa buong silid.
"It's good to know that everyone is present all throughout the school year. As what I've said earlier, an announcement coming from our school director that we will be having a mountain hiking this upcoming March."
Umingay bigla dahil sa samu't saring boses na lumitaw sa silid.
"Yes! Makakaranas din ako ng hiking!"
"Ayos! Matagal-tagal na akong hindi nakapag-akyat sa bundok."
"Another place to pose and post, girls!"
"Thank God. A way to calm my mind."
Ms. Aiko clap three times to get our attention.
"Now, students. Please tell your parents about the announcement and kindly inform me immediately if they will let you join, okay?"
BINABASA MO ANG
Scent Of My Memories (Complete)
Teen FictionMemories Trilogy: Book 1 Kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang kalimutan sila? Kahit sa bawat halimuyak ay bumabalik ang mga masalimuot na mga alaala. Still worried. I was and until now, am trying to forget them but I guess that I just can't. They...