Chapter 18

10 5 0
                                    


Peace

Reese's POV

SIMULA no'ng araw na pumunta sa aming tambayan ang mga babae ay palagi na silang nakikisama sa amin. Kahit na si Xhenia ay palagi nang sumasama sa amin pero kagaya ng kaniyang kinaugalian, inuuna niya ang mga gawain at resposibilidad bilang isang sekretarya ng SSG ng eskwelahan.

Sa pakikisama ng nga babae sa amin. Unti-unti oo nang nakikila si Reign, Akira, Xhenia at 'yong kasama nila.

Si Reign ay napakasipag pagdating sa pag-aaral at pagbabasa ng mga iba't ibang libro. Minsan hindi mo maintindihan ang kaniyang ugali dahil pabago-bago siya.

Bipolar nga naman.

Madalang mo lang makita siya na ngumingiti at kadalasa'y seryoso ang kaniyang mukha. Iniisip ko nga na baka hindi siya makakahanap ng kasintahan dahil itsurang terror teacher palagi ang pinapakita niya.

Samantala, si Akira ay taliwas sa ugali ni Reign. Makulit ito at palaging masiyahin, yung tipong hindi napapagod sa kangingiti. Buong araw, buong magdamag na kasiyahan ang ipinapakita niya na parang walang problema.

Hindi naman talagang masungit at seryoso si Xhenia. Ginagawa niya lamang 'yon para hindi siya balewalain ng nga estudyanteng sumusuway sa mga patakaran. Ang totoong Xhenia de la Fuente ay mabait at matulungin.

Naaalala ko pa no'ng naglalakad kaming walo sa lansangan. May nakita kaming isang paslit na madungis at gunit-gunit ang damit. Nilapitan niya ito at binigyan ng pera at tinapay na siyang naging dahilan para maging masaya ang batang lansangan.

Akala lang pala ang lahat na walang puso si Xhenia, bagkus ay matulungin siya sa mga nangangaliangan.

Sa kabilang dako, tahimik na nakikisabay sa amin ang babaeng kasama nina Reign. Nakalimutan ko ang pangalan niya pero isa lang alam ko.

Ang ganda niya. Parang crush ko siya pero hanggang crush lang syempre, may Natalia na kase ako hehehe.

Anywho, malapit na ang pasko kaya ginagawa't tinatrabao na namin ang mga naiwang papeles at gawain sa loob ng opisina ng SSG. Lahat kami ay abala sa mga kaniya-kaniyang asignatura.

Si Nicholi ay nagbabasa tungkol sa mga kakailangan sa eskwelahan, samantala si Xhenia ay abala sa paglista ng mga agenda para sa susunod na taon at ako naman ay patungo sa Dean's Room para tanungin kung may magaganap na Christmas Party o wala.

Sana meron.


Drew's POV

Habang nagbabasa ako dito sa Library ay napapaisip ako sa regalong ibibigay ko kay Xenon. Siya ang nabunot ko sa draw lots namin sa classroom. Hindi naman siya pili sa mga gamit. Kung may magbibigay sa kaniya ay maligalig niya itong tatanggapin.

Kung sakaling pagkain ang ibibigay ko sa kaniya, matutuwa ba siya? That's illogical, dapat yung may sentimental value, hindi 'yung kakainin tapos itatae lang niya.

Books? It could be, pero baka magsasawa lang siya. Damit? Too common at tsaka kaya niyang bilhin ang nga 'yon. Ano ba ang magandang iregalo kay Xenon?!

"Try gifting him a box of condoms."

"Jesus!", napatingin ako taong sumulpot, "Reese, you startled me, don't ever do that again."

Humilig ito sa bookshelves. "Sorry, and again, give him a box of condoms. That way, he can taste some girls."

"Are you nuts? Why would I give something like that to him? It's not like he's that kind of person.", I exclaimed.

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon