Memories Of The Past
Franz Xenon's POV
Makikita ang pagkabigla at gulantang ekspresiyon nila sa kanilang mga mukha. Kahit na ang aming guro ay 'di maitago ang gulat.
Ako naman ay parang nailang sa kanilang ipinakita. Parang nakakita sila ng sikat na tao na hindi nila inakalang pupunta dito sa kanilanh eskwelahan. Tumikhim muna ako bago nagpatuloy sa pagsalita.
"Humihingi sana ako ng kapatawaran sa inyo dahil matagal bago ako nakabalik upang mag-aral. Pasensiya na rin kung nabigla kayo sa walang pasabing pagsulpot ko. Nawa'y matanggap niyo ang aking pagpapatawad." Bahagyang yumuko ako sa kanilang harapan.
"Apology accepted. Welcome back, Xenon."
Napamulat ako ng aking mga mata at kita kong nakangiti sa akin ang aking guro na si sir Marcus. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya at umupo sa dati kong upuan.
Nahagilap ko sa gilid ng aking mga mata na matamang nakatitig pa rin sila. Ang iba naman ay mababakas pa rin ang gulat sa kanilang mga mukha, lalo na ang mga dati kong kaibigan.
Nagpatuloy sa pagtuturo si sir na parang walang nangyari kanina hanggang sa natapos ang kaniyang klase. Ipapasok ko na sana ang notebook aa aking bag nang maramdaman kong may nakatayo sa aking harapan kaya nilingon ko ito.
"Alvarez, can we have a short discussion in my office?"
Medyo nabigla ko dahil hindi pa pala nakakalabas ng silid si sir Marcus.
"Sure, sir." Tanging untag ko na lang sa kaniya at isinukbit ang aking bag saka sumunod sa kaniya.
Nang makapasok sa kaniyang office ay inilahad niya ang kaniyang kamay sa bakanteng upuan kaharap ng kaniyang mesa na agad ko namang inupuan.
"Ano nga pala gusto nating pag-usapan, sir?"
"Gusto ko lang na batiin kita sa pagbabalik mo dito sa eskwelahan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari 'yon sa 'yo. Mapalad ka dahil nakaligtas ka sa aksidente." Umupo ito sa kaniyang mesa pagkatapos ilagay ang kaniyang mga libro sa lagayan nito.
"Kaya nga po eh, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakaligtas ako sa bingit ng kamatayan. Siguro palagi akong ginagabayan ng ating Diyos sa itaas." Sabay kamot ko sa aking batok na parang nahihiya.
"Ano ka ba? Syempre hindi tayo pababayaan ng ating Panginoon. Nga pala, alam ko na alam mo na marami kang napagpaliban na mga aralin kaya kung ako sa 'yo, mag-aral ka na ngayon para makakuha ka ng pagsusulit ng unang markahan at makahabol sa mga aralin para sa darating na ikalawang markahan, maliwanag?"
"Yes, sir. I'll never disappoint you."
Ngumiti ito sa akin at pinapabalik na ako sa aking klase baka mahuli ako sa susunod naming subject. Nagpaalam na ako sa kaniya at lumabas na ng kaniyang kwarto.
Naku, mahaba-habang gabi ito para sa 'kin. Napakaraming mga aralin ang dapat kong pag-aralan.
Sa gitna ng hallway ay natulos ako sa aking pwesto. Bakit hindi naitanong ni sir ang tungkol sa aking mata? Wala akong tabon dito ka imposibleng hindi niya ito mapansin lalo na't tumitig kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Scent Of My Memories (Complete)
Teen FictionMemories Trilogy: Book 1 Kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang kalimutan sila? Kahit sa bawat halimuyak ay bumabalik ang mga masalimuot na mga alaala. Still worried. I was and until now, am trying to forget them but I guess that I just can't. They...