Xenon Frost's POV
"Sigurado ka bang papasok ka ngayon, anak?"
Tumango ako. "Opo, Ma. Nawawalay na kasi ako sa eskwelahan ko, at saka para na rin makalakad-lakad ako at makalanghap ng sariwang hangin."
Binigyan niya ako ng hindi siguradong tingin kaya natawa na lamang ako. "Sige na, Ma. Pagbigyan mo na ako gayong kaarawan ko naman ngayon," panlalambing ko sa kaniya.
Natatawang tumango ito. "Sus, ikaw talagang bata ka. Kung hindi ka lang malakas sa amin, hindi ka namin pahihintulutang pumasok ngayon. But since you're now in a good condition and seems that you've already regained your strength, I'll let you be. Mas nagkalaman ka pa nga ngayon kaysa noon, eh.
I grunted while smiling. "Mama naman, eh. Sinasabi mo bang payatot ako noon?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya habang ngumingisi.
"Wala akong sinabing ganyan. Ikaw ang nagsabi niyan," she then laughed, "just be careful okay, anak?"
Ngumiti ako ng pagkalaki-laki at mahigpit ko siyang niyakap at hinalikan sa noo bilang pasasalamat saka namaalam sa kaniya.
Pagkatapos ng supresa nila sa 'kin sa ospital, pina-discharge na ako ng mga doktor ko. Si Yiera ay pumunta na sa eskwelahan, pero bago pa siya makalayo sa 'min ay humirit pa ako sa kaniya ng yakap.
Napailing na lang siya sa ginawa ko at kumalas agad sa pagkakayakap dahil baka ma-late siya sa klase, pero dahil kilala ako ng pamilya ko bilang malambing na anak, binigyan ko siya ng nakamamatay na puppy eyes at nagmakaawa at syempre, nilambing ko siya.
Hindi niya nakayanan ang panlalambing ko, kaya no choice siya at niyakap siya ako ulit.
Naisipan kong pumasok ngayon sa school dahil gusto kong makausap silang tatlo, lalo na si Drew. Gusto ko na talaga silang makita at kung hindi mapigilan ang sarili ay baka mayayakap ko sila ng wala sa oras.
Sabi rin ni Papa, hindi na raw dapat ako mag-alala sa pamamalakad ng mga papeles para sa pag-enroll ko sa kolehiyo dahil naasikaso na niya isang linggo na ang nakalilipas. Ibig sabihin napaka-advance niya mag-isip.
Lumabas na ako ng bakuran namin at isinarado ang gate. May presensya ako naramdaman sa likod ko, pero hinayaan ko na lang at patuloy pa rin sa paglock. Hindi naman siya delikadong tao at kilala ko naman siya.
"I'm glad that Tita Lyra let you go to the school," ani Cipher.
Lumingon ako sa kaniya. "Konting paglalambing lang ang kailangan at sasang-ayon agad. Malakas kasi ako sa kaniya at saka birthday ko naman ngayon kaya pinagbigyan niya ako," ngiting saad ko, "magandang umaga sa 'yo, Cipher."
Sumilay ang ngiting bihira lang makikita sa kaniya. "Good morning to you, too, Frost."
"That's more like it. You should smile more often. Mas bagay sa 'yo," I uttered while pointing at his smiling face.
Agad naman niyang iniwaksi ang ngiti sa kaniyang mga labi at pinatigas ang ekspresiyon ng mukha niya saka naunang lumakad. Hindi ko maiwasan na umiling sa kaniyang inakto.
Bipolar nga naman.
"Magmo-motor tayo. My big bike is few blocks away from here so better start walking, you assh*le," rinig kong untag niya.
Dagling tinakbo ko ang distansiya namin saka sumabay sa kaniya sa paglalakad. I didn't mention that he's a fast walker. Not only that, he doesn't create even a single sound while walking, which is kinda creepy.
Ganyan rin naman ako, ah? Ba't ako nababahala sa kaniya? Bahagyang natawa ako sa inisip ko.
"What's so funny?"
BINABASA MO ANG
Scent Of My Memories (Complete)
Novela JuvenilMemories Trilogy: Book 1 Kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang kalimutan sila? Kahit sa bawat halimuyak ay bumabalik ang mga masalimuot na mga alaala. Still worried. I was and until now, am trying to forget them but I guess that I just can't. They...