Memories Of The Past
Franz Xenon's POV
Bagong eskwelahan, bagong mga taong maghahasik naman ng kasamaan sa akin. Hindi na ako mabibigla't magugulat kung 'yan ang mangyayari sa 'kin sa buong taon ko dito sa paaralang sekondarya ng San Bartolome.
Simula pagkabata ko, tuksuan na ako ng mga batang walang ginawa kundi makipagbasag-ulo sa eskwelahan. Kahit na mismong mga guro ay hindi nila maawat-awat dahil sukdulan na sila ng katarantaduhan.
Nong mga panahong nasa elementarya ako, kahit na may kapangyarihan ang aming punong guro na patalsikin ang mga walang kwentang kaklase ko, ay hindi nila magawa-gawa dahil naawa sila.
P*tang in*ng awa 'yan, alam ko naman na pera ang hinahabol nila sapagkat iilan lang ang pumapasok sa eskwelahan na 'yon. Mas pipiliin pa nila na palaguin ang kanilang kayamanan kesa sa sagipin ang estudyanteng malapit nang mabawian ng buhay dahil sa mga kagaguhang ginagawa ng nga kamag-aral niya.
Patingin-tingin ako sa paligid nang may tumapik sa aking balikat. Tiningnan ko kung sino at siya lang pala.
"Why are you all alone?"
"Eh ang tagal mo kaseng dumating, parang kang babae kung kumilos." Asik ko sa kaniya.
"Ayusin mo ang pananalita mo, ako lang ang kasangga mo dito kaya mag-ingat ka sa mga salitang binibitawan mo."
Tinawanan ko lang diya saka umupo sa gilid. Siya si Sawyer, isa sa mga kaklase ko no'ng elementarya. Hindi siya kagaya ng mga gagong kaklase ko na mahilig mang-asar at tuksuin ako. Palagi niya akong sinasabayan sa mga ginagawa ko.
Siya ang sandigan ko sa mga oras na inaapi ako. Siya ang taong kinakapitan ko at nagbibigay sa akin ng lakas para harapin ang bukas.
"Isang napakagandang umaga sa inyong lahat..."
Napabaling kami pareho sa stage kung saan may lalaking guro na nagsasalita.
"... unang-una sa lahat, binabati ko ang mga bagong estudyante ng ating paaralan. Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan."
Umingay bigla ang paligid dala ng kanilang malakas na palakpakan. Imbes na matuwa sa mainit na pagbati ay dumoble ang kaba na nararamdaman ko kanina pa.
Unang araw pa lang ng pasukan ay parang nalulula na ako. Malaki ang eskwelahan na 'to para sa akin. Hindi ko matitiyak kung ano ang mangyayari sa akin dito, maliban sa pang-aasar at pagtukso nila sa 'kin.
Ilang segundo ang lumipas, inanunsiyo ng guro sa mikropo ang magiging seksiyon namin ngayong pasukan at sa awa ng Diyos, pasok kami ni Sawyer sa pinakamataas na seksiyon ng ika-pitong baitang kaya agad na pinuntahan namin ang nasabing silid.
Kahit na binubully nila ako no'ng elementary, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ko qng aking pag-aaral. May pangarap akong gustong maabot at hanggang ngayon ay minimithi ko pa rin ito.
Habang binabagtas ang daan, may nakikita akong pamilyar na mga mukha. Hindi malinaw sa isip ko kung saan ko sila nakita at nakakasiguro ako. Magiging kaklase ko sila.
Pagdating namin sa kwarto ay ingay agad ang bumungad sa aming harapan ni Sawyer. Mayro'ng nagkukwentuhan, nagbibigayan ng mga pasalubong at may walang pakialam.
Siguro magkaklase sila no'ng elementarya nila. Sana gano'n din kasaya ang aking panahon no'ng pumapasok ako sa eskwelahang 'yon.
Mapabalik na lang ako sa huwisyo ng hablutin ako ni Sawyer sa aking bag kaya wala na akong magawa kundi magpatianod sa kaniyang paghila sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Scent Of My Memories (Complete)
TienerfictieMemories Trilogy: Book 1 Kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang kalimutan sila? Kahit sa bawat halimuyak ay bumabalik ang mga masalimuot na mga alaala. Still worried. I was and until now, am trying to forget them but I guess that I just can't. They...