Chapter 29

13 4 0
                                    

Memories Of The Past

Franz Xenon's POV

"Teka... n-nasaan ako?"

Labis ang pagtataka ko ngayon kung bakit napadpad ako sa isang lugar na walang kalaman-laman. Tanging kadiliman lamang ang mababanaag ko sa aking paligid.  Sinubukan kong maglakad-lakad para makahanap ng ibang bagay dito, ngunit wala talaga akong makita.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang may narinig akong kumakaluskos sa paligid na nagbigay ng takot at pangamba sa aking sistema.

"S-sino ang nandiyan? M-magpakilala ka!" Pinatigas ko ang boses ko para hindi mahalata ang takot na nararamdaman ko.

Lalong lumakas ang ang kaluskos na naging dahilan para mapatakbo ako ng pagkabilis-bilis.

P*ta! Bakit ngayon pa ako naduwag?! Oo nga pala, duwag na ako noon pa.

Sa aking pagtakbo ay may napatid akong isang bagay dahilan upang matumba ako saka sumikdo ang di mapaliwanag na sakit sa aking tuhod.

"T-tulong!! Tulungan niyo akoo!"

Sa kabila ng walang tigil na pagsigaw ko, walang tao o bagay na nagpakita para tumulong sa akin. Maya-maya pa ay may narinig akong mga munting yapak na papunta sa aking direksyon.

Mas lalo nitong pina-igting ang takot na nadarama ko, kung kaya't tumalukbong na lamang ako gamit ng mga braso ko at pumikit saka nanalangin.

"Diyos ko, kung nasaan man ako ngayon, sana'y matulungan niyo po ako," mahinang panalangin ko.

Ilang sandali pa ay nawala na parang bula ang naririnig kong mga yapak. Lumaganap ang nakabibingi ngunit nakakakilabot na katahimikan sa paligid. Unti-unting binuksan ko ang aking mga mata at bahagyang iniangat ang aking sarili.

Gano'n na lamang ang pagtataka ko nang mapansin kong maaliwalas na ang paligid. May mga matatayog na puno sa paligid na animo'y nagpapagalingan sa pagsayaw dahil sa malalakas na pagaspas ng hangin.

Napansin kong may mga bulaklak na kulay ube sa aking kinalalagyan at nanunuot ang kanilang halimuyak sa aking ilong dahilan para bumahing ako ng pagkalakas-lakas.

Suminghot ako para hindi mahulog ang aking sipon. Sinubukan kong tumayo pero agad akong napaupo nang bumalatay na naman ang sakit sa aking tuhod. Tatayo ulit sana ako nang may sumagi sa aking isip.

"Paano nga pala ako napunta dito?"

I was just wondering how I got to this place. It's not like I would've entered a portal to the other dimension or I've moved from a certain place to another. That would be absurd. But still, the question remains in my head, making me confused about everything.

What's more confusing is that, from the very beginning, I cannot feel the wounds that my great father did to me. My body is not aching anymore as if he didn't stabbed me, except for the wound that I have in my right knee. My head says that I am just dreaming, yet my gut shouts otherwise.

For the third time, I tried to stand up and gladly I stand firmly with my feet on behalf of my aching knee. I look around and there were only huge trees and violet-colored flowers in the place.

Scent Of My Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon