"Pasensya? May magagawa ba 'yan? May maibabalik ba 'yan? Wala."
"Wala."
"Wala."
Tila isang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang kaniyang sinabi mula sa pagising ko hanggang ngayon.
Bakit ko ginawa 'yon? Bakit ko nasira ang pinakamamahal na bagay na ibinigay sa kaniya ng kaniyang lolo?
Hindi ko masukat kung gaano katindi ang galit niya pero alam ko na sa oras na magkita kami, hinding-hindi ko na makikilala ang Drew na naging kaibigan ko.
"Mi hijo, are you okay?"
Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Mama.
"I'm okay, Mama. Don't worry." Sabay ngiti ko sa kaniya.
"Napansin ko na palagi kang matamlay sa mga nakalipas na araw. Minsan hindi ka magana kumain. May bumabagabag ba sa 'yo?"
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Gano'n ba ang epekto ng nangyari no'ng pang dalawang linggo para mapansin nila?
"Ano kase... ahm... w-wala po akong tulog sa mga nagdaang araw dahil sa mga assignments at projects namin. Alam niyo na, malapit na ang finals kaya kailangan namin na magdoble-kayod."
Ma, Pa... pasensya na. Hindi ko talaga gusto na mag-alala kayo sa 'kin. May trabaho kayong pinagkakaabalahan, ayokong dumagdag pa sa mga problema nyo.
"Anak," hinawakan niya ang kamay ko, "alam kong mahalaga sa 'yo na magkaroon ng mataas na marka, pero pakiusap, 'wag mong pabayaan ang sarili mo."
"Alam ko naman po 'yon, Ma. Hayaan niyo po. Kapag matapos na ang school year, babawi ako sa sarili ko at sa inyo." Pangako ko sa kanila.
Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi saka nagpatuloy sa kaniyang agahan. Lumingon ako sa gawing kanan at gano'n na lang ang pagkabigla ko sa matamang pagkakatitig ni Papa sa 'kin.
"M-may problema po ba, Pa?"
Imbes na sagutin niya ako, binawi niya ang kaniyang tingin saka nagpatuloy sa pag-kain ng almusal.
Ano kaya 'yon?
Hinayaan ko na lang siya at tinapos ang aking kinakain saka nagpaalam sa kanila.
Nang aabutin ko na sana ang gate may naririnig akong mga yapak papunta sa aking direksiyon kaya nilingon ko ito.
"Oh Pa, may kailangan ka po ba sa akin?", agarang tanong ko nang makita ko siya.
"Magtapat ka nga sa 'kin, anak. Are you really okay?"
Naistatwa ako sa kaniyang tanong. Pano na 'to? Alam kong malakas ang pandama ni Papa sa mga bagay-bagay, lalo na sa estado ko.
"O-oo naman, Pa. Bakit mo pala naita-"
"Don't you dare lie in front of me, young man."
Nangilabot ako sa paraan ng kaniyang pananalita. I know that he knows something that bothers my head but I still lied on him.
Great.
"I doubt that you're okay, son. I know that you suffered in your junior high school days. That's why you decided to change your atmosphere to save yourself from shattering."
Nanlaki ang nga mata ko sa kaniyang sinabi. So he knew from the very beginning that I was agonized because of what my classmates done to me.
"I noticed something," he walk towards me, "you are happy all throughout the school year. That means you find your happiness, until these past few days," he stopped in front of me. "That aura of happiness just lifted as if it didn't clouded your system."
BINABASA MO ANG
Scent Of My Memories (Complete)
Teen FictionMemories Trilogy: Book 1 Kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang kalimutan sila? Kahit sa bawat halimuyak ay bumabalik ang mga masalimuot na mga alaala. Still worried. I was and until now, am trying to forget them but I guess that I just can't. They...