At Last
Xenon's POV
"Bhud, pasensya na ha?"
"Ahh, ako na pala?"
"Mas lalong hindi sasarap dahil Best Friend ko pa ang nasaktan ko, tangina!"
"Xenoooonnnn!!"
Naalimpungatan ako sa ingay ng nagwawalang alarm clock ko. Hay buhay, isa namang panibagong kalbaryo ang magaganap sa araw na ito.
Araw-araw ay lagi akong ginagambala ng mga boses na naririnig ko sa tuwing natutulog ko. Ewan ko ba, ngunit nang may sumigaw ng pangalan ko, puno ito ng takot, pagsisisi at pighati. Patuloy itong nagpaparinig hindi lamang sa isang linggo kundi halos isang taon na.
Pero hindi ko na ito binigyang-pansin at inihanda ko na ang sarili ko. Bumaba na ako at tinungo ang hapag-kainan kung saan kompleto na ang pamilya ko.
I smiled as they saw me walking towards them.
"Morning Ma, morning Pa," masiglang bati ko sa kanila at umupo sa hapagkainan.
"Good morning din anak, kumusta naman ang tulog mo?" Tanong sakin ni Papa.
"Mabuti naman po," tanging sagot ko sa kaniya.
"Anak, magpapasukan na. Bagong paaralan at bagong mga kaibigan, 'di ka ba natutuwa?" Tanong ni Mama habang nakangiti.
Payak akong ngumiti. "Oo naman, pero 'di ko maipapangako na magkakaroon na ako ng kaibigan ngayong araw." Tumingin ako sa kanila, "hindi naman busilak ang puso ko at mas lalong hindi ako payaso." Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Ano ka ba anak, syempre makakakita ka rin ng mga kaibigan ngayong araw," Saad ni Papa.
Sana nga makakakita ako ng tunay na kaibigan.
Tipid na nginitian ko sila bilang tugon sa kanilang katanungan at nagpatuloy sa pag kain.
I'm a loner since Grade 7 up to my Grade 10. Oo, maaaring sabihin nila sa kanilang sarili na kaibigan nila ako pero kailanman kay hindi ko sila tinuring na kaibigan.
May kaibigan bang naaalala ka lang kung may kailangan sila sayo?
May kaibigan bang parang hangin na nilalabayan ka lang?
May kaibigan bang ginagamit ka lang?
Yeah, it's bullshit. Kaya mas pabor sa akin na mapag-isa nalang ako, pero dahil sa pagiging mapag-isa ko, hindi naging maganda ang mga naranasan ko sa buong apat na taon sa aking pag aaral sa junior high. Isyu dito, sabi-sabi doon and history repeats itself.
Meron na nagsasabi na ang weird ko, malaki ang suot na eyeglass nay may kulay lila at badoy kung manamit.
Ang iba ay nagsasabi na ang aking mga magulang ay engkanto. Ang mas malala, aswang daw ako. For God's sake, are they for real?
We are currently living in a modernized civilization in the year 3019 where everything is hi-tech. All of the surroundings are full of technologies, yet they are still into urban stories. How pathetic of them. That is why I didn't waste my time for those good for nothing stories, because I don't give a damn for some nonsense things.
They see me as a failure in this society, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit hindi pa umuunlad ang ating bansa sa nakalipas na isang libong taon.
Natapos na ako kumain at nagpaalam na ako sa kanila. Bago pa ako makalabas ng bahay ay tinawag ako nina Mama at Papa.
"Ano po yon Ma?"
"Anak." tawag niya sa akin at kinuha ang aking kamay at may inilagay na susi na nasa kwintas sa aking palad. Nagningning ang aking mga mata sa nakita.
BINABASA MO ANG
Scent Of My Memories (Complete)
Teen FictionMemories Trilogy: Book 1 Kakayanin ko kaya? Kakayanin ko kayang kalimutan sila? Kahit sa bawat halimuyak ay bumabalik ang mga masalimuot na mga alaala. Still worried. I was and until now, am trying to forget them but I guess that I just can't. They...