Chapter 1: Codename

544 15 0
                                    

-CZARINA-

Grabi! Halos kababakasyon lang no’ng isang araw, parang kailan lang pasukan nanaman? Nakakagulat pero nakaka-excite rin naman.

But seriously? Magpapasukan na talaga? Hindi pa nga kami nagkakabalikan ng ex-boyfriend ko, magpapasukan nanaman?

Charot! Wala akong boyfriend. Ni-hindi ko nga alam kung ano’ng feeling nang magkaroon eh. Boy-bestfriend puwede pa.

By the way, speaking of him? Nawawala nanaman si Ford. Gano’n talaga ‘yun, hindi mo namamalayan nakalayas na pala. Ang sagwa ng ugali ‘di ba? Hindi man lang marunong magpaalam.

I checked the door kung talagang wala siya. I see no sign of him so I decided to close the door. I was about to close it nang bigla-bigla nalang siyang pumasok. Attitude!

Dumiretso siya sa couch kung saan kami nakapuwesto kanina. He sat down on the sofa and irritatedly looked at me.

“Problema mo?”

Isinara ko na ang pinto at naupo na rin sa katapat na upuan do’n.

“I feel like, tsini-tsismis mo ako sa utak mo. Don’t you?”

Anong klaseng utak meron ‘to? Mind reader ang dating ah? Dinaig pa niya ang detective na si Loki Mendez. I looked at him with a furrowed eyebrows.

“Baliw! Sa’n ka ba kasi nanggaling at bigla ka nalang nawawala?”

He shown me plenty of SAKTO before answering me.

“I bought this”

Sabagay ‘yan lang naman ang buhay niya mula nang mag-school break. Palibhasa ginaya ang paborito kong junk food, which is na-adapt ko pa sa daddy ko.

“Pahingi!”

He just seriously look on the tv as if he hears nothing. Kinailangan ko pang ulitin ang sinabi ko bago niya ako mapansin.

“Ford pahingi, please!” I politely repeated.

“ ‘Di mo ba gets?” he answered without looking at me, that curious me.

“Pinagsa-sasabi mo?”

Nakakagulat kasi siya magsalita.

“Mayaman ka ‘di ba? Teacher ang papa mo, nurse naman ang mama mo!”

Napa-wow-look nalang ako dahil sa mga sinasabi niya. Promise hindi ko siya ma-gets today. He’s starting to say an irrelevant words as if he is an alien.

“Ano naman ang kinalaman ng trabaho ng mga magulang ko sa paghingi ko sa‘yo ng sakto? Tigpi-piso lang naman ‘yan. Ang sabihin mo, ang damot mo!”

Biglang nabago ang aura ko sa sinabi niya. Tama ba naman na damayin pa niya ang trabaho ng parents ko sa simpleng paghingi ko ng sakto sa kaniya? He’s insane, isn’t he?

“Exactly, you got my point”.

Sagot niya na lalong nagpagulo sa‘kin. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mong may kausap siyang hindi ko nakikita. Ang layo kasi ng mga sagot niya sa totoong usapan namin.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now