Chapter 17: A Girl Linked to my Bestfriend

121 5 0
                                    

-CZARINA-

Pasado alas siyete nang gabi, dumiretso na ako sa kuwarto pagkatapos naming mag-dinner. Nahiga na rin ako para magpahinga when my phone rings.

I get it from the side-table and I saw unregistered phone number flashing on its screen. Cri-in-tique ko muna kung kaninong number ‘yun nang bigla kong maalala ang last 3 digits nito. I know him, mahilig siyang manghiram ng cellphone kapag biglang nalo-lowbat ang sa kaniya.

“Hello?”

I asked. Hindi pa naman kasi ako sure kung siya nga talaga ‘yun. Dini-delete ko kasi agad ang text message niya or ang call logs ko after niyang tumawag para walang makitang kahinahinala si Ford just incase na hiramin niya ang phone ko.

(It’s me. How are you? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?)

Dixon asked na nasa kabilang linya.

“Ayos naman na, nakainom na rin ako ng gamot ko kaya for sure maya-maya wala na ‘to”

(It seems like, I have to be sorry. Ako yata ang dahilan kung bakit ka nagkasakit. Baka kung hindi kita niyayang pumunta sa Tan’awan baka hindi sana sumakit ang ulo mo)

“Ano ka ba. Don’t put the blame on you. Hindi mo naman sinasadyang ma-lock ‘yung pinto ng sasakyan mo at maiwan sa loob ang susi, aren’t you? Tsaka isa pa hindi mo naman inaasahan na biglang uulan”

Medyo nagbago rin ang boses ko dahil sa sipon. Parang may nakaipit na kung ano man sa ilong ko.

(By the way, tapos ka na bang kumain? ‘Wag mong kakalimutan ang gamot mo ah, at kapag hindi ka pa okay bukas ‘wag mong pipilitin ang sarili mo na pumasok. Ako na ang bahalang mag-excuse sa‘yo sa mga teachers natin)

Parehong-pareho silang kumilos at mag-alala ni Ford. Isa yata sa mga dahilan kung bakit mabilis akong mahulog dito kay Dixon. Naaalala ko parati na Ford is with me kapag magkasama kami ni Dixon.

“Tapos na lahat, magpapahinga nalang. Tsaka for sure naman na okay na ako bukas. Salamat sa pag-aalala”

(Of course I’m worried. I can’t forgive myself kapag may mangyaring masama sa‘yo. Lalo na’t ako ang huling taong nakasama mo bago ka magkasakit. So I think, I have to let you take a rest. Magpahinga kang mabuti para bukas, okay na okay kana talaga. Alright? I love you)

Bago paman ako makasagot. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok sa Ford.

“Sinong kausap mo? Kaya pala hindi kita ma-contact dahil may kausap ka”

I hanged the phone up. Sana naman hindi ako nagmukhang bastos kay Dixon.

“Si.. Russel, nangangamusta”

“Oh I see. By the way, I bought you pizza just in case you lost your appetite. At least, may pantawid gutom ka”

Napadilat ang dalawa kong mata habang inaabot niya sa’kin ang dalawang box ng pizza. Wow, I can’t really imagine na dadalhan niya ako nito. It’s been a while since I last eat a pizza.

“Sa’kin ‘to lahat? Thank you bestfriend”

Inabot ko ang pizza tapos niyakap ko siya nang napakahigpit.

“Oh, ‘wag kang masyadong matuwa baka matuluyan ka”

Kumawala ako sa pagkakayakap at binatukan ko siya gamit ang bakante kong kamay.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now