-CZARINA-
“Nakita mo siya?” salubong na tanong ni dad nang makapasok na ako ulit ng bahay.
“Dad, may dapat kang malaman!”
I take a deep sigh upon saying that. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung kailangan ko bang pagsisihan na ngayon ko lang ‘to sasabihin sa kaniya. If only I did it earlier, baka sana naiwasan namin si Mr. Hye na dukutin si mommy, just in case tama ang iniisip ko.
Kumunot ang noo ni dad, na tila nagulat kung ano man ang sasabihin ko.
“K-kanina kasi. Nakita ko si Mr. Hye. M-may binigay siya na regalo pero hindi ko inabot sa‘yo dahil natakot ako na baka kung ano man ang laman nong regalo na ‘yon. T-tapos sinabi rin niya na ‘wag ka raw masyadong magpakasaya dahil may taong mawawala sa‘yo”
“What? Bakit hindi mo agad sinabi sa’kin?”
Nagtinginan na ang mga bisita namin sa’min dahil napalakas na ang boses ni dad. Hinila ko siya palabas ulit para maalis ang tuon ng mga bisita sa’min.
“Hindi ko naman alam na seryoso pala siya sa sinabi niya eh. Akala ko—«
“Anak, we’ve warned you last time kung gaano kadelikado ang lumapit sa lalaking ‘yun. Sana sinabi mo agad sa’kin na nakita mo siya kanina at nagbanta na pala siya na kukunin niya ang mommy mo. Edi sana.. Edi sana nagawan natin ng paraan”
Napa-tap si daddy sa kaniyang noo. Birthday na birthday niya may ganito kaming kabigat na problema.
“Czarina, tito Miguel. May problema ba?”
Tanong ni Ford nang lumapit siya saamin. Kanina pa kasi niya kami pinagmamasdan simula nang pumasok kami rito.
Nagkatinginan kami ni dad. Well, dapat siguro sabihin namin kay Ford baka sakaling nakita niya si mom.
“S-si mommy kasi nawawala. Nong pumasok tayo kanina, napansin mo ba ang puting sasakyan na naka-park malapit sa gate namin?”
He looks at me with a furrowed eyebrows. Maybe he’s wondering why I have raised that question.
“If my memory serves me right, may puti ngang sasakyan na naka-park sa gilid kanina pagdating ko. That car was own by a mysterious guy, tall maputi na parang nagtuturok ng gluta, with a shade tapos blonde ‘yung buhok. Why? How is that car related to tita Verna?”
Muli kaming nagkatinginan ni dad matapos i-describe ni Ford kung sino ang may-ari ng puting kotse na ‘yon. Base on his description, hindi ako puwedeng magkamali dahil tugmang-tugma iyon sa description ni Mr. Hye.
“Si Mr. Hye!”
“T-teka? Who’s that Mr. Hye? How is he related to Gwen Hye?”
Dahil sa tanong ni Ford, mukhang alam ko na kung saan namin pupuntahan si mommy. Isang family lang naman ang may apelyidong Hye dito sa lugar namin eh. I could not be mistaken dahil nong na-encounter ko sila, don ko lang narinig ang apelyido nila ever.
Bakit nga naman hindi ko ‘yun naisip? Eh halang naman talaga ang bituka maging si Gwen. Now, hindi na ako magtataka kung kanino siya nagmana ng kasamaan. Like father like daughter ika nga nila.
“Dad, mukhang alam ko na kung saan dapat natin siya puntahan”
Agad na kaming umalis ni dad habang nanatili naman si Ford. Siya ‘yung, inutusan ni dad na magbantay at mag-asikaso sa mga bisita habang hinahanap namin si mommy. If my memory serves me right, ika nga ni Ford, sa St. Panganiban naka tira sina Gwen dahil ‘yun ang sinabi niya nang mag-introduce siya.
YOU ARE READING
I Love You My Bestfriend (ILYMBF)
Teen FictionEveryone of us deserves to love, and of course neither of us deserves to be unloved. But from who among the millions of people could we get the love we deserve? Would it be from unknown who is just newly introduced? Would it be from our circle of fr...