-CZARINA-
It’s been a week since Ford has back. Kami parati ‘yung magkasama sa pagpasok at sa pag-uwi ng bahay. He seems to be my personal driver dahil na rin sa hindi na ako sumasabay kay daddy.
Si Dixon naman, paminsan minsan nagpapakita siya ng motibo na gusto niya akong kausapin kaso hindi ko lang mapagbigyan dahil kay Ford. Isang maling galaw ko lang, baka malaman niya ang tungkol sa’min ni Dixon.
Nagkaka-text naman kami at tawagan minsan kapag mag-isa nalang ako sa bahay. Pero kadalasan talaga hindi dahil palaging nandon si Ford. Tulad nalang ng nakaraang araw, nag-text sa’kin si Dixon na gusto niya akong makausap ngayong gabi raw, the same place and the same time. Naghahanap lang ako ng tsempo dahil hindi pa rin umuuwi si Ford.
“Ba’t parang hindi ka mapakali? What’s bothering you?”
Napalingon ako kay Ford na busy sa paglalaro ng kaniyang phone. Kahit hindi siya nakatutok sa’kin, he still can behold how and what am I doing.
“H-ha? Wala naman. Puwede ba maglaro ka lang d‘yan”
I said and I get the remote then change the tv channel. Tapos na kasi ang Paw Patrol na pinapanood ni Ford kaya nabaling na sa ibang bagay ang atensiyon na.
“Hindi ka pa ba uuwi?” follow up question ko. Mag-aalas-siyete na kasi ng gabi pero mukhang wala pa siyang balak na umuwi.
“Ba’t parang atat na atat kang umuwi na ako? May lakad ka ba? Do you have something to do? I can help you anyway”
Hays, pano ko ba kasi sasabihin sa kaniya na may lakad ako na hindi niya malalaman kung sino at kung saan ako pupunta?
“Wala. Inaantok na kasi ako”
“Then what’s prohibiting you? Go upstairs and take a rest. Mamaya na ako uuwi kapag natapos ko na ‘tong game ko”
Umakyat na ako at pumasok ng kwarto pagkatapos kong mag-good night sa kaniya. Mamaya nalang akong lalabas kapag nasigurado ko na wala na siya sa baba.
Iti-text ko na rin lang si Dixon na baka ma-late ako dahil nandito pa si Ford. Maiintindihan naman niya ‘yun for sure.
Habang naghihintay sa pag-alis ni Ford, nilibang ko muna ang sarili ko sa paglalaro ng kung ano ano sa cellphone ko. Baka kasi makatulog ako kung mahihiga na ako.
From time to time sinisilip ko rin sa bintana kung nandon pa ba ang kotse niya. That would be my clue kung nasa sala pa ba si Ford o kung nakauwi na siya.
And finally, after 5 times na kaka-check, umalis din si Ford. I really thought na wala na siyang balak na umalis.
I’m sorry Ford if I have to do this. Mahal ko si Dixon. Mahal ko pa rin siya.
Ginamit ko na rin ang personal bike ko since hindi ko naman puwedeng gamitin ang kotse ni daddy dahil nga sa hindi naman ako nagpaalam. And as if naman kasi na papayagan pa niya ako dahil mag-aalas-otso na ng gabi.
Hindi naman kami mahilig mag-lock ng gate o ng pinto kaya no worries ako. May dala rin akong duplicate ng susi namin kaya madali akong makakauwi nang hindi ni dad nahahalata.
Ilang puwersa rin ang ginamit ko sa pagba-bike bago ako makarating sa TAN-AWAN. Akala ko nga na wala na siya ron pero nang makita ko ang ilaw na nagmumula sa isang sasakyan, sigurado ako na nandon pa siya naghihintay.
YOU ARE READING
I Love You My Bestfriend (ILYMBF)
Teen FictionEveryone of us deserves to love, and of course neither of us deserves to be unloved. But from who among the millions of people could we get the love we deserve? Would it be from unknown who is just newly introduced? Would it be from our circle of fr...