Chapter 5: First Step to Court

160 6 0
                                    

-CZARINA-

Hindi  na ako pumasok ngayong umaga. Matapos ang nangyari kahapon, ewan ko lang kung magkaroon pa ako ng interes na tumungtong ulit sa paaralan na ‘yon. That was traumatic, and until now, I still have no idea if who asked Alexander a favor. Aside from Magda, I have no one in the list.

Sina daddy na ang nag-asikaso para mapatalsik ang rapist na ‘yun sa school. Kung sana ay 18 na siya, sa kulungan sana ang bagsak niya. Kaya lang 17 palang siya kaya hindi pa siya puwedeng makulong at kargo pa siya ng  DSWD. Kung ako ang magdedesisyon, dapat makulong siya kahit 17 palang siya.

(Kung nandyan lang ako, hindi ko hahayaan na pumunta ka ron nang mag-isa. Sigurado ka bang ayos ka lang?)

Mula kagabi, hindi ko na mabilang kung nakailang tanong na siya sa’kin non. Hindi ko sinabi sa kaniya ang nangyari but for sure Russel does. Kalat na kalat na kasi sa buong school ang nangyari mula pa kagabi. Trending na ako sa group page ng school.

“Ayos lang talaga ako Ford. Hindi naman natuloy ni Alexander ang balak niya sa’kin dahil dumating si Dix—”

Nag-alanganin pa ako kung dapat kong sabihin sa kaniya na si Dixon ang tumulong sa’kin. He hates him. Hindi niya for sure ikakatuwa na malaman na si Dixon ang nakaligtas sa’kin.

(It’s Dixon. Isn’t it? Don’t worry, for this time, I thank him for saving you. But my hatred on him won’t stop there. Not because he saves you, doesn’t mean I will allow him to get close on you. Remember, he hurts Russel, sa mismong harap mo pa)

“Naiintindihan ko. Maraming salamat sa pag-aalala. By the way, kamusta ‘yung new school mo? Hindi kita nakakamusta dahil hindi mo ako kinakausap ng ilang araw”

(It’s better. I mean, it’s better if you’re here. Sinong mag-aakalang makakahanap ako ng taong katulad mo. She looks like you, she always reminds me of you, but don’t worry, you’re prettier than her)

Ilang ulit kong inisip ang sinabi niya. For the record, this is not my first time hearing about my looks alike. First day of class when Dixon thought I was Gwen. And now,  Ford finds someone looks like me. Sabagay, may nabasa ako na we have more or less seven (7) look alike all over the world.

“Sana hindi pa ako napapalitan ng sinasabi mong ka-look alike ko sa buhay mo”

(You and Russel will always be my bestfriends. Even if I got thousands of your look alike, you two remain the original)

“Salamat Ford. Nami-miss tuloy kita”

(I’m missing you more. How I wish I was there to personally comfort you. By the way—Ford, let‘s go—I have to go)

May narinig akong boses babae sa linya ni Ford. And maybe that girl is my look alike.

“Bye Mr. Grumbler”

(Bye for now Hellcat)

Napatingin ako sa stuff toy na iniwan sa’kin ni Ford. I get it at mahigpit na niyakap.

Sobrang miss na miss na kita Ford. How I wish na nandito ka talaga. Nami-miss ko na ang pag-comfort mo sa’kin. Nami-miss na kita, sobra.

“Czarina my bisita ka!”

Sigaw ni yaya na nasa baba. Yes, we have maid already. Ewan ko ba kina mommy’t daddy. Sinabi ko na sa kanila na hindi na namin kinakailangang kumuha pa ng katulong. Wala raw magbabantay ng bahay kapag nasa school kami ni dad habang nasa ospital naman si mommy.

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now