-FORD-
“Ford, ikaw pala. Anong...ginawa mo diyan sa clinic?”
I was shocked when I saw Gwen right behind the door.
“Wala. I just.. get this one. Medyo sumasakit kasi ang ulo ko kaya naisipan kong humingi ng gamot”
I forced a smile to look convincing. At mukhang naniwala naman siya.
“Okay, so didiretso kana sa faculty room?”
I nodded. Kailangan ko na rin kasing bumamik agad dahil hindi pa kami tapos ni Professor Baltazar sa pag re-review.
“Ihahatid na kita. May kailangan din kasi akong sabihin sa‘yo”
I know where she is up to. Alam ko na babanggitin niya lang ang nangyari kagabi. It’s either hihingi siya ng tawad dahil sa ginawa niya or makiki-tsismis sa totoong nangyari pagkaalis nila.
“Sure. We can talk along the way”
Nagsimula na kaming maglakad. Nasa Grade 9 building kasi ‘tong clinic kaya kailangan pa naming maglakad para makabalik sa faculty. Nagtataka nga ako kung ano ang ginagawa niya rito.
“Gusto ko lang sanang mag-sorry dahil, baka sumobra ang naging reaksiyon ko kagabi. Like you know, baka naging pakialamera na ang dating ko sa inyo. Pero promise hin—”
“Don’t be sorry Gwen. Alam ko naman na ayaw mo lang na may inililihim sa’kin. And I thank you for that. Masaya ako na wala kang inililihim sa’kin tulad ng naging kasunduan natin noon nong nasa Manila pa tayo. I owe you, dahil baka kung hindi dahil sa’yo, baka hindi ko nalaman na may inililihim pala sa’kin ang bestfriend ko”
We keep on talking habang naglalakad. Hindi na rin ako tumitingin sa kaniya dahil nakatuon ang atensiyon ko sa dinadaanan namin.
“But please ‘wag ka sanang magalit kay Czarina dahil lang sa ginawa ko. Ayokong magmukhang pumapapel sa pagitan ninyong dalawa. Yeah, I hate her pero ayokong maging dahilan kung bakit kayo hindi nagkakaintindihan ngayon”
“Yeah of course. Hindi naman ‘yun ang dahilan kung bakit umiiwas muna ako kay Czarina. May mga nasabi rin ako sa kaniya kagabi na sa tingin ko‘y hindi ko muna sinabi dapat”
Bumaba na kami ng hagdan at para tuluyan nang makaalis sa building na ‘yon. Under construction pa kasi ang bagong clinic kaya for the meantime, nasa second floor ng Grade 9 building ang clinic. Which is not good dahil pano kung may mga nahihimatay? Edi kailangan pang iakyat ng hagdan para maisugod sa clinic? Buti pa sana kung escalated or elevated ang building okay pa.
“Like?”
I took a sideward glance on her dahil sa tanong niya. I should not tell her that I have confessed my feelings to Czarina. Wala munang dapat makaalam maliban sa’min ni Czarina.
“Saka ko na sasabihin sa‘yo kapag okay na, would that be okay? But don’t worry, hindi ko naman balak ilihim ‘to sayo nang matagal. For the mean time, I have to think of ways kung pano ko ‘to sasabihin sa iba without affecting Czarina, and myself”
“Naiintindihan ko. Pero sana maging okay na kayo ni Czarina sa lalong madaling panahon. Bestfriends should not make the misunderstanding lasts much longer. Lalo na kung higit pa sa pagkakaibigan ang turing mo sa kaniya”
![](https://img.wattpad.com/cover/252947537-288-k475069.jpg)
YOU ARE READING
I Love You My Bestfriend (ILYMBF)
Teen FictionEveryone of us deserves to love, and of course neither of us deserves to be unloved. But from who among the millions of people could we get the love we deserve? Would it be from unknown who is just newly introduced? Would it be from our circle of fr...