Chapter 28: My Bestfriend Has Now a Girlfriend

90 3 0
                                    

-CZARINA-

Tumagal pa kami ng ilang oras sa lugar na iyon. Hanggang sa tuluyan nang tumaas ang araw kaya naisipan na naming umalis. Since hindi na kami pumasok ngayong umaga, pumunta kami ng Mabalud Beach at don na nagpalipas ng oras. Kung uuwi kasi ako ng bahay, baka isumbong ako ni yaya kay dad na hindi ako pumasok ng school.

Pasado alas onse y media na ng tanghali nang magpahatid ako kay Dixon kanina sa bahay.

“Ano ba kasing nangyari kanina? Bakit bigla kayong nawala? Sa’n kayo pumunta?”

Para akong nasa Tonight with Boy Abunda na naha-hotseat sa mga taong ni Russel. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba siya nang totoo, o kailangan ko nanamang magsinungaling sa kaniya. Dapat ko bang sabihin sa kaniya na nakita kong naghahalikan sina Ford at Mikee sa may Washing Room Area?

“M-medyo, sumakit lang ang ulo ko kaya umuwi ako”

Hindi pa naman time kaya mas minabuti naming magtsikahan nalang muna rito sa canteen.

“So coincidence lang pala ‘yun na sabay kayong absent ni Dixon?”

He says as if he finds an answer to his hanging question. A question that might bothering him earlier.

“Wala rin siya kanina?”

I act normal para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako. Ayoko ‘tong gawin pero sa tingin ito ‘yung tama sa ngayon.

“Yes wala rin siya. Huli kong nakita ang katauhan niya nong magkasama kayo sa pavement kanina. ‘Yung ang bagal niyong maglakad na para bang ninanamnam niyo ‘yung bawat sandali?”

Hindi ko alam kong sinasakyan niya lang ba ako o talagang wala siyang alam. Feeling ko kasi ramdam niya na may tinatago ako sa kaniya.

“Hindi, may napag-usapan lang kami”

“Speaking of, ano bang pinag-usapan niyo kanina? Don’t tell me sinusubukan ka nanaman niyang ligawan? Eh hindi ba nga, malinaw na sa kaniya na si Ford na ang gusto mong maging boyfriend? Umieksena nanaman ba siya?”

Bigla ko tuloy naalala ang mga sinabi sa’kin ni Dixon kanina tungkol kay Ford. Gustuhin ko man na pasinungalingan ‘yun, pero si Ford na mismo ang nagpatunay sa’kin na hindi niya nga talaga ako mahal bilang si Czarina. Mahal niya lang ako bilang matalik na kaibigan.

“Hoy tinatanong kita”

Nagulat ako sa biglang pagkalabit sa’kin ni Russel. Hindi ko napansin na nawala nanaman ako sa usapan namin dahil sa mga biglaang naisip ko.

“H-hindi, pinapaalala niya lang sakin na...”

Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang mga sinabi sa’kin ni Dixon tungkol sa naging usapan nila ni Ford? At maging don sa nakita ko sa washing room kanina?

“Na ano?”

“Na kahit na anong mangyari nand‘yan pa rin siya para sa’kin. Na kahit sino ang piliin ko, hindi p arin magbabago ang turing niya sa’kin. That he will still be there anytime for me, when I needed”

Hindi ko diretsahang sinabi sa kaniya pero at least hindi ako nagsinungaling. Hindi ko lang sa kaniya sinabi ang buong pangyayari pero at least hindi ako gumawa ng sarili kong kuwento.

“Well, napaka-sweet niya pero mali siya sa part na sinabi niya na kahit na sino ang piliin mo, hindi magbabago ang turing niya sayo. Isn’t he aware that you have chosen Ford already? Is he?”

I Love You My Bestfriend (ILYMBF)Where stories live. Discover now