-CZARINA-
Hindi pumasok si Russel kinahapunan. Nag-text siya sa’kin na ngayon daw darating ang boyfriend niya galing Maynila kaya kailangan niya itong salabungin.
Nong una akala ko nagtatampo siya sa’kin dahil sa nangyari kaninang umaga. Mabuti’t itinext niya sa’kin ang tunay na rason ng kaniyang pagliban.
Pagdating ko sa school, agad akong tumambay sa canteen. This is the usual thing that we used to do way back when Ford was still around. Hindi kami pumapasok kaagad ng room, until the bell rings.
“Masyado ka atang napapalapit kay Dixon. Don’t tell me gusto mo rin siya”
Bigla akong napalingon sa babaeng nagsalita mula sa likuran ko. Isang babaeng may mahaba at at straight na buhok na aabot hanggang puson kung ilalagay sa unahan.
Si Magda pala, isa sa mga kaklase ko na hindi maialis ang tingin kay Dixon nang mag-introduce ito ng sarili kahapon.
Akala ko may kausap siyang iba dahil nakaupo siya patalikod sa’kin, ako pala ang tinutukoy niya. Tumayo siya at biglang humarap sa’kin. Tiningnan ko siya sa mata at bumulaga sa’kin ang naka kuyom na mga labi nito at nakataas na kaliwang kilay.
“Wala akong gusto sa kaniya. Mali ang iniisip mo”
Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa pinapanood ko. Hindi ko pa kasi natatapos ang episode four ng meteor garden.
“Binabalaan kita, bawal kang magkagusto sa kaniya. Umiwas ka hanggat maari, dahil ayokong nakikita kang nakadikit sa kaniya. Hindi mo gugustuhing makalaban ako Czarina”
Hindi ko siya pinansin hanggang sa kusa siyang umalis. Wala naman siyang pakialam na diktahan ako kung sino ang dapat-at-hindi dapat na gustuhin ko. Labas na siya ron. At isa pa, crush ko lang naman si Dixon, hindi pa naman ako umaabot sa level na patay na patay sa kaniya tulad nang ginagawa niya.
Pasado ala-una ng hapon nang tumunog ang school bell. Hudyat na kailangan ko nang pumasok ng room para sa first afternoon period namin. Nakasabayan ko pang maglakad sa hallway si Dixon pero hindi ko siya pinansin. Naalala ko kasi ang sinabi sa’kin kanina ni Magda sa canteen.
Hindi naman ako sa natatakot sa kaniya. Gusto ko lang umiwas sa gulo dahil for sure madadawit at madadawit lang ang pangalan ni dad pagnagkataon. Ayokong masabihan na porket teacher dito ang daddy ko kaya magiging maarte at pabida na ako. I hate that kind of idea.
***
Isang linggo na ang nakaraan matapos ang unang pasukan. Nakakaya ko naman na wala si Ford. Nakakapanibago pero unti-unti na rin akong nasasanay na tanging si Russel lang at si Dixon ang nakakasama.
Pinipilit kong iwasan si Dixon hangga’t maari dahil una: ayokong magkaroon ng kaaway sa room, lalo na si Magda na halatang may gusto kay Dixon. Pangalawa, sapagkat hindi sila magkasundo ni Russel dahil nga sa personal issue ni Dixon sa mga bakla at pangatlo, dahil ayaw maging ni Ford ang maging close ako kay Dixon, na hanggang ngayon ay hindi niya sinasabi sa’kin kung bakit.
But on the second thought, hindi ko magawang lumayo kay Dixon even if everyone is pushing me away from him. Ewan ko ba kung bakit. Feeling ko attracted ako sa kaniya, or maybe more than that.
“Nandito ka na pala. Hinintay kita sa labas ng canteen dahil akala ko nasa loob kapa”
Napa-tap nalang ako saaking noo. Doon kasi kami dumaan ni Dixon sa kabila. Nawala sa isip ko na kasama pala mamin si Russel
YOU ARE READING
I Love You My Bestfriend (ILYMBF)
Teen FictionEveryone of us deserves to love, and of course neither of us deserves to be unloved. But from who among the millions of people could we get the love we deserve? Would it be from unknown who is just newly introduced? Would it be from our circle of fr...