-CZARINA-
Pasado alas nuwebe y medya na nang umaga nang magising ako. Kung hindi pa ako nanaginip nang masama na iiwan na ako ni Ford, hindi pa ako maalimpungatan. Bigla tuloy naalis sa isip ko na ngayong umaga luluwas ng Maynila si Ford. WHAT?
Bigla akong napabalikwas nang bangon nang biglang mag-register sa utak ko na ngayon pala ang alis ni Ford. Shit nakalimutan ko!
Dali-dali akong pumunta ng banyo para magmumog at lakad-takbo kong binaba ang hagdan. Walang tao sa sala o ano mang sign na magsasabing nandito pa si Ford kaya dumiretso ako sa kusina na nasa kanang bahagi pagkababa ng hagdan.
“Dad, dumaan ba rito si Ford?”
Naabutan kong mag-isang nag-aalmusal si dad sa hapag. 10 am- 6pm kasi ang schedule ni mommy sa ospital kaya for sure nasa daan na siya papunta ron.
“Uhm, galing siya rito kanina anak. Kaso umuwi rin agad dahil kailangan daw niyang habulin ang biyaheng pang alas 10:00. Pa-Manila na pala siya anak no? Matagal din kayong hindi magkikita since nabanggit niya sa’kin na don na siya mag-aaral until he finish his college”
Nginu-nguya pa ni dad ang kinakain niya habang sumasagot. Nabahala nga ako nang slight dahil baka mabulunan siya.
But going back to where we were, I felt sad nang malaman ko na nakaalis na siya. Hindi man lang niya ako hinintay o ginising man lang para pormal na makapagpaalam. Ilang years din siyang mawawala, at hindi biro ang gano’ng katagal. Mami-miss ko siya nang sobra.
“Oo nga eh, kaya nga hindi na siya nakapaghapunan dito kagabi. Pinauwi siya ni tita Aryan para sabihin ang baalitang ‘yon”
Naupo na rin ako sa tapat ni dad at sinabayan ko siya sa pag-almusal. Nagtimpla na rin ako ng paborito kong cream tuwing umaga. KAPEMO BROWN COFFEE. Aside from type ko ang lasa niya dahil hindi siya masyadong cream at hindi rin masyadong strong tulad nang sabi sa commercial, isa rin sa mga nagpagusto sa’kin lalo rito ay yung mismong nagi-endorse nito. Lalo na si Joshua Garcia, ang bida sa LOVE YOU TO THE STARS AND BACK na nagpaluha sa’kin nang husto sa kahusayang umarte.
“By the way, may iniwan pala siyang farewell gift sa‘yo. Kunin mo nalang sa sala pagkatapos mong mag-almusal, okay? I have to go”
Umalis na rin siya pagkasabi niya non. He has to go to school since madami silang inaasikaso dahil bukas na ang pasukan. Napaisip din ako kung ano ‘yung farewell gift sa‘kin ni Ford kaya binilisan ko na ang pagkain at pag-inom nitong kape. Wala rin naman kasi akong napansin kanina nang pinasyalan ko nang tingin ang buong sala.
Pagkatapos kong kumain, agad na akong tumungo sa sala. Ilang segundo rin nang pagtitig sa bawat bagay na nandoon bago ko makita ang sinasabi ni dad na farewell gift sa’kin ni Ford. Isang Human size red Hello Kitty ang bumungad sa’kin na nakaupo sa couch. Napayakap tuloy ako sa sobrang laki nito. And take note, sa laki nito, bakit hindi ko ‘to agad napansin kanina?
Pinasyal ko rin ang tingin ko sa may center-table at nakita ko ang puting sobre na naka patong dito. SANA CASH! Unang pumasok sa utak ko.
Pero syempre joke lang. Wala naman siyang trabaho para magkapera. Kung hindi ito stock sa bahay nila, for sure may ambag and papa niya rito kaya siya nakabili nang ganito kalaking stuff toy.
Hellcat
I didn’t bother waking you up, since nothing seems to dirturb you. Bigla tuloy akong nag-wonder kung ganon ba talaga kamantika matulog ang isang hellcat, and take note a bit snore comes from your mouth and it’s unexpected to a girl like you. I thought only fat boys do it, and you prove me wrong. By the way, I hope that by this time you’re hugging the stuff toy I have left there. It costs much so don’t ever think that you can have it for free. You have to pay me that, but not now. Iniwan ko ‘yan for a reason, that hello kitty will guard you habang wala ako. I’ll be miles away from you for 5 years so I hope you two will take care of each other. Pagbalik ko, saka kita sisingilin and we will be paying back the time we’ve skipped. Take care and I love you.
YOU ARE READING
I Love You My Bestfriend (ILYMBF)
Teen FictionEveryone of us deserves to love, and of course neither of us deserves to be unloved. But from who among the millions of people could we get the love we deserve? Would it be from unknown who is just newly introduced? Would it be from our circle of fr...