Kabanata 2

79 25 1
                                    

Kabanata 2
Publicity

Pag-katapos ng concert ay nakaramdam ako ng pagka-ihi. Kaya inexcuse ko na muna ang sarili ko at sinabihan na mag-kikita nalang kami sa parking lot.

Mabilis kong hinanap ang comfort room, buti nalang pagka-pasok ko wala masyadong tao, kaya mabilis lang ako natapos.

My phone ring kaya pagkalabas ko ng cr ay nakayuko ako habang hinahanap sa sling bag ko ang cellphone ko. Hawak ko pa sa kabilang kamay ang lightstick ng WIND Kaya medyo nahihirapan ako.

"Ay potek"! Napasigaw ako sa gulat ng may bumangga sa'kin. Napatingala ako sa taong nasa harap ko ngayon, seryoso niya akong tinitingnan habang pinupulot ko naman ang lightstick na natapon ko sa pagkabigla.

"Are you okay?"

Napatulala ako ng marinig ko ang talking voice nito.

Napatulala rin ako sa ganda ng mata nito, light green. Nakita kong tinikwas nito ang kilay.

"Hindi ka pa tatayo, Miss? baka may makakita sa'tin na ganito ang position." Anito.

Napakurap-kurap naman ako sa sinabi nito at tiningnan ang ayos namin. Mukha akong nakaluhod sa harap nito, kung sa likod nito titingnan parang may ginagawa kaming... Something. Pero, ilang bulgada naman ang layo nito sa'kin dahil sa pag-kakaatras ko kanina.

Agad-agad ako'ng tumayo at inayos ang sarili ko, tumigil na rin sa pag-riring ang cellphone.

"Paul..."

Tiningnan ko ang inilahad nitong kamay. At tsaka binalingan s'ya.

Nakangiti na ito ngayon, may dimple pala ito. Pero 'yung mata talaga.

"Zoe" At tinanggap ang pakikipag kamay niya.

"Zoe, Pasensya ka na ha, hindi ko napansin na may nabangga pala ako, nag-mamadali kasi ako eh." Aniya na nag-papaumanhin.

"Okay lang, hindi naman ako nasaktan." Ani ko at binawi na ang kamay ko sa pag-kakahawak nito.

There's an awkward silence between us, hindi ko rin naman alam kung papano mag-paalam sa kanya kasi baka ma offend o kung mag-papapicture ako para ibigay ko kay Lou. Bago pa ako makapag-desisyon ay nag-ring ulit ang cellphone ko.

This time, nakita ko, natabunan lang pala sa takip ng dslr.

Si Jasper ang tumatawag, bago ko sinagot ay tiningnan ko si Paul na nakatayo pa rin sa harap ko at mukha yata'ng walang balak na umalis.

"Mauna na po ako." Pinakita ko ang
screen ng cellphone ko, nagulat rin ako sa ginawa ko pero umakto akong wala lang.

"Ah sige sige!" Anito at bahagyang tumabi para makadaan ako. Saka ko lang sinagot ang tawag ni Jas.

"Hello Jasper!" Ani ko.

I heard him chuckled. "Nag-enjoy ka?" Unang tanong nito.

Nag-lakad na ako palabas at hinanap ang mga kaibigan ko.

Umakto akong nag-iisip kahit na hindi naman nito nakikita ang itsura ko. "Medyo lang." Totoo kong sabi.

"Medyo lang?" Anito sa kabilang linya. "Wait nasan ka na ba? kanina pa kami nag-hihintay dito." Dagdag nito kalaunan.

Nanlaki ang mata ko. "Nandito ka sa MOA?" I asked.

Nag-lalakad na ako papuntang parking lot, madami pa ring tao, halos palabas na ng MOA lahat.

Tanaw ko na rin silang Lima, Kita ko si Jasper na nakasandal sa hamba ng sasakyan ni Louna. Ang tatlo naman nasa loob na ng sasakyan nito habang hinihintay ako.

Secretly Dating, Paul Klein (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon