Kabanata 4

80 21 0
                                    

Kabanata 4
Please

"What's better, Black or yellow?" Apple, referring to the two Smocked high-rise flounce midi skirt in front of me.

Nasa mall kami, doing shopping again kasi next week finals na. Malapit na Christmas.

"You know what Ple, get'em both. They look good naman." Maarteng saad ni Lisa na sya ang sumagot kay Apple.

"Actually Lis, you gave me a good idea. Thanks." Sagot naman ni Apple.

Louna is on the jeans section while we're in the tops.

"How much?" Tanong ulit ni Lisa.

Tiningnan naman ni Apple ang price tag.

"4K" Aniya.

Lisa shrugged. "Cheap. Kunin mo na." Aniya

Binalingan naman ako ni Lisa sinipat niya ako at ng mapansin na wala pa akong napipili kahit ni isa ay tinaasan niya ako ng kilay.

" 'yare naman sayo girl? 'bat ka tulala? Di mo gusto sa Mango? Ano, lipat tayo sa Zara?" Aniya.

I shake my head. "I'm fine here." Ani ko at nagkunwari na pumili ng mga damit kahit ang totoo naman ay okopado ang utak ko.

It's been three days, at kahit na pinipilit ko na 'wag nang isipin because I already made up my mind at tsaka hindi rin ako sang-ayon na basta nalang gamitin. Napahigpit ang hawak ko sa hanger na hawak kong damit ng maalala ko na naman ang mukha ng Lalaking 'yun!

"Nanggigigil ako!" Hindi ko mapigilan na kausapin ang sarili.

"Kanino naman?" Tanong ni Apple na nasa tabi ko na pala. Kaya mabilis akong tumingin sa gawi nito at nagtatanong ang mga matang tiningnan sya.

"You look pissed over something. Is there any problem?" Aniya.

Umiling ako. "Wala. Siguro masama lang ang pakiramdam ko." Ani ko

Sinalat pa ang sarili. Ewan, pakiramdam ko gusto ko ng matapos agad ang araw na 'to para wala na akong iisipin bukas kasi sigurado naman ako na kung matiwasay ang buong araw at isali na rin natin ang gabi ko ay siguro naman napag isip-isip nila na ayaw ko talaga kung ibabase nila sa huling pagkikita't usap namin. I ran away. That is enough evidence na ayaw ko.

"Alam mo, may nabasa ako sa tumblr..." Ani Apple.

May dala dala na itong ilang tops at ako naman, isa pa lang.

"Excuse me po?"

Napabaling kami pareho ni Apple ng nay nagsalita sa likod ko. Nasa edad lang namin na babae,  Nakatingin ito sakin may hawak itong cellphone. At mukhang nagtitimpi sa kung ano sa kinatatayuan nito.

"Yes?" Ani ko.

"Kayo po ba si Ms Zafira Penelope?" Aniya
"Pwede po bang pa picture?" Ani pa nito.

Napataas ang kilay ko. "Mukha ba akong artista para magpapicture?' Ani ko sa mababang boses. Enough lang para si Apple ang makarinig na siniko naman ako. Ngumuso ito na pagbigyan ko na.

" Pasensya,  I don't do taking pictures. Hindi naman kasi ako artista." Ani ko. Nakita kong bahagya itong nalungkot.

Napalatak naman si Apple sa ginawa ko. "Ay nako! Pasensya ka na kay Zafira,  sige tabi ka na sa kanya. I'll take the photo for you!" She said in a cheerful at ito na mismo ang kumuha ng phone.

Hindi naman nagtagal ang nagpapicture sa'kin. Kaya bumalik ulit ako sa pagharap ng mga damit.

"I really don't like it when someone wants to take a photo with me. Hindi naman ako actress or something para gawin nila 'yun." Ani ko.

Secretly Dating, Paul Klein (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon