Kabanata 8

50 13 0
                                    

Kabanata 8
Unica

I woke up the next morning with a headache. Nilibot ko ang paningin ko ng hindi pamilyar na lugar na naman ang bumungad sa'kin.

Ah... I remember. Inuwi ko pala si Paul sa condo nito rito sa BGC. I slowly got up and bahagyang pumikit para hindi mahilo sa pagkakabangon. Ng maramdaman ko'ng oriented na ang katawan ko ay saka ko pa lang binuka ng dahan-dahan ang mata ko.

Ginala ko ang paningin at nasa sala ako ng condo ni Paul at sa Sofa ako natulog. May Blanket na na nakapulupot sa'kin. May na-amoy akong pancake kaya napatayo ako at sinundan ang amoy nito.

There I saw Paul cooking.  Nakatalikod ito sa'kin kaya hindi nito ramdam ang presensya ko. Dahan-dahan akong nag-lakad patungo sa kitchen isle.

Napalingon ito ng narinig nito ang pag-upo ko sa highstool.

"M-Morning..." Ani ko na nautal pa.

He only nodded. "Morning." Aniya sa malamig na boses. Nakabihis na ito. An army green polo and a jeans. 

Hinayaan ko na lang baka may hang over pa. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"May hangover ka  pa?" Tanong ko pag-kalapit. Nagluluto pala ito ng pancake. Ito ang naaamoy ko kanininang mabango.

Nakita ko kung paano ito dumistans'ya sa akin ng kaunti. "Wala na masyado. I'm good."Sagot nito ng hindi man lang ako nililingon.

Napatango ako sa sagot nito.

"Okay ba tayo?" Ani ko sa kanya.

Natigil naman ito sa pagluluto ng pancake.

"Ikaw daw nag-hatid sa'kin pauwi. Thank you." Aniya. "Reece told me..." Dagdag nito'ng sabi.

I hissed. "Hindi 'yan ang kailangan kong sagot. Ang sabi ko... Okay ba tayo?" Ani ko sa malumanay na boses.

Tahimik lang ito habang hinahain ang pancake tapos nag-salang ulit ng panibago sa kalan.

"So you will give me a cold shoulder, ganu'n ba. After I signed the contract tatratuhin mo 'ko na parang hindi kilala?" Ani ko na hindi maiwasan na makaramdam ng inis dito.

Nagbuntong-hininga ito. "Masakit ang ulo ko. Don't talk to me." Anito at tinalikuran na  ako. Dumiresto ito sa hapag kainan at nag-simula ng  kumain. Nag-lagay ito ng dalawang pancakes sa isa pang plato.

Hindi ko naman mapigilan ang mainis sa inasal nito. "Alam mo mag-hanap ka ng bago mong prerend girlfriend!" Ani ko at bakas sa itsura ang pagka-inis.

Nag-lakad ako  ng mabilis. Nilagpasan ko s'ya.  Dali-dali akong lumabas sa condo nito. Nagka-gulatan  pa kami ni Reece.

"Sa'n ka?" Habol na tanong nito sa'kin.

"'Sabihan mo  'Yang kaibigan mo na kayang-kaya kong punitin ang lintek na  kontrata na 'yan!" Gigil kong sagot at nag-martsa sa direksyon ng sasakyan ko.

Hindi na ako lumingon pa at basta nalang pinaharurot ang sasakyan palayo sa condo nito.

Pwede naman kasing mag-sabi nalang 'di 'yung sinusungitan ako. Hindi ako manghuhula at lalong-lalo na wala akong alam sa kung napa'no s'ya. Plus kagabi pa... Dagdag pa sa iisip ko.

"Akala namin  hindi ka makakarating eh..." Ani Louna na tumayo ng makita ako. Nasa coffee shop kami malapit lang sa village. Tradition na after finals ay tatambay kami ritong magbabarkada.

"Natagalan lang ang gising ko." Ani ko sa kanya. Kahit ang totoo ay kakagaling ko lang sa condo ni Paul at dahil sa hindi ko naman masabi-sabi sa kanya ay nag-dahilan nalang ako.

Secretly Dating, Paul Klein (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon