Chapter 13

9 4 0
                                    

Amethyst's POV






Hindi ko alam kung bakit ba ako sumama ngayon sa kanya. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang gagawin namin dito. Tsaka bakit nga ba kami nandito ngayon? Paano niya ba ako napilit na sumama sa kanya? Well, hindi ko rin matandaan kung ano yung explanation niya.



"Amethyst!" Rinig kong sigaw ng pangalan ko sa kalayuan. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin? Inis kong nilingon kung sino yung tumawag sa akin.




Nakita ko si Tian na kumakaway at may kasama siyang pamilyar na babae. Habang papalapit silang dalawa ay doon ko namukhaan kung sino yung kasama niya ngayon. Hindi ko alam kung ano irereact ko kasi nakita ko ulit yung babae sa cafe na sinabi kong mukhang anghel.



"Teka bakit nandito ka rin Tian?" Takang tanong ko sa kanya.




"Duh, inimbitahan kaya ako nila Ylise dito. Tsaka sinama ko rin yung pinsan ko. Amethyst si Faith nga pala. Faith si Amethyst best friend ko." Pakilala sa akin ni Tian sa pinsan niyang si Faith. Ngumiti naman sa akin ng matamis si Faith at ganoon din ako.






"Hi, nice to meet you." Malambing na sambit ni Faith sa akin.





"Nice to meet you too." Sagot ko pabalik sa kanya. Maya maya pa ay nararamdaman ko naman na may yumakap sa akin galing sa likod.





"Sorry for waiting baby ko." Bulong ni Jungkook sa tenga ko. Siniko ko naman siya at narinig ko pa ang pagtawa niya.




"By the way, si Faith nga pala pinsan ni Tian." Pagpapakilala ko kay Jungkook sa babaeng nasa harapan namin ngayon.





Naramdaman ko na humigpit ang pagkakayakap ni Jungkook sa bewang ko. Hindi ko alam kung ano bakit ganoon ang reaksyon nilang dalawa ni Faith. Nang makita kasi ni Faith si Jungkook ay nanlaki ang mga mata niya. Kami naman ni Tian ay naguguluhan sa kanilang dalawa.




"Tara na Baby ko. Pasok na tayo sa amusement park. " Anyaya sa akin ni Jungkook. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko at sabay hila sa akin palayo kila Tian.





"Sunod na kayo Tian at Faith!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Tumango naman si Tian sa akin.





"Bakit mukhang nagmamadali ka ata Jungkook?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko kasing malaman ang nangyayari. Ayokong may hindi ako nalalaman kasi baka may past silang dalawa or siya talaga yung girlfriend ni Jungkook tapos nakakasakit na pala ako kasi di ko naman alam.






"Hindi naman ah. Tsaka excited lang talaga ako. Alam mo bang pinasara ko pa ito para sa ating lahat nila hyung." Nakangiting sagot sa akin ni Jungkook.





"Sinungaling ka." Sambit ko sa kanya pabalik. Napatigil naman siya at ganoon rin ako. Humarap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.





"Hindi ako sinungaling!" Inis na sambit ni Jungkook sa akin.





"Nope. Sinungaling ka." Pinagdidiinan kong sambit sa kanya.





"Alam mo Amethyst huwag kang mang-inis ngayon ah. Hindi ko pa nakakalimutan yung nakaraan. " Inis na sambit sa akin ni Jungkook. Hinawakan niya ulit yung kamay ko para hilahin ako pero kumalas ako sa pagkakahawak niya.





Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon