Amethyst's POV
One week na ang nakakalipas simula nung mangyari yung confrontation na iyon. Hindi na rin kami masyadong nakapag-usap ni Jungkook sa mga nagdaang araw. Masyado na rin kasi silang busy ngayon. Si Tian din madalang na din kami mag-usap. Siguro iniiwasan niya muna ang gulo dahil sa mga nalaman niya na sinabi ng pinsan niya last week. Masyado na rin complicated ang lahat.
Si Draven naman maaga din bumalik sa Korea dahil may emergency at ngayon mag-isa lang ako dito sa veranda dahil wala naman ako pupuntahan since instant superstar na ako. Hindi na rin ako basta basta makakagala dahil lahat ng mga mata nila ay nakatingin at nakatutok sa bawat hakbang na gagawin ko. Baka kapag nakita nila ako na pumunta sa bar ay gumawa na kaagad sila ng issue at ayoko rin naman masira yung reputation ni Jungkook sa mga gagawin ko.
Nakakabagot na dito sa loob ng bahay. Hay, paano kaya kung hindi kami nagkakilala ni Jungkook? Ano kayang nangyayari kung hindi nagtagpo ang landas naming dalawa? Siguro kung anong ginagawa ko noon ay mananatiling ganon pa rin. Siguro walang magbabago. Siguro hindi ako ngayon nakakulong dito sa bahay at natatakot na lumabas dahil baka mabash or magawan ng issue.
Habang nagmumuni muni ako dito sa veranda ay pumasok sa isip ko na magdrawing na lang. Kumuha ako ng sketchpad at lapis. Since ganito naman ginagawa ko kapag bored na bored na talaga ako.
"Ehem..." Rinig kong sambit sa likod ko. Hindi ko ito nilingon masyado akong busy sa ginagawa ko.
Naramdaman ko yung presensya niya na papalapit siya sa akin. Tinigil ko yung pagguguhit at nilingon kung sino ba yung taong dumalaw sa akin. Nakita ko naman kaagad ang seryoso niyang tingin at syempre ang malaki niyang ilong.
"Oh, akala ko ba busy kayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa kanan ko.
"Tumakas lang ako saglit doon." Sagot naman niya sa tanong ko. Kinurot ko naman ang braso niya. Pasaway talaga kahit kailan. Nakita ko naman na napangiwi siya sa ginawa ko.
"Pasaway ka talaga ilong! Pagagalitan ka nila talaga. " Naiinis na sambit ko sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya at napapahiyang tumingin sa akin.
"E, gusto ko lang naman makita ka at makasama ka kahit saglit." Palusot pa niya. Kukurutin ko na sana siya ulit.
"Hep! Hep! Tama na! Once is enough!" Pigil niya sa akin. Buti naman sinabi niya iyon kung hindi gagawin at gagawin ko ulit iyon.
"Bakit mo ba kasi ako gustong makita ha?!" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Ang manhid mo naman." Tugon niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang kukurutin na sana siya ng bigla siyang humiga sa lap ko.
"H-hoy! Tsansing ka na ah!" Sambit ko sa kanya. Hindi ko naman siya matulak dahil ang sama ko naman kung ganon ang gagawin ko.
Wala din naman akong magawa. Hays, ano na naman kayang pumasok sa isip niya ngayon at ganyan ang ginawa niya? Kung ano ano na lang lagi ang trip na naiisip niya. Hinayaan ko na lang siya na humiga sa lap ko. Ilang minuto din napuno ng katahimikan ang buong veranda. Wala kasi sa aming dalawa ang gustong magsalita. Wala din naman akong maisip na topic.
"Haplosin mo Amethyst yung buhok ko please..." Pagmamakaawa niyang sambit. Nagulat naman ako sa gusto niyang iutos sa akin. Nakatagilid siya at hindi niya nakikita ang pagtataray na ginagawa ko. Demanding talaga ang lalaking ito. Tss.
"Ayoko nga!" Tutol kong sambit sa kanya. I crossed my arms at bahala siya dyan.
Naramdaman ko naman na nag-iba siya ng pwesto at pagbaba ko ng tingin ay nakaharap na ang mukha niya sa akin. Kaagad ko siyang inirapan at hindi pinansin. Naramdaman ko naman ang pagkuha niya ng kamay ko at ipinatong ito sa ulo niya kasabay din nito ang pagbalik niya sa dating pwesto. Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kung anong gusto niya. Ang lakas talaga ng lalaking ito sa akin. Kung anong gusto niya di ko matanggihan. Ang daya talaga! Tsk. Hinaplos ko na ang buhok niya kagaya ng gusto niya.
BINABASA MO ANG
Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING
Fanfiction[BTS SERIES #5] "I want to make it with you, Amethyst. I want to be your number one fan and I want you to be my number one fan too. Just let me stay on your side and let me continue loving you even more..." - Jungkook Amethyst Quince Rodriguez is a...