Chapter 2

32 5 1
                                    

Jungkook's POV


"Rise and shine guys!" Rinig Kong sigaw ni Hobi hyung sa amin.


Minulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko ang matamis na ngiti ni Hobi hyung. Tsk... lagi naman siyang ganyan. Kahit kailan... simula nung ikasal sila ni Wendy Noona lalo lang siya naging Hyper kaya nga sila Jin hyung nagagalit na sa kanya at pinapalayas na dito sa dorm.


"Hoy kabayo ang Aga Aga nambubulabog ka na kaagad! Pwede ba lumayas ka muna!" Sigaw ni Jin hyung na nasa kabilang kama lang at nakaupo na at handang mambato ng pink na unan.


"Hehehe... Peace tayo hyung! Sige na nga hindi na ako mambubulabog dito! Good morning pa rin hy----" Hindi na natapos ni Hoseok hyung ang sasabihin niya ng bigla na lang siyang batuhin ni Jin hyung at sapol sa mukha niya.


"LAYAS! ALIS! CHUPI! " Sigaw ni Jin hyung. Grabe naman makasigaw si Jin hyung. May regla ata siya ngayon. Baka LQ sila ni Noona Mikey.


Narinig ko naman na sinara na ni Hobi hyung yung pintuan at naging tahimik na ulit ang kwarto. Back to beauty sleep si hyung. Tinignan ko naman yung orasan at nakita kong 4 am palang ng madaling araw. Grabe si Hobi hyung mambulabog!


Madaling araw palang gising na at sumisigaw na. Tsk tsk.  Sumbong ko siya kay Wendy Noona e. Natulog ulit ako kagaya ng ginawa ni Jin hyung. Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng cellphone ko. Minulat ko ang mga mata ko at kinusot pa ang kanang mata bago kinuha ang cellphone na nakapatong sa table.



Faith is calling...



Napabangon kaagad ako nang makita kung sino ang tumatawag sa akin ngayon. Dali dali kong iniswipe ang answer.



[Hello Kookie.. Good morning!] Narinig ko na naman ang matamis at masayang boses ni Faith. She's sounds innocent and sweet.



"Good morning din Faith.." Nakangiti ako ngayon habang ginugulo ang buhok. Iba talaga ang presensya ni Faith sa akin. Iba talaga ang dating niya.



[Kakagising mo lang ano?] Tanong nito sa akin habang hindi nagbabago ang boses. Ganoon pa rin mahinhin at Sweet. Pumasok ako sa banyo at tumingin sa salamin.



"Oo.." Tipid kong sagot sa tanong niya. Hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa aking labi.



[Mag-ayos ka na. Tapos hintayin na lang kita rito sa Ria's Coffee shop dito na tayo mag almusal ah!] Rinig ko ang saya sa boses niya.



"Sure. Mag-aayos na ako. " Sambit ko bago naputol ang tawag.



Dali dali akong nagayos at nagsuot ng navy blue na tshirt at faded jeans. Nagsuot rin ako ng cap at mask. Bumaba na ako at nakita ko sila hyung na nakaupo na sa lamesa at ako na lang ang hinihintay. Napatingin sila sa akin at makikita ko ang pagtataka sa kanilang mga mata.



"Saan ka pupunta Jungkook? "Tanong sa akin ni Rapmon Hyung. 



"Magkikita kami ni Faith hyung.. sorry hindi na ako makakasabay sa inyo kumain ng almusal. Sabi niya kasi sabay na kami doon." Nakangiting saad ko sa kanila. Nakita Ko naman na tumango silanh lahat sa akin.



"Okay. Basta after niyong kumain pumunta ka na sa photo shoot ah." Paalala ni Jin hyung sa akin. Tumango naman ako at naglakad na palabas sa dorm.




Sumakay na ako sa Van namin at nagpahatid sa Coffee shop na sinabi ni Faith sa akin. Umalis din kaagad yung van namin at bumalik doon sa dorm. Siguro sasakay na lang ako sa taxi mamaya papunta sa Venue ng photo shoot namin. Tumunog yung Bell sa Coffee shop at halos lahat ng tao na nandito ngayong umaga ay napatingin sa akin.




Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon