Chapter 1

43 5 6
                                    

Amethyst's POV

*one week before the incident happened in the bar*

Kakatapos ko lang kumanta sa isang wedding event. And I'm really worn out. Oo kumanta lang naman ako pero kasi hanggang reception nandoon ako. Iba kasi ang trip ng kinasal kanina. Pero sino ba naman ako hindi ba? Trip nila iyon kaya gagawin ko na lang ang trip nila. Makikisakay kumbaga.

After kong mag drive pauwi dito sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit dahil pupunta naman ako ng gig. Marami akong racket kahit na hindi naman na namin kailangan gawin 'yon. May business kami pero ayoko munang ihandle iyon. Gusto ko munang maexperience yung mga gusto kong gawin.

Lalo na ang pagkanta. Parehas kami ng passion at hobby ni Kuya. By the way, let me introduce myself to all of you... I'm Amethyst Quince Rodriguez. The one and only beautiful sister ni Ceiz Lian Rodriguez. Kilala niyo na siguro ang kuya ko? Siya yung vocalist nung banda na laging tumutugtog sa Padis Point at Hell's Lounge.

Pero hindi na siya dito nakatira kasama sila Dad at Mom. May sarili na siyang bahay. Actually mag kapitbahay nga sila ni Ate Wendy yung kakasal lang last year. Ang swerte nga ni Ate Wendy sa Asawa niya. Hindi lang hot, cute, handsome pero mapagmahal na lalaki. Tsaka grabe! Fan pa man din ako ng grupo nila. Siya din yung bias ko don e kaso wala happily married na siya.

Magaling siyang kumanta tapos ang galing din kumanta. Hays, grabe! Gusto ko rin magkaroon ng ganon na asawa. Yung tipong parehas kami ng mga hilig. Gusto ko may ka-jamming ako tapos gagawa kami ng kanta tapos gagawa din kami ng dance cover. Grabe!  Ang saya siguro nun.  If ever na mangyari yon.

Napabalik ako sa realidad ng bigla na lang makarinig ako ng malakas na busina sa likuran ko. Hutanes! Nakalimutan ko nga palang nasa kalsada ako ngayon papunta sa Bar na kung saan ako kakanta na naman ulit sa araw na ito.

Nang makarating na ako sa Angel's Bar ay nakasalubong ko naman si Tian ( pronounciation : sean) na kadarating lang din. Inakbayan ko kaagad siya at kinutungan. Ganyan lang talaga kaming dalawa magbatian.

"Andyan ka na naman pala babaeng sadista." Inis na sambit ni Tian sa akin. Tinawanan ko na lang siya. Actually babae si Tian okay? Ayaw niya lang yung pangalan niya kasi parang panglalaki.

"Tse! Bahala ka na nga dyan, Tian Chrise Mendoza." Natatawang Pangaasar ko sa kanya. Alam ko naman na ayaw niya talaga na sabihin ko yung Full name niya.

Hinabol ako ni babae at sinabunutan ng mahina. Yung tipong kunwari lang niya akong sasabunutan talaga.

"Porket ang ganda ganda ng pangalan mo, Amethyst Quince Rodriguez. Babaeng babae pero ang ugali panglalaki." Pangaasar din niya sa akin.

"Hindi kaya panglalaki ang ugali ko noh. Duh." Pagtataray tarayan ko sa kanya.

"Aba, taray ah. Ano ka chicks? Maarte? Brat? Bips di sa iyo bagay." Nakangiwing sambit sa akin ni Tian. Yuck, yan na naman siya sa Bips niya. Di ko talaga gets kung saan niya nakuha at natutunan iyang Bips na nickname na iyan.

"Alam mo... ang panget ng Bips. Saan mo ba nakuha iyan?" Tanong ko sa kanya. Inirapan lang ako ni Tian. Dukutin ko iyang mata niya dyan e.

"Alam mo pumasok na lang tayo ano? Tsaka walang pakialaman sa trip ko okay?" Kunwaring Inis siya sa akin. Natawa na lang ako sa kanya at pumasok na kaming dalawa.

Nag-ayos kaagad kami at tinest yung mga equipment kung maayos ba o kung may sira. Pagkatapos nun ay pumwesto na ako sa harapan dahil ako ang lead vocalist ng banda namin. Si Tian naman yung gitarista namin. Magaling din yan sa drums pero mas trip daw niya ang maging gitarista ngayon.

Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon