Amethyst's POV
Galing ako sa isang cake shop para bumili ng cake, of course! Para sana don kay Tian kasi BFF Anniversary namin. Usually ganon ang drama namin kapag Anniversary naming dalawa. Talo pa naman yung magjojowa sa mga pakulo namin. At dahil ang gusto ng Tian na babaitang iyon ngayon ay Sweet moment naman.
Kailangan ko daw bumili ng cake tapos magpipicnic kami. Oh diba, para kaming mag Jowa. Kulang na lang yung balloons and hanging pictures naming dalawa. Tsk tsk... kaya siguro wala pa siyang boyfriend ngayon kasi may gusto siya sa akin! Hutanes! 'Di pwede 'yon. Hindi kami talo! Tatanungin ko nga siya mamaya after ko ditong bumili.
Busy ako sa pamimili kung anong flavor ng cake ang bibilhin ko nang bigla ko na lang maramdaman yung paninitig sa akin ng lalaking katabi ko ngayon. Kaya naman Mataray ko siyang tinignan. Naka-mask na black at cap na black siya ngayon. Ayos din pormahan ng lalaking toh ah.
"Stop staring at me." Mataray kong saad sa kanya at tumingin ulit sa mga cake na nandito.
Ano kayang bagay na flavor ng cake ang pwede naming kainin ngayon ni Tian? Vanilla o itong Chocolate cake? Pwede rin naman itong ube or black forest. Hays ang hirap naman pumili. Halos lahat naman kasi nung mga flavor ng cake na nandito ngayon gusto ko. Tsaka hindi rin naman maarte sa cake si Tian.
Naramdaman ko naman na sobrang lapit na ng mukha naming dalawa nung lalaking nakatingin sa akin kanina. Sabay pa talaga kaming humarap at hutanes! Ang lapit ng mukha naming dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko ngayon. Shemay naman oh! Umayos ka nga dyan Amethyst!
Pero ang gwapo siguro niya kung wala siyang Mask na suot. Yung mga mata niya parang nakita ko na kung saan... pamilyar yung mga mata niya. Teka, parang nakita ko na nga iyon! Tapos parang nakatitigan ko na rin iyon dati kaso di ko lang maalala.
Dahil sa taranta ay napaayos ako nang tayo at sabay pili sa vanilla cake na nakita ko.
"A...e... Miss gusto kong kunin itong vanilla cake niyo. " Saad ko don sa babaeng nandito sa cashier.
"Ako rin Miss iyon din ang kukunin ko." Sambit naman nung lalaki sa tabi ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at masama ko siyang tinignan. Gaya gaya amp! Pwede naman ibang flavor ang piliin niya pero parehas pa talaga kami. Tsk. Maya maya pa ay dumating na yung babae at dala dala na yung box ng cake na inorder ko.
"Ma'am, ito na po yung vanilla cake niyo." Saad nung cashier sa akin at sabay abot ng bayad ko.
"Thanks. " Tipid kong saad at saka binitbit na yung binili kong cake sabay alis na doon sa cake shop na iyon.
Ewan ko ba kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko kanina. Habang naglalakad papunta sa kotse ko ay saka ko naalala kung saan ko nakita yung lalaking iyon. Tama! Nakita ko na siya sa Bar nung last time na nagkaroon kami ng gig! Akala ko malabong magkita ulit kami pero tignan mo nga naman oh, mukhang pabor pa sa akin si tadhana.
Pero bakit naman kami pagtatagpuin ulit ni tadhana? Ang Weird. Umikot na ako at pumunta na doon sa driver seat nang biglang huminto pa ako sa pagsakay dahil ewan ko.. may feeling ako na dapat tignan ko muli yung cake shop at nakita kong kakalabas lang nung lalaki sa cake shop dala dala na rin yung box.
Sino ka ba? Ang mysterious naman ng lalaking ito. Matapos ko siyang pasadahan ng tingin ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito.
"Hoy babae forty-five minutes late ka sa date natin ngayon! At ngayon lang talaga nangyari 'yon! Bakit ba natagalan ka ata ngayon? May nakasalubong ka sa daan no'? Gwapo ba? Panget? Hot? Cute? Ano? Kwento ka naman dali!" Nakangiting aso na sambit sa akin ni Tian. Inirapan ko naman siya at umupo na sa telang nakalatag ngayon.
BINABASA MO ANG
Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING
Fanfiction[BTS SERIES #5] "I want to make it with you, Amethyst. I want to be your number one fan and I want you to be my number one fan too. Just let me stay on your side and let me continue loving you even more..." - Jungkook Amethyst Quince Rodriguez is a...