Amethyst's POV
Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Jungkook mula sa likuran at sabay patong ng baba niya sa balikat ko. Nakatulala pa rin ako at hindi makapaniwala sa nakita ko. Birthday ko pala ngayon. Hindi ko na rin kasi naalala simula nung naging occupied ang isip ko sa mga nangyayari sa akin ngayon. Nakangiti lahat sila sa akin habang papalapit sa amin si Kuya Ceiz na may hawak hawak na cake.
"Happy birthday Princess." Nakangiting bati sa akin ni Kuya. Naramdaman ko naman ang pagkalas ni Jungkook sa pagkakayakap sa akin.
"Thank you, Kuya." Nakangiti ko ring sambit.
Narinig ko naman ang pagkanta nilang lahat ng birthday song habang pumapalakpak pa. Matapos non ay nagwish ako at saka hinipan ang candle sa cake. Matapos kong hipan ang kandila ay pinahiran ako ni Kuya ng icing sa mukha. Sinamaan ko siya ng tingin bago gumanti. Hanggang sa lahat kami ay nagpahiran na ng icing sa mukha. Habang nagpapahiran ang lahat ay kumuha ako ng isang slice at lumapit kay ilong ranger na nasa gilid at puno na rin ng icing ang mukha.
Habang papalapit ako ay nakatuon lang ang tingin niya sa akin. Nakapaskil naman ang isang mapaglarong ngisi sa aking labi. Nang makalapit ako ay pinahiran ko siya ng cake sa mukha. Nagulat pa siya sa ginawa ko at kaagad na hinawakan ang kamay ko.
"Ang pangit mo na ilong hahaha!" Natatawa kong kantyaw sa kanya.
"Ah ganon pala ha..." Sambit niya sabay pahid ng cake na galing sa mukha niya papunta sa mukha ko. Nagpupumiglas at umiiwas naman ako habang ginagawa niya yon.
"Madaya ka ilong!" Natatawa kong sambit sa kanya. Tumawa lang siya at matapos yon ay nagtawanan kaming dalawa.
"Hindi naman ako madaya ah, ikaw nga itong madaya kasi hindi naman cake ang pinahid ko sayo." Natatawa rin niyang sambit sa akin. Kunwari ay sinamaan ko siya ng tingin.
"Kung akala mo nakalimutan ko na yung nangyari sa ferris wheel pwes! Hindi pa rin ano!" Naiinis kong sambit sa kanya. Kumunot naman ang noo niya pero bago pa siya makahirit ay pinisil ko na yung ilong niya.
"Pero cease fire muna ngayon." Hirit ko pa. Ngumiti naman siya at sabay pisil din sa ilong ko.
"Ang sweet naman!" Kantyaw nila sa aming dalawa.
"Grabe ka maknae! Malaki ka talaga!" Naiiyak na sambit ni Jhope. Natawa naman kami sa kadramahan ni Hoseok.
"Huhuhu Joonie! Ayoko pang lumaki ang baby natin!" Drama din ni Jin sabay paypay sa mata niya. Kunwari ayaw tumulo yung luha niya.
Nakita kong napailing na lang si Yoongi sa nakita niya. Hinanap ko naman si Faith. Agad ko rin naman siyang nakita at nakatingin din pala siya sa amin. Nakita kong tumalikod siya at tinawag naman siya ni Tian. Lumingon tuloy ang lahat sa kanya pati na rin si Ilong.
"Claudette! Saan ka pupunta?" Tanong sa kanya ni Tian. Lumingon siya sa pinsan niya at nagulat siya na makitang nakatingin lahat kami sa kanya.
"Ah, pupunta lang ako sa restroom." Sagot niya sa tanong ni Tian. Tumango naman si Tian at back to normal na ulit ang lahat.
Lahat kami ay pumunta sa restroom para na rin maglinis at magpalit ng damit. Sobrang lagkit na rin kasi sa pakiramdam nung icing. Nang makapasok ako ay narinig ko si Faith na umiiyak sa isang cubicle. Kumatok naman ako at biglang tumigil ang pag-iyak niya.
BINABASA MO ANG
Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING
Fanfic[BTS SERIES #5] "I want to make it with you, Amethyst. I want to be your number one fan and I want you to be my number one fan too. Just let me stay on your side and let me continue loving you even more..." - Jungkook Amethyst Quince Rodriguez is a...