Amethyst's POV
Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. Hindi ako sanay sa kung ano man na nangyayari sa akin ngayon. Nasa bahay lang ako as usual, ang boring na ng buhay ko. No more gigs, no more public life. Nasa garden lang ako at nakatingin lang sa mga roses ni Mom. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Pang-ilan na nga bang buntong hininga ko na nga ba ito? Hindi ko na mabilang.
"Miss Amethyst may bisita po kayo." Anunsyo nung isa naming bodyguard.
"Okay, salamat." Sagot ko. Tumango na lang ito at umalis na. Nagdadalawang isip pa akong pumasok at harapin ang bisita ko.
Pero wala din akong nagawa kundi ay pumasok sa loob at harapin ang bisita ko ngayon. Nakita ko ang isang pamilyar na katawan na nakaupo sa sofa namin ngayon. Nakatalikod siya pero kilalang kilala ko na kaagad kung sino ang bumisita sa akin ngayon. Lumapit ako at nakangiting lumingon sa akin. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya ay hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya.
"Woah! Ang laki laki mo na!" Manghang sambit ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Yeah, malaki na ako ngayon Noona." Pagmamalaking sambit niya sa akin. Nakangiti pa rin siya sa akin habang ako hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko.
"Grabe, parang nung last time na nakita ko hindi ka pa naman ganyan kagwapo. Hindi ka pa rin ganoon kataas." Pagpuri ko sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Pati tawa niya at boses niya naging manly na rin.
"Well, everything has changed, Noona." Napatango naman ako sa sinabi niya.
"You know what Draven ang isang bagay lang na hindi pa rin nagbabago sayo ay yung buhok mo. I thought you will change also your hairstyle pero hindi e, ganon pa rin." Sambit ko sa kanya. Nakita ko naman na ginulo niya ang buhok niya.
"Ayan Noona iba na yung ayos ng buhok ko." Natawa naman ako sa ginawa niya. Lumapit ako sa kanya at inayos ulit ang buhok niya.
"Kahit ano naman style ng buhok mo bagay sayo. Teka, bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.
"I'm on a vacation Noona at hindi mo ba alam na miss na miss na kita kaya bumisita ako ngayon." Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Miss ko na rin sila Arleigh at Lennon." Nakangiti kong sambit. Nakita ko naman na nagpout siya sa narinig.
"Bakit sila Noona lang miss mo? E, ako hindi?" Nakapout pa rin na sambit niya. Kinurot ko naman ang pisngi niya. Isip Bata pa rin kahit kailan.
"Isip bata ka pa rin kahit kailan." Natawa na lang kaming dalawa.
Nagpaluto ako kay Manang Luz ng pagkain naming dalawa ni Draven. Habang naghihintay kami sa pagkain ay kung ano ano din ang pinag-usapan naming dalawa. Nasa Korea kasi sila nakatira ngayon at doon din siya nag-aaral. Siguro semestral break nila ngayon kaya nandito siya. Kumain din kami at pagkatapos non ay pumunta kami sa living room. Nagulat naman ako nandoon si Jungkook ngayon at nakaupo sa sofa. Himala nandito na naman siya. Naging busy kasi sila lately kaya di kami nagkakausap or di siya bumibisita dito.
Nakita kong nakatingin siya ngayon sa katabi ko. Iba ang tingin na binabato niya sa kasama ko. Tumingin naman ako kay Draven at nakatingin din siya kay ilong ranger. Masama ang palitan nilang dalawa ng tingin.
BINABASA MO ANG
Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING
Fanfiction[BTS SERIES #5] "I want to make it with you, Amethyst. I want to be your number one fan and I want you to be my number one fan too. Just let me stay on your side and let me continue loving you even more..." - Jungkook Amethyst Quince Rodriguez is a...