Amethyst's POV
"Hoy! Ako ang nanalo kaya akin na iyang premyo ko!" Sigaw ng lalaking kalaro ko.
I'm in a bar and I met a guy who's willing to play a game with me tonight. And guess what, we played a game Na Alam kong mananalo ako. I'm a hard drinker and this stranger guy is not.
"Lasing ka na. Tsaka for your information Mister, ako yung nanalo at ikaw yung talo." Nakangiting saad ko sa lalaking pulang pula na ang mukha sa sobrang kalasingan.
"Nope. Hindi ishkaw ang phanalo noh! Ako! Kashi sabi ko diba kung sino unang malashing shiya panalo! Hehehe... so it means I'm the Winner!" Lasing na paliwanag ng kausap ko.
Napasampal naman ako sa noo ko dahil hindi ko naalala yung sinabi niya. Shock! Ibig sabihin natalo ako?! Imposible! Wala pang nakakatalo sa akin except kay Kuya Ceiz. P-pero.. grabe. Paano ko ba nakalimutan yung simpleng Game instruction na iyan?! Aish!
"Tsk. Fine you win." Inis na sambit ko. I don't know why I suddenly put my pride down for this guy.
"Yesh! Oh kay... let's meet up sa bighit." Nakangiting sambit nito.
"Bighit?" Takang tanong ko sa kanya. E, doon din sa Entertainment na iyon yung asawa ni Ate Veronica.
Tinignan ko ng mabuti yung lalaking kausap ko. Nakashades at cap siya at medyo madilim ang parte na ito kaya di ko masyado siyang mamukhaan. Lumapit ako sa kanya at napasandal naman siya sa kinauupuan niya. Tinanggal ko yung shades niya at yung cap niya.
Nagulat ako nang makilala ko kung sino ang lalaking ito. It's Jeon Jungkook the golden maknae. Pero akala ko ba ayaw ni Jin na painumin si Jungkook pero bakit nandito ito ngayon? Umalis ako sa pagkakalapit ko sa kanya pero bigla niya akong hinila kaya naman ay napasandal ako sa dibdib niya.
"H-hey... b-bitaw!" Pagpupumiglas ko pero ayaw niya akong bitawan at niyakap ako lalo.
"Let's just... stay like this for a moment... I missed hugging you... Faith." Nagulat na lang ako sa narinig kong sambit nitong lalaking ito.
Ang bilis ng tibok ng puso ko pero sandali lamang ay napalitan ng kirot. Pero bakit? Bigla ko na lang siyang tinulak at nakawala ako sa pagkakayakap niya.
"Lasing ka na talaga... teka tatawagan ko lang si Jin para sunduin ka na nila." Sambit ko sa kanya. Iniwan ko muna siya doon at alam kong di namna siya aalis doon dahil sa sobrang kalasingan. Pero bago ako umalis ay isinuot ko ulit yung shades at cap niya just in case Na may makakilala sa kanya.
Pumunta ako sa restroom at nag sarado ng cubicle. Dinial ko kaagad ang Number ni Jin na nakuha ko noong kasal nila Ate Veronica. I'll explain later Kung paano ko nakuha as for now kailangan ko siyang tawagan.
[Hello? Who is dis?] Sambit ni Jin na nasa kabilang linya.
"Ako to si Amethyst yung wedding singer sa kasal nila Veronica at Jimin last year. Kaya ako napatawag dahil nandito ngayon sa Bar na ito si Jungkook at sobrang lasing na siya. Pwede niyo ba siyang sunduin?" Diretsong sambit ko. Narinig ko naman ang maingay na Background siguro nasa dorm na sila at itong si Jungkook nandito naman sa Bar.
[ANO?! NASA BAR SI JUNGKOOK?! OMYGAD!----- GUYS! LET'S GO! PUPUNTA TAYO NG BAR!] nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko nang bigla na lang sumigaw si Jin. Grabe makasigaw ang lalaking ito.
"Hey Jin, I'll text you the address and the name of the bar." Sambit ko sa kanya.
[OKAY.] Rinig Kong sigaw ulit ni Jin kaya naman ay pinatay ko na kaagad ang tawag.
Lumabas na ako ng restroom at tinext kaagad kay Jin ang address at pangalan ng bar na ito. Binalikan ko namna yung table kung saan nakaupo si Jungkook. Nakita kong nakasandal pa rin ito sa upuan at tinignan ko ng mabuti. Tulog na ba toh? Siguro kasi lasing na lasing na ito.
Pero akala ko lang tulog na siya pero hindi pa pala! Nakita kong tumayo siya at pasuray suray ang lakad niya papunta sa direksyon ng restroom. Agad ko naman siyang inalalayan.
"Tsk.. iinom inom hindi naman pala kaya." Yamot kong saad sa kanya.
Habang nakaalalay sa kanya ay bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Bigla niyang binaba yung ulo niya sa may dibdib ko at nanlalaki ang mga mata ko sa gagawin niya. Itutulak ko na siya ng bigla na lang siyang sumuka. UGH! Kadiri! Dugyot naman!
Matapos niyang sukahan ako ay ngumiti pa ang loko. Bwiset kung hindi lang siyang lasing baka nasapak ko na siya ngayon.
"Maknae!" Rinig Kong sigaw ni Taehyung sa hindi kalayuan. Maya maya pa ay may tumapik sa balikat ko at pagtingin ko si Rapmon pala ito.
"Thank you sa pag alaga mo sa kanya." Sambit nito sa akin sabay alalay na kay Jungkook.
"Aish,sorry kung nasukahan ka pa niya. Tara, doon ka na sa Van at sumabay ka na sa amin." Nakangiwing sambit ni Namjoon sa akin. Kadiri naman kasi ang ginawa ng lalaking iyan sa akin.
"No need, may sasakyan naman akong dala." Pagtanggi ko sa alok niya. Buti na lang talaga may pamalit akong dala dahil na rin may gig kami kanina.
"Sige, mauna na kami." Paalam ni Namjoon. Pero hindi pa sila nakakaisang hakbang nang biglang magsalita si Jungkook.
"W-wait Hyung..." Sambit nito kay Namjoon at tumigil naman sila. Inalis nito ang pagkakaalalay sa kanya at lumapit sa akin.
"I-i... Love you... *hik..." Lasing na sambit niya sa akin sabay halik sa akin.
WHAT THE..... hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla. Hutanes! Fudge! Piste! Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa ng lalaking ito sa akin. Parang naistatwa ako bigla dito at hindi makagalaw. Bwiseeeeet! Matagal ang paghalik niya sa akin at maya maya ay humiwalay na rin siya.
Tinignan niya ako diretso sa aking mga mata. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Natameme ata ako. Gaig! Umayos ka nga Amethyst!
"I... Love you... Faith. I... really love you..." Huling sambit nito bago mawalan ng malay sa sobrang kalasingan. Buti na lang bago toh magcollapse sa harapan ko ay nasalo kaagad ito ni Namjoon.
Tulala lang ako hanggang makaalis na sila. Napahawak ako sa mga labi ko at putik! Naalala ko yung paghalik nung lalaking iyon. Sinampal ko ang sarili ko at doon lang ako natauhan.
Dumiretso na ako sa parking lot ng bar at sumakay sa kotse ko. Shit! Yung damit ko pa pala ang baho ko. Nagpalit ako kaagad ng damit at nag drive na pauwi.
bwiset ka Jeon Jungkook! Ano bang ginawa mo sa akin para maramdaman ko toh?! Hutanes! Napahampas na lang ako sa manibela ng kotse ko. Hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko yung halik na ginawa ng lalaking iyon.
Once our path crossed again... I'll surely win the game this time. Babawi ako! Hindi pwedeng manalo ka Jeon Jungkook. I'll win this time. I will never concede defeat.. I'll win this.
Amethyst Quince Rodriguez never lose in any type of game even in this so called love. Too bad, you Jeon Jungkook will be the one to concede not me. Ikaw ang matatalo at hindi ako. Hindi pa pinapanganak ang makakatalo sa akin. *smile sweetly*
________________________________
Author : YOW! WELCOME SA BTS SERIES NO. 5! OH YEAH! SISIMULAN KO NA ANG PANGLIMANG SERIES AND YES! SI JUNGKOOK NA! HELLO SA MGA NAG-ANTAY! OH ETO NA! Patikim pa lang toh Guys.by the way, sorry kung panget yung prologue... hehehe peace tayo! Soon to be publish ang chapter 1! Kita kits sa next update! Bye!
NOTE : No PLAGIARISM! BAWAL NA BAWAL OKAY?!
Vote and comment!
BINABASA MO ANG
Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING
Fanfiction[BTS SERIES #5] "I want to make it with you, Amethyst. I want to be your number one fan and I want you to be my number one fan too. Just let me stay on your side and let me continue loving you even more..." - Jungkook Amethyst Quince Rodriguez is a...