Chapter 11

22 4 0
                                    

Amethyst's POV

Nakauwi na ako sa bahay pero pinadalhan ako ng bighit ng mga bodyguards at may hinire din pala sila Mom and Dad na mga bodyguards para dito sa bahay.  Tapos pinagbawalan na rin nila ako na pumunta sa public places nang hindi nakadisguise at walang bodyguards. Since instant celebrity kaagad ako bawal na rin tuloy akong tumugtog dahil sikat na sikat na ako. Baka dumugin ako or ang mas malala ay saktan ako lalo na at marami pa ring galit sa akin.

Kahit anong galit nila wala silang magagawa as if naman na sa mga pambabash nila ay pakinggan sila ng management. Tsaka kung pinakinggan sila edi sana wala ako ngayon sa posisyon na ito. I feel like I'm a bird with no freedom. Bigla na lang akong nawalan ng kalayaan.

Nakaupo lang ako ngayon sa sofa dito sa living room at pilit na panoorin yung movie kaso wala akong maintindihan. Bored na bored na ako ngayon! Dati nagagawa ko pa kung anong gusto ko, e ngayon wala na! Mabubulok na lang ako dito sa loob ng bahay.

"Ma'am Amethyst may bisita po kayo." Nakangiti pa si Nanay Doreng. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni nanay Doreng. Wala naman akong bisita ngayon ah?

"Sino ba iyang bwisita Nanay Doreng?" Mataray kong tanong kay Nanay Doreng. Hindi na nakapagsalita si Nanay Doreng dahil bigla na lang sumulpot sa pintuan yung lalaking may malaking ilong.

"Ay, Nanay Doreng dapat di po kayo nagpapapasok ng kung sino sino." Pagmamataray ko. Ngumiti na lang so Nanay Doreng sa akin at nag-exit na.

Lumapit naman sa akin si ilong ranger at nakashades pa siya. Mukha bang may araw dito sa loob ng bahay namin para magshades pa siya? Tsaka hindi rin naman siya bulag. Tinarayan ko siya at inilipat ulit ang tingin sa television. Nakikita ko sa peripheral vision ko na umupo ang loko sa tabi ko kaya naman ay napalingon ako sa kanya. Tinanggal na niya yung shades niya at nakatingin na sa akin ang mga mata niya.

"Bakit ka dito umupo?" Pagmamataray ko pa rin. Basta naiinis ako sa pagmumukha niya. Ayokong nakikita ang malaki niyang ilong dahil naalala ko lang yung dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

"Baby ko dito ako uupo dahil gusto ko magkatabi tayo." Sweet niyang sagot sa akin. Sarap tirisin ng ilong niyang malaki. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.

"Hoy, Jeon Jungkook paalala ko lang ha, walang media ngayon sa harap natin kaya huwag mong magamit gamit yang lintek na endearment na iyan. Tsaka ang cringey sa totoo lang." Nandidiri kong sambit sa kanya. Ngumisi pa siya lalo sa akin. Mukhang timang lang. Nasisiraan na ata ito ng utak.

"But what if I want to say it?" Panghahamon niya sa akin.

"Alam mo lakas ng amats mo. Tsaka bakit ka ba nandito?!" Galit na sambit ko sa kanya. Iniwas ko na ulit ang tingin sa kanya at umusog nang kaunti palayo sa kanya.

"Free time ko ngayon at alam ko naman na bored ka na kaya I'm here to offer you a date." Confident na sagot niya. Nilingon ko ulit siya at tinignan kung nantritrip ba siya.

"Date? Ayoko nga." Mabilis kong sagot sa kanya. Tsaka duh, ayoko makadate siya.

"Well, ayoko man gawin ito pero wala akong choice." Rinig Kong sambit niya.

Maya maya pa ay naramdaman ko na lang na pasan pasan na niya akong parang bigas. Pinasusuntok ko ang likod niya at pilit na kumakawala sa pagkakapasan niya sa akin. Bwiset ka talaga Jeon Jungkook! Sinisigawan ko rin siya pero para siyang bingi. Hanggang sa itapon niya ako papasok sa loob ng van nila. Sinarado niya kaagad yung pintuan at umandar din kaagad ang van.

Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon