Jungkook's POV
Naging busy na talaga kami at hindi ko na rin masyadong napagtutuunan ng pansin ang mga nangyari last last week. Hindi ko pa rin nakakausap si Faith. Siguro kakausapin ko na lang siya kapag may free time na kami. Sobrang hectic talaga ang schedule namin. Maraming projects at events ang kailangan naming gawin.
Kakatapos lang namin pumunta sa isang fan sign event at pauwi na kami ngayon. Pagod na pagod talaga kaming lahat. Si Jimin hyung kausap si Veronica noona sa kabilang linya. Si Taehyung hyung ka-face time si Ylise noona at yung mga anak nila. Si Yoongi hyung busy sa pagmemessage kay Sisa. Si Hobi hyung naman ayon kain lang ng kain na pinabaon sa kanya ni Wendy noona. Si Jin hyung naman ay nagpopost na sa twitter account namin at si Namjoon hyung naman ay naka-earphone habang natutulog.
Naiinggit ako kila Taehyung hyung na mahal na mahal sila ng taong mahal nila. Siguro kung hindi ko nakita yung mga eksena na iyon siguro okay pa kami ni Faith at hindi ako nasasaktan ngayon. Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko nagbabaka sakaling may message o tawag man lang si Faith sa akin pero wala. Kahit isa wala pa rin.
Ano bang nangyayari sa iyo Faith? Ano bang mayroon siya na wala ako? Hindi pa ba ako naging sapat? Kung kaya ko lang talikuran ang career ko para sa iyo ay matagal ko nang ginawa pero kasi ito ang gusto ko at ayokong masayang ang narating ko na sa buhay. Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa.
Kailangan ko nang isuko siya at tanggapin na lang ang lahat. Kahit ano naman gawin ko wala na akong magagawa. Pagkauwi namin sa dorm ay nagpaalam ako kila hyung na pupunta muna ako sa isang Coffee shop pero ang totoo ay pupunta ulit ako doon sa bar kung saan lagi kong napapanood na kumakanta si Amethyst.
Dati naman hindi ako pumupunta sa bar kasi hindi naman ako umiinom pero simula nang marinig kong kumanta si Amethyst lagi na akong ginaganahan na pumunta doon para lang makita at marinig siyang kumanta. Hindi ko alam kung bakit ako nahumaling sa kanya. Wait... nahumaling?! Tumigil ka nga dyan Jungkook.
Hindi ka pwedeng pumasok ulit sa isang relasyon kung alam mo naman na umpisa pa lang masisira din naman kaagad. Tigilan mo muna ang magmahal ng iba. Hindi ka pa handa para dyan. Hindi ka pwedeng manggamit ng isang tao para lang pagtakpan ang nararamdaman mo para sa dati mong mahal. Hindi ka pwedeng humanap nang gagamitin mong rebound.
Pumwesto na ako sa lagi kong spot tuwing tumutugtog ang banda nila. Nasa harapan ako para makita ko talaga siya ng maayos at malapitan. Nag-aayos pa lang sila nang makarating ako. Amethyst pala ang pangalan ng babaeng palagi kong pinapanood, minsan ko na ring nasilayan ng malapitan at nakainuman pa.
Medyo marami na ring tao ngayon pero wala naman nakakakilala sa akin dahil nakadisguise ako ng mabuti. Mahirap na baka dumugin ako. Okay na ang lahat at nagsimula nang tumugtog ang instrumento. Nakahanda na rin si Amethyst sa pagkanta.
Now playing : All You Had To Do Was Stay by Taylor Swift.
People like you always want back the love they gave away
And people like me wanna believe you when you say you've changed
The more I think about it now the less I know
All I know is that you drove us off the roadUnang stanza pa lang ng kanta ay bigla na lang akong tinamaan. Malungkot ang kanta na kinakanta ni amethyst. Hindi ko alam kung bakit nahihimigan ko sa boses niya ang lungkot siguro dahil kailangan niyang ipadama sa mga nakikinig na malungkot talaga ang kanta.
Stay, hey, all you had to do was stay
Had me in the palm of your hand
Then, why'd you had to go and lock me out when I let you in
Stay, hey, now you say you want it
Back now that it's just too late
Well could've been easy
All you had to do was stay
BINABASA MO ANG
Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING
Fanfiction[BTS SERIES #5] "I want to make it with you, Amethyst. I want to be your number one fan and I want you to be my number one fan too. Just let me stay on your side and let me continue loving you even more..." - Jungkook Amethyst Quince Rodriguez is a...