Chapter 7

21 4 0
                                    

Amethyst's POV


Hindi ko talaga alam ang buong nangyari sa buhay ni Jungkook. Hindi ko talaga alam kung anong ginawa niya sa condominium building na iyon dito sa may BGC. Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinundan after niyang manood sa pagkanta ko. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko na alukin siya ng sakay ngayong gabi.


Ano bang pumasok sa isip ko para tulungan ang parang walang buhay na Jeon Jungkook? Para na siyang tinanggalan ng buhay sa lagay niya ngayon. Nakatingin lang siya sa akin after kong sabihin sa kanya at alukin siya ng sakay. Walang buhay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.


"Jungkook? Hello? Nandyan ka pa ba? Earth to Jungkook!" Kumakaway na ako sa harap niya pero tanging pag kurap ng mata niya ang ginagawa niya. Ano bang nangyari sa lalaking ito?


Sinapok ko naman siya para naman bumalik na siya sa wisyo niya. Bumagsak siya sa malamig na semento. Napaagik naman siya sa sakit dahil sa ginawa ko. Tignan ko lang kung hindi ka pa bumalik sa wisyo mo.


"Ano hindi ka pa ba sasagot sa akin?! Aba willing akong ulitin ang ginawa ko para bumalik ka lang sa wisyo mo!" Nakapameywang pa ako habang sinisigawan si Jungkook na nakatumba pa rin.


Tumayo naman siya at sabay pagpag ng dumi na kumapit sa damit niya. Kung tutuusin hindi naman makikita yung dumi dahil gabi at lalong lalo na dahil itim ang outfit for the day ng lalaking ito. Ano kayang pumasok sa isip niya para magsuot ng ganyan.


"Ang lakas mong manapak." Sambit niya. Ngumising aso lang ako sa kanya at nakapameywang pa rin.


"HA HA HA.. oo magaling akong manapak lalo na sa mga lutang Ang isip. "Sambit ko sa kanya. Aba tinuruan ata ako ni Kuya na manapak just in case lang naman na mabully or may manghablot na lang sa akin bigla.  




"Ah, sige. Mauna na ako sa iyo Amethyst." Pagpapaalam niya sa akin. Kaagad ko naman hinawakan braso niya at napatigil siya sa paglakad palayo sa akin.



"Hindi ka uuwi ng mag-isa. Remember inalok kita kanina." Hinila ko na siya papasok sa passenger seat ng Aston Martin ko.



Wala naman siyang imik pagkatapos kong gawin iyon. Naging tahimik ang biyahe namin pero as always na stuck na naman ako sa traffic. Kahit naman gabi may traffic. Pasado alas syete na ng gabi. Karamihan sa oras na ito maraming umuwi galing sa mga trabaho nila kaya may traffic pa rin pero kung mga bandang alas nuwebe ng gabi mabilis na ang takbo ng mga sasakyan kaya mabilis na ang biyahe.


Binuksan ko yung radio ng sasakyan ko para naman hindi boring sa loob. Hindi kasi nagsasalita ang kasama ko dito sa sasakyan. Tsaka tuwing umuuwi naman ako lagi akong nagpapatugtog ng music lalo na kapag traffic.



(Now playing : It's Your Eyes I See by Hanne Leland)



As the waves of the oceans are roaring tonight
I see you in slow motion inside of my mind
Are you cold and alone sinking down in the deep
In the eye of the storm I pray your soul to keep




Hindi ko alam kung bakit ganyan ang kanta ngayon sa radio. Siguro may nagrequest ng malungkot na kanta. Tamang Tama tuloy ngayon sa kasama ko. Wala pa rin Naman siyang imik.


Don't know where you are
If you're near or far
But you're here inside
When I close my eyes




I tried to sing along with the music being played in the radio right now. Nakita ko Naman sa peripheral vision ko na napalingon sa akin si Jungkook. Dahil traffic Naman ay lumingon ako sa lalaking katabi ko.



Every night I lay down imagine you next to me
It's your eyes I see
It's your eyes I see
There's no rest in my sleep cause you're there in my dreams



Nagulat siya nang magtama ang mga mata naming dalawa. Kumakanta pa rin ako kasabay ng kanta sa radyo. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

It's your eyes I see
Looking back at me
Haunting


"Please stop..." Malungkot at walang buhay na utos ni Jungkook.



Tumigil Naman ako at pinatay ko na rin Ang radyo. Nagsimula na ulit umusad ang mga sasakyan kaya Naman ay Hindi na ulit kami nagkausap. Naging tahimik ang buying biyahe. Nakarating na rin kami sa dorm nila. Bumaba na siya at ganoon din ako. Nakita ko Yung mga kagrupo Niya na nakaabang sa lobby.



Nang makita nila si Jungkook ay kaagad Naman silang nagsilapitan sa kanya. Nakita ko rin si Ate Veronica na katabi Ang Asawa Niya. Ganoon din Ang best friend niya na si Ate Ylise. Nandoon din si Ate Wendy na kapitbahay namin.



"Saan ka ba nagpunta? Sabi mo pupunta ka lang ng coffee shop pero nilibot na namin ang mga malalapit na coffee shop dito Hindi ka pa rin namin nakikita! " Galit na sambit ni Jin sa lalaking walang imik pa rin. Nakatungo lang siya at Hindi man lang sumasagot.




Lumapit Naman ako sa kanila at natigilan sila nang makita nila ako. Tinignan ko muna sandali si Jungkook at saka tumingin sa kanilang lahat.



"Sa tingin ko bukas niyo na lang siya kausapin kasi mukhang pagod na siya." Sambit ko sa kanilang lahat. Nakatingin lang silang lahat sa akin.




"Himala.. nandito ka Amethyst." Saad ni Ate Veronica sa akin. Ngumiti Naman ako sa kanya.




"Nakita ko kasi si Jungkook kanina nang pauwi na ako. Kaya naman sinabay ko na siya." Sambit ko.




"Salamat sa paghatid sa bunso namin." Nakangiting Saad ni Jin sa akin.




"Tara na kookie pasok na Tayo sa room natin." Anyaya ni Hoseok Kay Jungkook. Akala ko susunod na siya kay Hoseok pero Hindi pala. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. Kaya Naman ay natigilan si Hoseok sa paglakad.





"Anong problema maknae?" Tanong Naman ni Taehyung. Umangat ang ulo Niya at nagulat ako nang magtama ang mata naming dalawa sa pangalawang beses.





"Pwede bang dito ka muna magstay Amethyst?" Tanong sa akin ni Jungkook. Natigilan namna ako at Hindi ko alam ang sasabihin ko.




Tumingin ako sa mga taong nakarinig ng mga sinavi Niya sa akin. Nagulat din sila sa tanong ni Jungkook. Kahit sila ay nakatingin rin sa akin ngayon at naghihintay nang isasagot ko. Anong gagawin mo ngayon Amethyst? Papayag ka ba? Tsokolateng malagkit Naman oh! Ano ba itong pinasok ko?




Gusto ko lang Naman gawin ay alukin siya ng sakay at pagkatapos ihahatid ko siya. Tapos magpapaalam at uuwi na pero mukhang hindi sumusunod sa Plano ang nangyayari ngayong gabi. Dapat pala Hindi ko na lang siya sinundan at Hindi ko na lang pala dapat siya inanyaya ng sakay.





Aish! Papayag ka ba Amethyst o Hindi? Ano sagot! I take a deep breath before answering his request. Tumingin din ako sa kanya at saka sinabi Ang sagot ko...






"Sige... Dito muna ako mananatili ngayong gabi. Ngayong gabi lang ah!" Sagot ko. Nakita ko Naman na ngumiti si Jungkook sa sagot ko.





Heto na naman ang pagbilis nang tibok ng puso ko. Puso kalma! Ano ka ba naman! Huwag kang magharumentado! Huwag kang kiligin!






Fvck this sh*t.







_____________________________

Author : Ano bang mangyayari sa new couple natin? May mangyayari ba ulit na kissing scene o lovey dovey scene? Anong mangyayari kay Jungkook? Abangan! I hope you enjoy this chapter!




Vote and comment! ♥️

Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon