Amethyst's POV
Isang linggo na rin ang nakakalipas ng magstay ako doon sa dorm ng Bangtan dahil sa request ni Jungkook. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin ng mga sandali na iyon na pumayag sa alok niya. Dapat nag-iisip na ako ngayon ng paraan para magantihan siya at hindi yung iniisip ko yung kalokohan na ginawa ko.
Walang akong gig ngayon dahil may ibang banda na tutugtog mamayang gabi kaya naman nandito ako sa isang cafe dahil tinawagan ako ni Tian na magkita daw kami ngayon dito. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin. Tsaka malimit lang kung mag-alok siya ng ganito sa akin.
Habang naghihintay sa pagdating ni Tian ay nagscroll muna ako sa Twitter account ko. Nagulat ako nang makita ko yung isang Twitter post. May mga nagreply na rin sa tweet nung taong nagpost nito. Hindi ako makapaniwala sa nakikita at nababasa ko. Karamihan sa mga reply ay mga masasama at may ibang nagmumura pa. May iba naman na nagulat at may ibang masaya.
Nagulat naman ako ng biglang tapikin ni Tian ang balikat ko. Umupo na siya sa upuan na nasa tapat ko. Binaba at sinarado ko muna ang cellphone ko.
"Nakita mo na siguro?" Tanong sa akin ni Tian. Tumingin ako sa kanya at tumango.
"H-how come na ganito na karami ang nakakaalam habang ako hindi ko man lang nalaman!?" Gulat at hindi pa rin makapaniwala na sambit ko.
"Kasi you've been busy lately. Hindi mo man lang chinika sa akin na may boyfriend kang idol!" Nagtatampong sambit ni Tian sa akin. Masama ko siyang tinignan.
"Wala akong boyfriend at higit sa lahat wala akong boyfriend na idol!" Mataray na sambit ko kay Tian. Ngumisi naman ng nakakaloko ang loka loka.
"Well, sa tingin ko magsimula ka ng magsuot ng shades at cap." Suggestion ni Tian sa akin habang lumilingon lingon sa paligid.
Napagaya din tuloy ako sa ginagawa niya at napansin kong may mga babaeng nagbubulong bulungan sa kanan namin at may iba naman na napapasulyap na tumingin sa phone na hawak sabay tingin ulit sa gawi ko.
Ang creepy... Hindi ako sanay ng ganito. Iniwas ko na ang tingin ko at tinignan na lang ang menu na nakalagay dito sa table namin. Gusto kong takpan ang maganda kong pagmumukha dahil may mga nararamdaman akong nakatingin sa akin at hindi lang simpleng tingin kundi may mga masasamang tingin na pinupukol sa akin.
"Alam mo Amethyst, Tara na. Heto suotin mo 'tong cap at shades na binili ko kanina bago ako pumunta dito. Akala ko kasi aware ka! Buti na lang talaga nagdala ako nito." Sabay hila sa akin ni Tian palabas doon sa cafe na iyon.
Narinig ko naman ang pagbukas din ng pintuan ng cafe na nasa likuran na namin.
"HOY BABAENG HIGAD! WALA KANG KARAPATAN NA MAGING GIRLFRIEND NI JUNGKOOK!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga babae na nasa cafe din. Hindi ko maiwasang lingunin ang walang kwentang nagsabi sa akin non.
"Ano ba Amethyst! Tara na! Huwag mo na silang patulan!" Hinihila ako ulit ni Tian paalis sa mga fangirl nung bwiset na Jungkook na 'yon. Pero ibahin niyo ata ako. Hindi ako mananahimik na lang samantalang sila iniisip na loser ako dahil hindi ko sila kayang patulan.
"Ayokong umalis na lang dito habang hindi ko nasasampulan ang mga makikitid na isip ng mga babaeng ito." Naiinis na sambit ko. Hindi na ako napigilan ni Tian at nanatili na lang sa tabi ko.
Mataray akong tinignan nung mga babaeng patay na patay sa ilong na iyon. Hindi ba nila alam na sa inaakto nila pinapakita lang nila kung gaano sila kababa at sobrang OA? Pinapakita din nila kung gaano katoxic ang fandom nila. Poor little girls... Tsk tsk. Their dragging their idols down dahil sa sobrang protective at possessive nila.
"Woah, palaban." Manghang sambit nung babaeng nakaeye glasses na katabi nung babaeng nakapameywang at mataray na tinitignan ako.
"Alam mo huwag kang assuming. Hindi porket nakasama ka lang ng idol namin ay feeling girlfriend ka na! May paghatid at sundo ka pa sa dorm nila! Tsaka huwag ka ngang feelingera na magtatagal kayong dalawa dahil dadaan ka muna sa amin!" Sambit nung babaeng mataray ang tingin. Nginisian ko lang siya.
"Baka ikaw ang feelingera at assumera, alam mo ba kung bakit? Well, let me tell you girl. Feelingera ka kasi feeling mo mapapansin ka ng idol mo. Assumera ka rin dahil assume ka ng assume na magiging kayo or may relationship kayong dalawa. Well, sorry ka na lang ako yung napili ng oppa mo at nakalapit din ako sa kanya. Poor you, hanggang pangarap na lang. Hanggang tingin ka na lang sa malayo while me... I'm free to be closed to him or even talk to him. I'm so lucky ano?" Mapangasar na sagot ko sa babaeng kaharap ko. Susugurin niya sana ako kaso pinigilan siya ng mga kasama niya.
"Ano ba marise! Tama na!" Sambit nung mga pumipigil sa kanya.
"SISIGURADUHIN NAMIN NA HINDI MAGIGING KAYONG DALAWA! DAHIL WALA KA SA KALINGKINGAN NILA YLISE, VERONICA, SASHY AT WENDY! HINDI KAMI PAPAYAG AT HINDI KA KARAPATDAPAT KAY JUNGKOOK!" galit na sigaw nung babae. Ngumisi lang ako at nagcross ng arm.
"Oh? Iba kasi ako sa kanila tsaka hindi ka naman ang magdidikta kung para ba talaga kami sa isa't isa. Tsaka ikaw ba si Jungkook? Hindi naman diba?" Pangaasar ko pa Lalo sa kanya.
"Sorry po Miss. Pasensya na po sa inak---" isang babae ang lumapit sa akin at humihingi ng tawad about sa sinabi nung kasama nila kaso biglang nakawala yung Babae at hinigit Ang buhok ko. Nagkagulo na dahil nagsabunutan kaming dalawa. Maraming umaawat pero may ibang sumugod din.
"STOP!" Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Biglang napatigil ang lahat at napaangat ang tingin ko sa lalaking nakaharang na sa akin.
"J-jungkook?!" Hindi makapaniwalang sambit nung Isa sa kanila.
"O-oppa..." Sambit pa nung iba.
Humarap sa akin si Jungkook at inalok ako. Nakatingin lang ako sa kanya at sa kamay niyang nasa harap ko. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Pero bago pa ako makagalaw ay bigla na lang niya akong binuhat na parang bagong kasal.
Gulat pa rin ako sa nangyayari at masakit ang anit ko at ang buong mukha ko dahil hindi lang sabunot kundi sampal at kalmot din ang naranasan ko. Grabe ang mga fangirls ng ilong ranger na Ito. Ang brutal nilang lahat. Ayaw tanggapin na may babaeng magiging kaclose ang idol nila. Hindi ko ata kakayanin ang ganito baka mamatay kaagad ako ng maaga dahil sa ganito. Tsaka tumigil ka ng dyan amethyst! Hindi naman magiging kayo ni Jungkook kaya hindi mo mararanasan ulit Ito.
Well, thank you Jungkook... You are my life saver for this day.

BINABASA MO ANG
Make it with You | JUNGKOOK | ON-GOING
Fanfiction[BTS SERIES #5] "I want to make it with you, Amethyst. I want to be your number one fan and I want you to be my number one fan too. Just let me stay on your side and let me continue loving you even more..." - Jungkook Amethyst Quince Rodriguez is a...